Kabanata 25

196 18 0
                                    

Indirect kiss

Nagkasalubong ang mga kilay ko dahil sa pagtataka sa kaniyang sinabi pero bago pa ako makapagsalita ay may kumatok sa pintuan bago iyon bumukas at pumasok ang isang nurse na may dalang first-aid kit.

Tumingin siya sa'kin.

"Dra. Rivancio?" tanong niya kaya't tumango naman ako.

Inilahad niya sa'kin ang dala kaya't nagkasalubong ang mga kilay ko.

"Anong gagawin ko riyan?" tanong ko na ikinasulyap niya saglit kay Ylatch na nasa hospital bed bago ibinalik sa'kin ang tingin, pansin kong namula siya.

"Sabi ho ni Doc. Sandiego ay ikaw raw ho ang gumamot kay Attorney Persico," sagot niya sa aking tanong na ikinagulat ko.

He's now a lawyer! Napamaang ang labi ko at wala sa sariling tinanggap ang kit at napabaling kay Ylatch, gulat pa rin sa nalaman.

Labis ang kasiyahan kong naramdaman para sa kaniya. Talagang natupad niya ang gusto niya. Pero may kalungkutan din akong naramdaman dahil sa isiping hindi ko iyon nasaksihan.. hindi ko nasaksikhang maging successful siya.

"Gagamutin mo na ba ang labi ko, Dra. Rivancio?"

Ngumiti ako sa kaniya ng tipid.

"Doktor ako ng mga hayop, Attorney. Hayop ka ba?" tanong ko na ikinatigil niya saglit.

He smirked.

"Simple lang naman ang paggamot sa sugat ko, Dra. Paniguradong kaya mo," aniya at sinenyasan na akong lumapit.

Naigulong ko ang aking mga mata at lumapit na sa kaniya ngunit kaagad ding nakaramdam ng kaba dahil ngayon lang ulit kami magkakalapit.

Tumigil ako sa tapat niya samantalang nakatingala sa akin ang kaniyang mukha.

"Uupo ako," sabi ko at inilapag sa kaniyang tabi ang hawak at mauupo na sana nang tumaas ang kaniyang kanang kamay at hinawakan ang aking baywang.

Napapitlag ako sa gulat at tila nakuryente dahil sa kaniyang ginawa. Kaagad akong napatingin sa kaniya.

"Huwag na, tumayo ka nalang sa harap ko Dra.," aniya at marahang humalakhak.

Uminit ang pisngi ko dahil sa paraan ng kaniyang paghalakhak. Para bang may kakaiba roon na dapat kong ikahiya. Ang lalaking ito talaga!

Mabilis ang pintig ng puso ko. Ako lang ba ang nakakaramdam ng kakaiba katulad ng dating pakiramdam na hatid niya sa'kin ngayon? Hindi ba siya apektado?

Mapait akong napangiti sa aking sarili. Bakit ba siya magiging apektado? Wala naman ako para sa kaniya. Ni wala nga akong epekto sa kaniya..

Tumigil siya sa paghalakhak at napatitig sa akin bago kinagat ang pang-ibabang labi, tila may naiisip na kapilyuhan ngunit napadaing nalang dahil sa kaniyang sugat.

"Aray! Shit!" daing niya at napahawak sa kaniyang labi na ngayon ay dumudugo na.

Nataranta ako dahil may kalakihan ang cut sa kaniyang labi. Kaagad kong hinawakan ang kaniyang nakadipinang panga at itinaas ang kaniyang mukha upang mapagmasdan ang kaniyang labi.

Natigilan siya sa pagdaing at napatitig sa akin. Ibinagsak ko sa kaniyang labi ang aking atensyon at nakaramdam ng inis dahil sa dugo.

"Anong nangyari ba kasi at nagkasugat sa sa labi mo, Attorney?" tanong ko, iritado na.

Marahan siyang natawa ngunit may bahid iyon ng kalandian.

Saglit akong natigilan. Tama talaga ang sinabi ko noon sa kaniya. Hindi bagay sa kaniya na isang pilyo, malandi, playboy at mahangin ang pagiging Attorney. Napailing nalang ako sa naisip.

"Nanggigil kasi si Chandra.. nakagat tuloy ang labi ko," aniya at may sinusupil na ngiti sa labi kaya't nanlaki ang mga mata ko at agad na nabitawan ang kaniyang panga at napatayo ng maayos.

Uminit ang pisngi ko at tumikhim. Inayos ko ang aking sarili at tumayo lamang roon, hindi alam ang gagawin.

"Oh? Akala ko ay gagamutin mo na ako, Safaria Chandra?"

