Kabanata 30

190 17 0
                                    

Kumagat

Nakasunod lamang ako kay Ylatch habang naglalakad patungo sa kaniyang kotse.

"Thank you, Ylatch," basag ko sa katahimikang namamagitan sa aming dalawa na ikinatigil niya.

Nilingon niya ako at pinagtaasan ng kilay.

"For?"

"Sa pagbukas ng kaso ni Daddy at sa gagawin mong pagpatunay na inosente siya," sabi ko at kinagat ang aking labi.

Tumango siya, nanatiling seryoso ang kaniyang ekspresyon.

"Huwag ka munang magpasalamat hanggang hindi pa malaya ang Ama mo, Sacha."

Napatango ako dahil sa kaniyang sinabi.

"Posible bang hindi mapatunayan na inosente siya?"

Bumuntong hininga siya, tila ayaw sumagot ngunit gusto akong bigyan ng sagot.

"Yes, but I will do everything just to prove that your father is innocent."

Napangiti ako at kaagad na napatango dahil sa kaniyang sinabi.

"Ihahatid na kita," aniya at pinagbuksan ako ng pinto ng kaniyang kotse.

Pumasok na ako at inayos ang aking seatbelt. Napatingin ako sa kaniya pagkapasok niya at napaisip.

May pupuntahan ba siyang iba o aasikasuhin ang kaso?

Bumuntong hininga ako at umiling na lamang. Bakit ko ba inaalam kung may pupuntahan pa siyang iba?

"Anong balak mong gawin habang nandito ka?"

Maging ako ay napaisip sa kaniyang tanong. Ano nga ba ang puwedeng gawin ko habang narito ako?

"Magbabakasyon siguro," sagot ko.

"Ayaw mong magtrabaho?"

"Saan naman? Wala namang clinic dito-"

"Mayroon ako.. I mean, mayroong malapit sa bahay ko. Puwede ka roon," Aniya kaya't napataas ang aking kilay.

"May ibang bahay ka rito?"

Umangat ang gilid ng kaniyang labi saglit dahil sa aking tanong bago tumango.

"Uhuh. Pinagawa ko.." aniya na tila may kadugtong pa ngunit kinagat nalang niya ang kaniyang labi.

Tumango ako at napaisip. Kung magtatrabaho ako sa clinic malapit sa kaniya ay mayroon akong pagkakaabalahan habang narito.

"Sige, mayroon ba akong katulong roon?" tanong ko.

Siguro ay kakailanganin ko ng katulong dahil baka mas mapadalas ang pagdalaw ko kay Daddy.

"Wala, sarado pa iyon eh," sagot niyang ikinasalubong ng mga kilay ko.

"Sarado pala eh, bakit mo ako inaalok na magtrabaho roon?" tanong ko at napasimangot.

Humalakhak siya.

"Hinihintay ka kasi ng clinic na iyon kaya't sarado. Kawawa nga iyong mga hayop na alaga ng mga narito lalo na ang mga pusa," aniya kaya't napanguso ako, naaawa sa mga hayop.

"Sige, basta ay may magiging katulong ako."

Tumango siya at ngumiti.

Kaya imbes na ihatid niya ako pauwi ay dinala niya ako sa clinic na sinasabi niya. Sarado pa nga iyon at halatang bago o sadyang alaga lamang kaya't napakalinis at napakaaliwalas tingnan.

Binuksan niya ang pintuan at pagkapasok ko palang ay naamoy ko na kaagad ang napakabangong amoy. Tila alagang alaga talaga ito.

Tinanggal niya ang mga puting tela na bumabalot sa mga gamit roon at binuksan ang kurtina sa mga bintana.

Stolen Hearts (Hearts Series #1)Where stories live. Discover now