Kabanata 38

213 15 0
                                    

Surprise

Naging busy na si Ylatch sa kaso ni Daddy kaya pinagtuunan ko nalang rin ng pansin ang clinic. Halos hindi na nga kami magkita sa umaga, tuwing gabi naman ay maaga siyang nakakatulog.

Ni hindi ko na nga nagawang ulitin ang pang-aakit ko sa kaniya!

"Ylatch.. date tayo sa sabado," malambing ba sabi ko kay Ylatch habang yakap yakap ko siya sa aming kama.

"Hmm.. sabado?" inaantok na tanong niya habang nakapikit ang mga mata.

Tumango ako at hinalikan ang kaniyang pisngi.

"Oo, tapos dalawin natin si Daddy!"

Iminulat niya ang inaantok na mga mata at tiningnan ako.

"I'm sorry, baby. May gagawin kasi akong importante sa sabado.."

Napanguso ako dahil sa kaniyang sinabi. Gusto ko talaga siyang maka-date dahil sobrang busy niya na ng mga nakaraan.

"Iyon bang kaso ni Daddy?" tanong ko.

Hindi siya kaagad umimik bago ngumiti ng tipid at tumango.

"Oo.."

Ngumiti ako at hindi na siya kinulit pa. Alam kong focus siya sa kaso ni Daddy dahil pag malaya na ito ay saka lamang kami magpapakasal. Gusto ko ng ikasal kami ngunit mas magiging masaya ako sa araw na iyon kung naroon ang mga mahal ko sa buhay.

Bumangon ako nang mapansing tulog na si Ylatch at hinubad ang kaniyang suot na sapatos.

Napailing nalang ako habang inaasikaso siya. Ni hindi niya na nagawang linisin ang sarili dahil sa kapaguran. Sobra niyang pinapagod ang sarili niya.

Biyernes at nang magising ako ay wala na si Ylatch ngunit nang magawi ang tingin ko sa bedside table ay mayroon ng nakahandang pagkain ko na nasa tray roon.

Napangiti ako. Kahit busy ay hindi niya nakakalimutan ang agahan ko bago siya umalis.

Kaya't magaan ang loob kong pumasok sa clinic habang dala dala si Haze at Chan. Mabuti na lang at malapit lang ito sa bahay kaya't hindi na ako nag-aabalang gumamit ng sasakyan. Kinikilig pa rin ako sa ediyang ipinagawa ni Ylatch ang clinic na ito para sa'kin.

Talagang hindi niya nakalimutan iyong pag-uusap namin dati. Maging ang kaniyang pusa ay ipinangalan niya pa sa dating pusang iniyakan ko na pagmamay-ari ni Mommy.

"Good morning, Dra. Safaria."

"Good morning," balik bati ko kay James at nginitian siya.

Naupo ako sa aking swivel chair samantalang pinaglaruan niya naman sila Haze at Chan.

Hindi nagtagal ay mayroon nang nagpa-check ng kani-kanilang mga alaga, ngayon ay talagang alaga na nila ang dahilan at hindi si Ylatch.

Lunch na nang magulat ako sa pagdating ni Kiro.

"Hi, Sacha. Are you free this saturday?" tanong niya pagkatapos akong yakapin.

"Bukas?" balik tanong ko na ikinatango niya.

"Oo.. wala naman kaming lakad ni Ylatch.." wala sa sariling sabi ko.

Tumaas ang kaniyang kilay.

"So.. kayo na ulit talaga.."

Dahil sa kaniyang sinabi ay napagtanto ko ang aking nasabi ngunit hindi na ako nagkaila pa.

I want everyone to know that Ylatch Persico is mine. Only mine.

"Hindi naman naging kami noon.." sabi ko at napanguso.

Nagdidate lang naman talaga kami noon.. wala akong alam na ako pala talaga ang gusto niya.. ang mahal niya.

Stolen Hearts (Hearts Series #1)Where stories live. Discover now