Kabanata 15

191 16 0
                                    

Only mine

Ganoon palagi ang set-up namin ni Ylatch sa araw-araw. Sinusundo niya ako dito sa bahay dahil maagang umaalis si Kuya Serio ganoon din si Daddy kaya't walang nakakakita sa kaniya.

Kapag may pasok at tuwing lunch naman ay sabay kami at siya ang palaging may dala ng pagkain, kumakain kami sa manggahan. Pagkatapos ay ihahatid niya ako pauwi o tatambay muna sa aming lugar. Tuwing sabado at linggo naman ay magkatext kami buong araw.

Kasabay ng mapagtanto kong nalalapit na ang graduation nila Ylatch ay napagtanto ko rin na talagang gusto ko na siya. At ngayon ay wala akong pakialam kung na kay Mirella ang puso niya.

Nanakawin ko ang puso niya. Papahulugin ko siya sa akin, tipong hindi na siya makakabangon palayo..

Iyon ang nakatatak sa aking isipan hanggang sa dumating ang araw ng paghahanda para sa party sa school. Lahat ng estudyante ay kasali dahil iyon ay para sa nalalapit na graduation ng senior high.

Excited na excited ako at panay ang tanggi ko sa mga umaalok sa akin na maging kadate ko dahil wala akong balak na may makadate na iba dahil si Ylatch ang date ko.

"Wala ka naman sigurong date sa party di'ba?" tanong ko kay Ylatch nang lunch at kumain muli kami sa manggahan.

"Wala. Ikaw ang kadate ko eh."

"Mabuti naman," sabi ko at napangiti dahil sa kaniyang sagot.

Tiningnan niya ako at bakas man ang patataka'y mas lamang ang pagkamangha't kasiyahan sa kaniyang mukha.

Pero ang akala ko'y si Ylatch ang aking magiging kadate ay mali pala.

"K-kiro!" gulat na tanong ko at nakaramdam ng kasiyahan dahil muli ko siyang nakita.

Dahil sa aming pagkikita ngayon ay naalala kong hindi na pala ako nakakapagdikit pa ng love letter sa kaniyang locker! Pero siguro ay hindi ko na iyon gagawin pa.. lalo na at iba na ang gusto ko.

"Hi, kumusta ka?" tanong niya at may nahihiyang ngiti sa labi.

Nagulat talaga ko dahil bakit siya nagpakita ngayon sa akin? Hindi ko ito inaasahan! Nawala nga siya sa aking isipan nitong mga nakaraan at ang tanda kong huli naming pagkikita ay iyong sa locker na kasama niya si Mirella, samantalang kasama ko naman si Ylatch.

Ngumiti din ako at pinakiramdaman ang aking sarili. Ang kalmado.. walang pag huhurumentadong nangyayari sa puso ko hindi katulad kapag si Ylatch ang kasama ko.

"Ayos naman ako, ikaw ba?"

Tumango siya sa aking sagot bago bumuntong hininga.

"The truth is.. I'm not okay," sagot niya at yumuko.

Nagkasalubong ang mga kilay ko dahil sa kaniyang sinabi.

"Bakit? Anong problema, Kiro?" tanong ko kaya't napatingin muli siya sa akin.

"Ikaw.." aniya imbes na sagutin ang tanong ko.

Mas nagkasalubong naman ang aking mga kilay dahil doon at hindi nakaimik dahil sa kawalan ng sasabihin.

Humalakhak siya at napahawak sa kaniyang batok.

"I mean, puwede ka bang maging date ko sa party?"

Mas ikinagulat ko pa ang kaniyang tanong.

"B-bakit ako? Si Mirella?" mabilis na tanong ko na ikinaseryoso niya.

Yumuko siya.

"Wala na kami ni Mirella."

Doon ay mas lumabis pa lalo ang gulat ko. Hindi ako nakapagsalita at nanatiling nakatingin lamang sa kaniya. Ano? Bakit wala na sila? Nalaman ba niya?!

"B-bakit?" tanong kong ikinataas ng kilay niya.

Stolen Hearts (Hearts Series #1)Onde histórias criam vida. Descubra agora