Kabanata 27

194 16 0
                                    

Hindi kailanman

Hindi pa rin ako makapaniwala sa nalaman. Si Ylatch ang may-ari ng bahay na ito at siya ang umampon sa pusa ko.

"How are you, baby Haze?" malambing na tanong ko sa pusa ko-I mean pusa na ni Ylatch na nasa aking hita.

Dinilaan niya ang aking daliri kaya't napahagikgik ako. God, I miss my Haze.

Tumikhim si Ylatch kaya't napatingin ako sa kaniya na nakaupo sa sofa sa aking tapat.

Kaagad din naman akong napaiwas ng tingin dahil bumagsak ang mga mata ko sa kaniyang katawan na nakalantad pa rin. Bakit kaya hindi siya magbihis muna? Gusto niya ba talagang ilantad iyan sa'kin?

Nakakagigil. Nanggigil ako baka makagat ko siya bigla.

Napanguso ako dahil sa naiisip.

"Are you hungry?" tanong niya na ikinatango ko kaagad

Oo, nagugutom ako dahil sa katawan mo. Yumuko nalang ako upang itago ang pilyang ngiting kumuwala sa aking labi. Hinaplos ko nalang ang balahibo ni Haze nang mapatigil ako dahil sa pagtayo ni Ylatch.

Napatingala ako sa kaniya ngunit bumagsak lamang ang aking mga mata sa kaniyang katawan. Inis akong umiling at itinuon sa kaniyang mukha ang aking atensyon.

"Saan ka pupunta?" wala sa sariling tanong ko na ikinataas ng kaniyang kilay.

Nameywang siya kaya't muling bumagsak sa kaniyang katawan ang aking mga mata. Sinasadya niya ba ito?!

"Magluluto para makakain ka," sagot niya na ikinangiti ko ngunit kaagad ko din iyong pinawi.

"Snacks nalang," sabi ko na ikinailing niya lamang bago ako tinalikuran.

Sinundan ko siya ng tingin at napansing papunta siya sa kitchen. Napangiti muli ako at uminit ang aking puso sa ediyang magluluto siya para sa'kin.

Tumayo ako at iniwan si Haze sa sofa, nahiga naman ito doon at natulog. Sinundan ko si Ylatch sa kusina at nakitang naghahanda ito ng mga iluluto.

Nakasuot na siya ng kulay grey na apron at nakatalikod sa'kin kaya't kitang kita ko ang ganda ng hubog ng kaniyang katawan.

Naupo ako sa isang highchair at pinagmasdan siya. Malayong malayo na ang itsura ng katawan niya sa noong nineteen pa siya. Maganda na noon ang hubog ng katawan niya pero mas gumanda pa ngayon. Naggi-gym ba siya?

"Stop staring," aniya kaya't natauhan ako.

Tumingin siya sa'kin saglit at kaagad binalik ang atensyon sa ginagawa.

"Anong lulutin mo?" tanong ko at imbes na sundin ang sinabi niya ay tinitigan ko lamang siya.

"Hintayin mo nalang matapos," seryosong aniya kaya't tumango nalang ako at napakagat labi.

I wonder kung may asawa na siya? Kung si Mirella ba o iyong wild na Chandra? Kung isa man sa kanila ang asawa niya ay paniguradong uuwi iyon dito sa bahay niya. Dapat na ba akong umalis?

Iyon ang naglaro sa isipan ko at hindi ko namalayan na matagal na pala akong tulala, tapos na si Ylatch sa pagluluto at ngayo'y nasa aking harapan na.

Napasinghap ako dahil sa kaniyang lapit. Lumunok ako habang nakatitig sa kaniyang mga mata.

"Tulala ka," aniya sa isang baritonong boses.

"May iniisip lang.."

Bumagsak ang tingin niya sa aking labi bago muling tumingin sa aking mga mata. Kumakalabog ang puso ko sa pinaghalo halong emosyon dahil sa lapit niya.

Stolen Hearts (Hearts Series #1)Where stories live. Discover now