Pakiramdam ko ay sasabog ang kalooban ko dahil sa mga pinagsasabi niya. Talagang binanggit niya pa ang pangalan ko! Seryoso ba siyang kinagat siya ni Chandra?! Sino naman ang Chandra na iyon?! Asawa niya?! O fling?! Akala ko ba ay si Mirella? Malandi talaga!

Nanggagalaiti ako dahil sa naiisip.

"Bahala ka! Gamutin mo ang sariling labi mo o ipa-gamot mo sa Chandra na kumagat niyan at huwag sa'kin dahil doktor ako ng mga hayop hindi ng mga malalandi!" asik ko nang hindi ko napigilan ang aking sarili.

Tumaas baba ang aking balikat habang nakatingin sa kaniya.

Tumaas ang kaniyang kilay at kumislap ang mga mata, bumakas ang pagkamangha at katatawanan roon katulad noong nangyari noon sa library dati.

Inismiran ko siya.

"Hindi naman ako sobrang malandi, slight nga lang.." aniya at humalakhak kaya't mas nainis ako.

Sa inis ko ay inayos ko na lamang ang gagamitin at walang imik na ginamot ang sugat niya. Wala sana akong balak na maging marahan sa paggamot ngunit natagpuan ko na lamang ang sariling buong inggat na idinadampi ang cotton sa kaniyang labi.

"Ang wild naman ng Chandra na kumagat nito," wala sa sariling sabi ko habang salubong na salubong ang kilay sa inis.

Ngumisi siya ngunit kaagad ring napangiwi.

"Wild nga ang batang babaeng iyon.." aniya kaya't natigilan muli ako.

Napatitig ako sa kaniyang mga mata at naalala ang nakaraan. Si Mirella pa rin ba o may bago na siya? Ako ba? Sa nakaraan nalang ba talaga niya? Wala na bang pag-asa?

Marami na naman akong katanungan ngunit katulad ng dati ay wala naman iyong naging sagot. Bakit nga ba ako umaasa pa?

Seryoso lamang ang kaniyang ekspresyon habang nakatitig sa aking mga mata. Naalala ko iyong sinabi niya kani-kanina.. may pupuntahan pa siya pagkatapos nito, iyon ba si Chandra?

Bumuntong hininga ako at pinagpatuloy na lamang ang paggamot sa labi niya para makaalis na siya. Siguro wala na talaga..

Kung sino man ang Chandra na kumagat sa labi niya ay isa lang ang sigurado ako, nanggigil ako rito.

"Tapos na," sabi ko pagkatapos at tumungo na sa swivel chair.

Ramdam ko na ang gutom ko kaya't kakain na ako, bahala na si Kiro. Hindi niya sinabing narito si Ylatch! Alam ba niya?! Paniguradong alam niya at mukhang sinadya niya pa talaga akong iwan kasama ito dito! Nangigigil talaga ako!

Tumayo si Ylatch at inayos ang suot habang nakatingin sa akin kaya't pilit kong itinuon ang atensyon sa plato ng chicken na nasa lamesa.

"Salamat," aniya kaya't tumango lamang ako.

Alala ko ay lalabas na siya nang maglakad na siya kaya't nagulat ako nang tumigil sa tapat ng mesa.

Tiningala ko siya.

"Ano pang kailangan mo?" taas kilay kong tanong.

"Gutom na ako.." aniya at bumagsak ang tingin sa fried chicken.

Napanguso ako. Ako lang ba talaga ang nakakaalala ng nakaraan sa aming dalawa kaya't para sakin ay awkward ang sitwasyon namin ngayon?

Kumirot ang puso ko dahil roon kaya't tumango na lamang ako.

"Sabayan mo akong kumain," sabi ko at binuksan ang water bottle na binili at uminom rito.

Pakiramdam ko kasi ay may nakabara sa aking lalamunan dahil sa mga naiisip.

Kaagad siyang naupo sa lamesa at kumuha ng fried chicken, kinagatan niya ito ngunit kaagad ring napadaing dahil sa sugat.

Napatitigil ako sa pag-inom at sa gulat ko nang inagaw niya sa'kin ang hawak na bote ng tubig at uminom rito ay napaawang nalang ang aking bibig.

"Ang tamis ng tubig," aniya at binasa ang basang labi gamit ang kaniyang diba, nginisihan niya ako.

Napakurap kurap naman ako bago pinamulahan ng pisngi dahil sa kaniyang sinabi at sa indirect kiss na nangyari.

Stolen Hearts (Hearts Series #1)Where stories live. Discover now