Kabanata 2

386 23 0
                                    

Manloloko

Para akong mababaliw dahil sa aking nasaksihan kaninang umaga. Hindi ko pa rin makalimutan ang eksenang iyon kahit anong pagpilit ko sa sarili kong kalimutan na ito.

Ano ba ang magagawa ko tungkol sa nakita kong iyon? Magsusumbong ako?

"Safaria Chandra."

Kaagad akong napabaling sa aking kapatid na ngayon ay iritadong nakatingin sa akin.

"Are you listening to me?"

Nginitian ko ng tipid si Kuya Serio dahil sa kaniyang tanong.

"Hindi po," katotohanang sagot ko na ikinailing nalang niya.

"Ang sabi ko ay hindi ka pa ba aalis? darating na ang mga kaibigan ko," aniya na ikinatango ko.

"Dito lang ako, Kuya.." sabi ko na ikinabakas ng pagtataka sa kaniyang mukha.

Alam kong nagtataka siya dahil sa aking sinabi. Ako mismo kasi ang nagsabi noon sa kaniya na paalalahanan ako palagi kapag darating na ang kaniyang mga kaibigan dahil isa sa mga iyon si Kiro.

Kahit na magka-ibigan sila ng kapatid ko ay hindi ko pa nagawang malapitan siya, patago lamang din ang pagtingin ko sa kaniya at hanggang love letter lamang ang nagagawa ko para sa kaniya, hanggang sa nangyari kanina!

That Ylatch guy ruined my everyday routine! Posibleng makadikit pa ako ng love letter sa locker ni Kiro pero ngayon ay tingin niya'y si Ylatch ang aking crush!

Paano na niya maiisip na baka sa'kin galing ang mga love letters na may heart shaped sticker na natatanggap niya tuwing lunes hanggang biyernes? Paano na siya magfi-first move sa akin?! Iyon lang naman ang hinihintay ko!

"Sacha."

Muli na naman akong napabaling kay Kuya nang marinig ang boses niyang halata na ang pagkainis.

"Bakit, Kuya?-" natigilan ako sa pagsasalita at napanganga nang mapansing nasa aming mesa na pala sila Kiro at iba pa nilang kaibigang hindi sa akin pamilyar dahil kay Kiro lang naman ako interesado.

Kaagad akong umayos ng upo at pinilit na pormal silang tingnan lalong lalo na si Kiro na ngayon ay salubong ang kilay at bakas ang pagtataka sa mukha habang nakatingin sa akin.

"You're the girl who have a cr-"

"Hi! I'm Safaria Chandra Rivancio and Kuya Serio is my brother," kinakabahang pagpuputol ko kaagad sa kaniyang pagsasalita habang nanlalaki ang aking mga mata.

Hindi dapat malaman ni Kuya Serio ang nangyari kanina!

Nakipagkilala ang mga kaibigan ni Kuya pero wala sa kanila ang aking atensyon. Tumango si Kiro habang nakatingin sa akin, hindi ko mapigilan ang pag-init ng aking mga pisngi dahil sa pamumula sa paraan ng kaniyang titig!

Sumulyap siya kay Kuya Serio na nakatutok sa kaniyang notes bago ako nginitian.

"I'm Kairos Sandiego-"

"Alam ko!" pagpuputol ko sa kaniyang pagpapakilala, nakangiti't excited. Hindi ako makapaniwalang nagkakausap na kami!

Nagkasalubong muli ang kaniyang mga kilay kaya't napagtanto ko ang aking sinabi.

"Uhm.. naikuwento ka na sa akin ni Kuya Serio!" dahilan ko kaya't napaangat ang tingin sa akin ni Kuya, nagtataka.

"Naikuwento ko na ba siya sa'yo?" nagtatakang tanong niya na ikinanlaki ng aking mga mata.

Sumulyap ako kay Kiro na bakas ang kalituhan sa kaniyang mukha bago muling binalingan si Kuya Serio.

"Kuya! Tumatanda ka na talaga!" sabi ko sa kaniya at kinakabahang humalakhak habang namumula ang aking buong mukha.

Stolen Hearts (Hearts Series #1)Where stories live. Discover now