Kabanata 28

181 15 0
                                    

Umalis

Masaya ako na naranasan kong magmahal ng isang lalaki at iyon si Ylatch. Kahit na may mahal siyang iba at hindi ako ay ayos na sa'kin ngayon. Talagang hindi mo magagawang maagaw ang pagmamahal na para na sa isang tao.

Pagkatapos ng aming pag-uusap ni Ylatch sa kaniyang bahay ay nakahinga ako ng maluwag.

Hindi siya kailanman nagalit sa'min ni Daddy. Kung totoo man iyon ay nakakapagtaka kung bakit. Dapat ay galit o nagalit man lang siya kahit kaunti dahil posibleng namatay ang kaniyang Ama dahil sa nangyari.

Pero masaya ako na malamang wala siyang galit ngayong nararamdaman sa'kin. Ayokong may maramdaman siyang galit sa'kin. Kung may mararamdaman man siya sa'kin iyon ay pagmamahal dapat.. pero alam kong imposible iyon.

Bumuntong hininga ako at pinilit mag-isip ng ibang bagay dahil tulala na naman ako habang nakaupo sa aking upuan. Nasa clinic muli ako at mag-isa kahapon pa.

Dapat ay puntahan ko si Haze sa bahay ni Ylatch dahil miss ko na siya.. miss ko na sila pareho. Pero hindi ko kaya.. siguro ay dahil sigurado akong hindi ko mapipigilan ang sarili ko kapag muli kaming nagkita ni Ylatch.

Katulad noong nangyaring balak kong paghalik sa kaniya. Bakit ko ba iyon naisip? Dahil mahal ko pa rin siya? Pero hindi dapat. Kaya iiwas ako.. hanggat maaari dahil baka lumampas ako sa linya.

Napatayo ako sa gulat nang marinig ang pagbukas ng pintuan ng clinic kaya't inayos ko kaagad ang aking sarili at ngumiti.

"Welcome-"

Nabitin sa ere ang aking bibig sa gulat nang makita si Ylatch na nagmamadaling lumapit sa'kin.

Sa gulat ko nang mabilis siyang makapunta sa aking harapan ay napaupo muli ako sa aking swivel chair.

"Y-Ylatch bakit ka nandito?" gulat na tanong ko dahil hindi ko mabasa ang kaniyang ekspresyon.

Yumukod siya at inilapit ang mukha sa'kin na ikinaawang ng aking labi sa gulat. Ramdam na ramdam ko ang init ng kaniyang mabangong hininga dahil sa lapit ng mga mukha namin sa isa't isa.

"Fuck! I miss you, baby.." bulong niya bago ko naramdaman ang malambot niyang labi sa aking labi na ikinanlaki ng mga mata ko sa gulat.

Mabilis lamang iyon, tila pinatakan lamang kaya't nanlalaki pa rin ang aking mga mata nang tingnan niya ako sa aking mga mata.

Bahagya siyang ngumuso.

"Why didn't you monitor me yesterday?"

"Si Haze ang mino-monitor ko sa bahay mo hindi ikaw," sagot ko at napanguso upang pigilan ang nagbabadyang ngiti sa aking labi.

Bakit labis akong nasisiyahan dahil narito siya ngayon at dahil sa kaniyang biglaang paghalik sa aking labi?!

Ngumisi siya.

"I'm Ylatch Haze.. hinintay kaya kita kahapon," aniya at marahang natawa.

Umismid ako.

"Si Haze na pusa hindi Haze na playboy," sabi ko na ikinahalakhak niya lamang.

Masuyo niyang hinaplos ang aking pisngi at ngumisi muli.

"Come back to me, baby."

Natigilan ako dahil sa kaniyang sinabi. Napakurap kurap ako at madiing ipinagdikit ang aking mga labi.

Hindi puwede. Hindi dapat ako lumampas pa sa linya. Paano si Mirella o iyong Chandra? Hindi ko alam kung bakit gusto niya akong bumalik sa kaniya gayong hindi naman naging kami!

Naguguluhan ako sa ibig sabihin ng sinabi niya pero isa lang ang nasa isip ko. Iyon ay hindi puwede.

"Umalis ka na, Ylatch.." sabi ko at umiwas ng tingin ng bumakas ang sakit sa kaniyang mga mata.

