Kabanata 34

200 17 1
                                    

The truth

Tahimik ako habang nasa loob ng kotse ni Ylatch habang siya ay seryoso ngunit salubong ang kilay na nagmamaneho.

Hindi ko alam kung saan kami pupunta ngunit nang madaanan ang clinic ay napagtanto kong patungo kami sa bahay niya.

Nagulat ako at aapila na sana nang tumigil ang sasakyan at ilang saglit lang ay binuksan ni Ylatch ang pinto ng kotse.

Tiningnan niya lamang ako kaya't walang imik akong lumabas. Nang isinara niya iyon ay tumalikod na siya sa'kin.

"Huwag mong tangkain na umalis, Sacha. Hindi ka na makakatakas sa'kin ngayon. Hindi na ako papayag."

Lumunok ako at sumunod sa kaniya hanggang sa makapasok kami sa kaniyang bahay.

Balak ko sanang pagmasdan ang loob ng kaniyang bahay nang maramdaman ko ang kaniyang kamay sa aking baywang.

Napamaang ako ng hapitin niya ako at isinandal sa pintuang ngayon ay nakasara na.

Marahas ang kaniyang paghalik hindi katulad noong mga mararahan niyang halik kaya't namuo ang luha sa aking mga mata.

Hinawakan ko ang kaniyang mga braso at malakas ko siyang itinulak. Hindi niya iyon inaasahan kaya't napabitaw siya sa akin at napatigil sa kaniyang paghalik.

"Stop! Tumigil ka Ylatch! Wala kang karapatang halikan ako!" sigaw ko at kasabay nito ang pagtulo ng luha mula sa'king mga mata.

Kumislap ang sakit ngunit nangibabaw pa rin ang galit sa kaniyang mga mata.

"Puwes bigyan mo ako ng karapatan, Sacha! Gusto kong magkaroon ng karapatan sa'yo! Karapatang halikan ka! Yakapin ka! Angkinin ka! Ipakita at ipadamang mahal kita!"

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at pagkalito dahil sa kaniyang isinigaw.

Pumikit siya ng mariin at kinagat ang labi.

"Sacha, bigyan mo ako ng karapatan!"

Umiling ako.

"Matagal ka ng may karapatan sa'kin, Ylatch! Noon pa man! Pero ako wala! Wala akong karapatan sa'yo noon hanggang ngayon!" sigaw ko sa katotohanan na ikinatigil niya.

Akmang magsasalita siya nang umiling muli ako.

"Ang hirap mong angkinin, Ylatch. Ang hirap hirap!" sigaw ko at napahikbi.

Tinakpan ko ang aking mukha gamit ang aking palad at sumandal sa pinto. Humikbi ako sa kaniyang harapan.

Naramdaman ko ang mainit niyang mga kamay nang hawakan niya any kamay kong tumatakip sa aking mukha.

"Shh.. sabi ko sa'yong huwag kang iiyak di'ba, Sacha? Ipinangako mo iyon sa'kin noon.." mahinang bulong niya at ibinaba ang aking mga kamay.

Mas napahikbi lamang ako dahil sa kaniyang sinabi.

"I'm sorry for shouting, baby. Please forgive me.. gusto ko lang magkaroon ng karapatan sa'yo," masuyong aniya at pinunasan ang mga bakas ng luha sa aking pisngi ngunit naagusan muli iyon ng mga luhang muling tumulo galing sa aking mga mata.

"Sa'yo ako, Ylatch. Noon hanggang ngayon pero ikaw.." sabi ko at umiling.

Tinitigan niya ang aking mga mata at masuyong hinaplos ang aking pisngi gamit ang kaniyang hinlalaki.

Kumikinang ang kaniyang mga mata dahil sa hindi ko matukoy na mga kislap.

"Baby, I'm completely yours. Bakit ka nahihirapan? Tell me.." masuyo ang kaniyang boses kaya't napahikbi lalo ako.

"Dahil may pamilya ka na! Noon si Mirella ang kaagaw ko sa'yo at hanggang ngayon ay siya pa rin! Pero panalo na naman siya kasi may anak na kayo! Mahal mo siya at hindi ako! Talo ako Ylatch!" sigaw ko sa gitna ng aking paghikbi.

Stolen Hearts (Hearts Series #1)Where stories live. Discover now