Kabanata 40

312 17 0
                                    

Kontento

Tiwala ang kulang. Iyon ang sinabi ni Ylatch sa'kin kaya't natauhan ako. Bakit nga ba ako natatakot na baka nagsisinungaling lamang siya sa'kin? Bakit pinagdudahan ko ang pagmamahal niya sa'kin?

"Kung hindi ikaw ang ama ng anak ni Mirella.. sino?" nanghahamong tanong ko habang nakatitig sa kaniyang mga mata.

Iyon nalang ang gusto kong malaman at magagawa ko nang ibigay ang buong tiwala ko sa kaniya, tiwalang walang takot at pagdududa.

"Nasa sala siya-"

"Kasama mo si Mirella rito?!" inis na pagpuputol ko sa kaniyang sinasabi, kaagad na nag-init ang aking ulo.

Tumango siya habang nakatitig sa'kin.

"May sasabihin raw siya sa'yo.." aniya kaya't kaagad kong hinawi ang kaniyang brasong kumukulong sa'kin at binuksan ang pintuan.

Nagmartsa ako hanggang sa marating ang aming sala at hindi nagdalawang isip na lapitan si Mirella nang maabutan ko siyang nakupo sa sofa. Tumayo siya nang magawi ang tingin sa'kin at sumulyap sa aking likuran.

Nilingon ko ang aking likod at nakita si Ylatch kaya't salubong ang kilay kong binalingan muli si Mirella na nasa aking tapat na.

"Sacha-"

I slapped her right cheek hard and bad. Napadaing siya at kaagad na napahawak sa kaniyang pisngi.

"What the hell?!" angil niya at tiningnan ako ng masama, ganoon din ako sa kaniya.

Samantalang naramdaman ko naman ang kamay ni Ylatch sa aking pulsuhan, marahan iyong nakahawak doon kaya't hindi ko nalang iyon pinansin at binalingan nalang si Mirella.

"Kung nagtataka ka kung para saan ang sampal na iyon.. para 'yon sa pag-angkin sa pagmamay-ari ko noon," madiing sabi ko at muling sinampal ang kaniyang kaliwang pisngi.

"Ouch," muling daing niya at tiningnan ako, wala na ang galit roon.

"At 'yan naman ay para magising ka mula sa pag-iilusyon mo na ikaw ang mahal ni Ylatch noon hanggang ngayon!" singhal ko na ikinailing niya bago umayos ng tayo.

"Matagal na akong nagising, Sacha," aniya na ikinangisi ko ng sarkastiko.

"Talaga?! Naisip mo ba na ang kapal ng mukha mo para sabihin sa'kin noon ang mga salitang alam mong hindi naman totoo?!"

Tumango siya at tiningnan ako habang nangungusap ang kaniyang mga mata.

"I'm sorry. Oo, makapal ang mukha ko. Naging two-timer ako, naging bulag ako sa kung sino ang totoong nagmamahal sa'kin," aniya na ikinasinghap ko.

"Manloloko," sabi ko na ikinangiti niya ng mapait.

"Yes, I am. Mabuti nalang at nabigyan ako ng isa pang pagkakataon para makasama ang tunay na mahal ko. I feel so stupid dahil sa mga sinabi ko sa'yo noon gayong tama ka, alam ko ang totoo," aniya at nginitian ako pagkatapos ay sinulyapan si Ylatch.

"I'm so sorry, Sacha. Sana ay patawarin mo ako dahil sa mga nasabi ko sa'yo noon.. alam kong nasaktan kita lalo na at alam kong mahal mo na noon pa si Ylatch."

Natigilan ako dahil sa kaniyang sinabi. Nahimigan ko ang kasinserohan sa kaniyang boses kaya't tinitigan ko siya sa kaniyang mga mata. Tila pinagsisisihan niya talaga ang mga nasabi niya noon sa'kin.

"Kung hindi mo man ako mapatawad ay ayos lang. I'm happy for you and Ylatch. Masaya na rin ako sa anak ko at kay Kairos," aniya at napangiti ng maaliwalas.

Nagkasalubong ang mga kilay ko.

"Si Kiro?"

Tumango siya sa aking tanong.

Stolen Hearts (Hearts Series #1)Where stories live. Discover now