Kabanata 19

171 15 0
                                    

Mag-isa na lang..

I-ti-next ko si Ylatch na mamayang hapon nalang ulit kami pumunta sa aming lugar dahil sinabi kong hindi umalis sila Kuya at Daddy sa bahay pero ang totoo ay nakipag-kita ako ngayon kay Kiro sa isang coffee shop sa bayan.

"Bakit dito pa?" tanong ko nang makaupo kami pareho sa pangdalawahang lamesa.

Ngumiti siya.

"Wala lang. Naisip kong mag-kape kasama ka," aniya at nagpasalamat sa waiter nang inilapag na nito ang order ni Kiro para sa aming dalawa.

Tumango nalang ako.

"About Ylatch-"

"Hindi ko gusto si Ylatch," pagpuputol ko sa kaniyang sinasabi na ikinaliwanag ng kaniyang mukha.

Pero kaagad din iyong naglaho dahil sa aking idinagdag.

"Mahal ko na siya, Kiro. Mahal ko na si Ylatch. Dati ay gusto lang.. pero napalitan kaagad iyon ng pagmamahal," sabi ko at napangiti ng kusa nang maalala si Ylatch.

Excited na tuloy agad ako mamayang hapon sa aming pagkikita!

"Akala ko ba gusto mo ako noon pa?"

Nagulat ako kahit na inaasahan ko na iyong tanong niya. Nginitian ko siya ng matipid.

"Noon iyon, Kiro. At paghanga lamang iyon," sabi ko na ikinayuko niya.

"Why not choose me, Sacha? 'Di ba ay una palang ay ako na? So why?" mahinang bulong niya.

Napakurap kurap ako. Ano 'to? Gusto niyang piliin ko siya? Bakit? Kasi gusto niya ako? Hindi ko alam kung bakit nalungkot ako sa kaniyang tanong. Hindi ko inaasahan na ang taong crush ko noon ay hindi ko magugustuhan ang mga sinasabi sa'kin ngayon.

Bumuntong hininga ako kaya't napatingin muli siya sa akin. Hindi na ako ngumiti pa sa kaniya.

"Because it's over. My feelings for you is over, Kiro. Siguro ay oo nga at may feelings ako sa'yo noon, iyon ay paghanga lamang. Akala ko din noon I'm inlove with you pero noong nakilala ko si Ylatch, I realized that I'm not inlove with you dahil si Ylatch, siya ang mahal ko," mahabang lintaya ko kaya't natigilan siyan

Ilang segundo siyang tumitig sa'kin bago ngumiti ng tipid.

"I understand," tumatangong aniya at sinuklay paatras ang buhok.

Napangiti ako dahil sa kaniyang sinabi. I stared at him. Hindi ako makapaniwalang masasabi ko ang mga iyon sakanya.

Dati kapag malapit siya kumakarera na ang puso ko sa kaba. Dati siguradong sigurado na akong mahal ko siya. Akala ko love iyon.. Hindi ko alam na wala pa pala sa kalingkingan ng salitang love ang mga nararamdaman kong iyon noon sakanya. Nang makilala at mahulog lang ako kay Ylatch saka ko naramdaman ang pagiging inlove.

Maayos na natapos ang pag-uusap namin ni Kiro, nauna siyang umuwi dahil sabi ko'y tatambay muna ako rito sa coffee shop.

Ang totoo ay um-order ako ng fried chicken at hinihintay ko ang delivery nito dito. Naalala ko kasing huling kain namin ng chicken ay yung may pasok pa at tuwing nagpi-piknik ka kami ni Ylatch ay luto raw ng mga katulong nila ang kaniyang dinadala.

Hindi ko alam kung anong pinagkakaabalahan niya o talagang excited lamang siya kaya't hindi siya nakakapagluto ng piniritong manok.

Nang sa wakas ay dumating na ang hinihintay ko ay tumayo na ako at handa na sanang lumabas sa coffee shop na iyon nang biglang naupo si Mirella sa upuang inupuan kanina ni Kiro.

Natigilan ako at napabaling sa kaniya. Hindi siya nakatingin sa akin at deretso lamang ang mga mata sa upuan ko kanina. Iiwan ko na sana siya nang magsalita siya kaya't natigilan ako.

"Balita ko.. nilalandi mo raw ang pagmamay-ari ko," aniya kaya't nagkasalubong ang mga kilay ko.

Naupo ako sa upuan ko kanina upang hindi kami maging agaw pansin.

"Hindi ko nilalandi si Kiro-"

"No, not him. Hindi siya ang tinutukoy ko," madiing pagpuputol niya sa sinasabi ko kaya't nagkasalubong ang mga kilay ko.

"Puwes kung sino man ang tinutukoy mo ay hindi ko kilala. Aalis na ako," sabi ko at tatayo na sana nang muli siyang magsalita.