I'm sorry, baby. Pero ayokong maging isang manloloko ka para sa'kin. Hindi ko alam kung bakit mo ako gustong pabalikin sa'yo gayong hindi mo naman na dapat pa akong kaawaan. Wala ng kaawa-awa sa'kin. Wala ng puwedeng maging dahilan upang mapalapit pa tayo sa isa't isa kagaya dati.

Mahal kita pero hindi kita kayang agawin muli sa taong mahal mo dahil baka hindi ko na makayanan pa ang sakit na maidudulot nito sa'kin kapag naulit ang dati.

Ang tapang ko dati para nakawin ang puso niya mula kay Mirella, ni hindi ko man lang naisip na imposibleng mapasa'kin ito.

Binasa niya ang kaniyang pangibabang labi at tumango.

Ngumisi siya at katulad kanina ay hindi ko muli mabasa ang kaniyang ekspresyon.

"Okay then. Aalis na ako.. pero babalik ka muli sa'kin, Sacha. Sa'kin lang dahil pagmamay-ari pa rin kita," aniya at muling sinakop ang aking labi kaya't natigilan ako.

Akala ko ay katulad ng nauna ay patak lamang iyon ngunit nang gumalaw ang kaniyang labi ay napapikit na lamang ako.

Ngayon lang. Kahit ngayon lang ulit at kahit hindi na maulit papayagan ko ang sarili at puso ko na iparamdam sa lalaking mahal ko ang pagmamahal ko para sa kaniya.

Napahawak ako sa kaniyang mga braso at sinuklian ang kaniyang mga halik.

God, I miss this. I miss him, I miss his lips, I miss his kisses, I miss his effects on me, I miss everything about him.

Tumigil siya sa paghalik at tinitigan ako sa aking mga mata. Akmang may sasabihin ngunit umiling na lamang siya at kinagat ang labi.

Uminit ang pisngi ko kaya't iniwas ko ang aking tingin. Ngumuso ako upang itago ang nagbabadyang ngiti.

Pakiramdam ko ay may nagkakagulong mga paruparo sa aking tiyan dahil sa nangyari.

"Aalis na ako," paalam niya ngunit nanatiling nakayuko sa'kin.

Sinulyapan ko siya gamit lamang ang aking mga mata at tumango.

Ayoko man siyang paalisin pa ay dapat na talaga dahil nararamdaman kong bibigay na ako, at bawal iyon. Hindi ko tuluyang hahayaang lokohin niya si Mirella o iyong Chandra niya ng dahil lang sa'kin.

Bumuntong hininga siya at muling inilapit sa akin ang kaniyang mukha pagkatapos ay naramdaman ko ang kaniyang labi sa aking pisngi.

May ibinulong siya ngunit hindi ko na iyon naintindihan pa dahil napatulala na lamang ako nang mapansing wala na siya sa loob ng clinic.

Ngayon ag nag-iisa na naman ako.

Isang buong araw muli ang lumipas na hindi ko pinuntahan si Haze sa bahay ni Ylatch. Pinipigilan ko pa rin ang aking sarili na makagawa ng hindi dapat.

Pero ang akala kong hindi ko na muli magagawang bumalik sa bahay ni Ylatch ay mali dahil ngayon ay natagpuan ko na lamang ang sarili kong nakatayo sa labas ng gate ng bahay niya.

Kanina ko pa pinipindot ang doorbell ngunit hindi bumubukas ang gate kagaya noong unang punta ko rito.

"Tao po! Ylatch!"

Nilakasan ko na ang pagtawag ngunit wala talagang Ylatch na lumabas.

"Miss?"

Napabaling ako sa isang may edad na lalaki sa aking kanan dahil sa kaniyang pagtawag sa'kin.

"Po, Manong?"

"Si Attorney Persico ho ba ang hanap mo?" tanong niya kaya't tumango ako.

Mukhang kilala niya si Ylatch.

"Opo, nariyan po ba siya?" tanong ko rin at ngumiti.

"Wala ho eh, umalis po ang sabi niya ay baka hindi na ho siya bumalik."

Natulala ako dahil sa narinig. Imposible.. bakit.. bakit siya umalis?

Stolen Hearts (Hearts Series #1)Where stories live. Discover now