Kabanata 36

202 14 0
                                    

Pinapahirapan

"Huwag ka ng pumasok.. naroon naman na si James. Date nalang tayong dalawa," malambing ang boses na sabi ni Ylatch habang yakap yakap ako.

Natawa ako dahil kanina pa niya ako iyon pinipilit. Paano pa ako makakapasok sa clinic eh hanggang ngayon ay yakap yakap niya ako at hindi pinapalabas sa kaniyang kuwarto?

"Bakit namam tayo magdidate?"

"Dahil tayo na.." masuyong bulong niya at hinalikan ang aking leeg kaya't napahalakhak ako.

"Hindi mo naman ako niligawan at hindi naman kita sinagot. Paanong tayo na ngayong dalawa?!" tumatawang tanong ko na ikinatigil niya sa paghalik sa'king leeg.

"Baby.. ayoko ng walang label.. At saka.. noong ninakaw mo palang ang puso ko tayo na," aniya na ikinasalubong ng mga kilay ko.

"Hindi ko nga alam na ninakaw ko ang puso mo."

"Paano mo malalaman eh nasa ibang tao ang atensyon mo?" aniya, nahimigan ko ang pagtatampo sa kaniyang boses.

"Torpe ka kasi, hindi ka kaagad umamin tsk," kunwaring ismid ko na ikinasalubong ng kaniyang mga kilay.

"Hindi ako torpe. Pinagplanuhan ko lang ang panglalandi ko sa'yo para makuha kita," aniya na ikinatigil ko.

Iyon bang tinutukoy niya sa sinabi niya noong nilalandi niya ang babaeng gusto niya ay ako? Akala ko ay si Mirella!

"Huwag ka ng pumasok. Dalawin natin si Papa at date tayo pagkatapos," aniya at bumangon.

Tinungo niya ang kaniyang closet at naghanap ng isusuot.

"Si Mr. Persico?!" gulat na tanong ko na ikinalingon niya sa'kin.

"Si Papa mo.."

Napataas ang aking kilay bago napangiti ng malapad. Tinatawag niya ng papa ang papa ko ha.

"Sige.." sabi ko at tumango.

Naupo ako sa kama niya at pinagmasdan siya. Napasimangot ako nang hubarin niya ang suot na t-shirt sa aking harapan.

"Inaakit mo ba ako, Ylatch?"

Ngumisi siya.

"Naaakit ba kita, Sacha?" nanunuyang balik tanong niya.

Umiling ako.

"Hindi."

Napahalakhak siya at umiling, tila hindi naniniwala sa aking sinabi.

Oo naaakit ako. Inaakit niya talaga ako pero sa huli ay nagpipigil naman! Anong ibig mong sabihin, Sacha? Gusto mong huwag siyang magpigil?!

Napailing nalang ako sa naisip at tumayo. Lumapit ako sa kaniya at ibinutones ang kaniyang damit.

"Ang guwapo mo, Attorney."

Sumeryoso siya ngunit napailing nalang at napakagat labi. Natawa ako dahil hindi niya talaga kayang magseryoso.

"Pinakikilig mo na naman ako, baby. Stop it, kailangan kong magseryoso ngayon," aniya kaya't tumango ako.

Pinatakan niya ng halik ang aking labi at saka ako hinila palabas sa kaniyang kuwarto.

Narinig ko pa rin ang musika pagkadaan namin sa kanilang sala na ikinangiti ko.

Magkatabi kami ni Ylatch habang nakaharap kay Daddy. Ipinaalam niya na maayos na ang aming relasyon kaya't labis ang gulat ko nang malamang dati pa lang ay alam na ni Daddy na nagdidate kami ni Ylatch at payag siya noong sinabi raw ni Ylatch na liligawan niya ako.

"Magpakasal na kayong dalawa.. kahit na hindi ko na masaksihan," ani Daddy ngunit nahimigan ko ang lungkot roon.

Umiling ako at tiningnan si Ylatch na seryoso na. Akala ko pa naman kanina ay hindi siya magseseryoso.

Stolen Hearts (Hearts Series #1)Where stories live. Discover now