"Si Ylatch ang tinutukoy ko. Hindi mo pala siya nilalandi ha?" aniya, iritado na.

Bumuntong hininga ako at tinitigan siya sa kaniyang mga mata.

"Bago mo ako pagbintangan na nilalandi ko si Ylatch, siguraduhin mo munang pagmamay-ari mo siya," madiin din na sabi ko at pinantayan ang titig niya.

Hindi porket siya nga ang mahal ni Ylatch ay pagmamay-ari niya na ito ngayon. Ano, dahil lang hiwalay na sila ni Kiro ay pagmamay-ari niya na si Ylatch?!

"So nilalandi mo nga siya?!" inis na singhal niya kaya't saglit akong napatingin sa aming paligid.

Mabuti na lamang at busy ang mga ito sa kanya-kanya nilang mga mundo. Agaw eksena pala ang Mirella na ito!

"Bakit? Pagmamay-ari mo ba siya?" nanunuyang balik tanong ko sa kaniya.

"Huwag kang tanga, Sacha. Una palang alam mong ako na," aniya kaya't natigilan ako.

Ngumisi siya.

"Kawawa ka naman.. akala mo siguro ay wala akong alam 'no? Alam ko ang lahat ng tungkol sa inyo, Sacha. Ipinapaalam sa akin ni Ylatch ang lahat ng nangyayari sa inyo," aniya at umiling iling.

Natigilan ako dahil sa kaniyang sinabi. Kumalabog at kumirot ang puso ko dahil sa narinig. Imposible.. imposible iyon 'di ba? Dahil may kasunduan kami ni Ylatch! Lalayuan niya si Mirella.. pero bakit niya ba ito lalayuan? Dahil lang naaawa siya sa'kin?

Sa sandaling iyon ay muling bumalik sa'kin ang alaala ng kahapon. Kung paano at kung saan kami nagsimula ni Ylatch. Nasasaktan ako.

"Ang tanga mo lang dahil naniwala kang gusto ka niya. Ang tanga mo para umasang mananakaw mo sa akin ang pagmamay-ari ko," aniya pa at nginisihan ako nang nangaasar ngunit may kislap ng galit sa kaniyang mga mata.

"Hindi mo siya pagmamay-ari!" mahina ngunit madiing singhal ko sa kaniya ngunit nginisihan niya lamang ako.

"Bahala ka. Paniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan, total ay uto-uto ka naman. Kayo nagdidate ni Ylatch? Saan? Sa manggahan? Ako nga sa sosyal na pasyalan niya dinadala.." aniya at pinagmasdan ako gamit ang nangaasar niyang mga matang mayroon pa ring galit.

"Eh ikaw? Sa cheap na lugar kung saan sunset lang ang nakakakita sa inyong dalawa?" nanunuyang tanong niya na ikinaigting ng panga ko.

Nasasaktan ako dahil sa kaniyang mga sinasabi. Pakiramdam ko ay maiiyak ako pero pinpigil ko ito. Hindi ako iiyal sa harap ng babaeng ito. Kumikirot ng labis ang puso ko dahil sa mga naririnig.

Paano niya iyon nalaman lahat? Talaga bang nilayuan niya si Mirella kagaya nang sinabi niya sa'kin o nagsinungaling lamang siya?!

Ni minsan ay hindi ako na-cheap-an sa aming lugar ni Ylatch. Mas gusto ko ang kayakap siya sa ilalim ng sunset kaysa sa sosyal na pasyalan kung hindi ko naman nararamdaman ang pagtingin niya sa'kin.

Gusto niya ako.. sinabi niya iyon at nararamdaman ko iyon sa tuwing magkasama kami.. pero totoo ba? Bakit ako ngayon nagdududa?!

"Araw-araw kayong magkasama? Puwes kami naman ay gabi-gabi."

Nanghina ako sa kaniyang sinabi. Gabi-gabi silang magkasama? Bakit sobrang sakit ang nararamdaman ko dahil roon?!

"Tsk, ni hindi ka nga niya kayang ipakita sa iba.. hindi katulad ko na kahit noong kami pa ni Kiro ay talagang pursigido na siya at walang pakialam kung mahuli pa kaming dalawa dahil maipaglalaban niya ako. Umeksena ka lang kasi na isang tanga," iyon ang huling sinabi niya bago ako iniwang tulala sa loob ng coffee shop.

Tama.. umeksena lamang ako. Siya naman talaga ang gusto.. ang mahal ni Ylatch una pa lang. Pero ano naman ngayon? Ako na ang gusto ni Ylatch! At sisiguraduhin kong mamahalin niya din ako!

Pero iyon ang buong akala ko. Dahil hindi ko inaasahan na sa susunod na mga araw ay magiging mag-isa na lamang ako. Wala ng Ylatch sa piling ko.

Stolen Hearts (Hearts Series #1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant