Kabanata 24

182 15 0
                                    

Boyfriend

Nagvibrate ang cellphone ko pagkababa ko pa lamang sa kotse ko kaya't bumagsak roon ang tingin ko at napangiti nang mabasa ang pangalan ni Kiro sa screen nito.

Kaagad kong sinagot ang tawag gamit ang aking kanang kamay habang ang kaliwa ay dala ang paper bag.

"Nasaan ka na?"

Napanguso ako nang mahimigan ang pagkabagot sa kaniyang boses sa kabilang linya.

"Nasa labas na ng ospital, Doc. Huwag kang atat," Sabi ko at humalakhak.

"Nagugutom na ako," aniya na ikinailing ko nalang.

"Malapit na nga," sabi ko at nagpaalam na at kaagad na pinatay ang tawag.

Imbes na sumakay ng elevator ay mas pinili kong mag-hagdan. Exercise din kasi ito ang kaso ay nasa 7th floor pala si Kiro.

Kiro and I are still friends dahil noong lumipat kami ni Kuya Serio rito sa Maynila ay nagkita kami at hindi na nawalan ng koneksyon sa isa't isa kahit na pareho kaming busy sa pag-aaral.

"Finally, narito na rin si Dra. Rivancio. Akala ko mamamatay na ako sa gutom eh," ani Kiro pagkarating ko sa kaniyang office.

Pawis na pawis nga lang ako at hinihingal. Natigilan siya nang matitigan akong naghahabol ng hininga bago naiiling na napangiti.

Kinuha niya sa'kin ang paper bag na dala ko laman ang aming lunch at inilapag iyon sa kaniyang desk, may kinuha siya roon bago bumalik sa'kin dala ang isang panyo.

"Pawis na pawis ka, nag-hagdan ka ano?" aniya sa isang malambing na boses at marahang natawa sa sarili bago pinunasan ang pawis ko sa aking noo gamit ang kaniyang panyo.

Nagkasalubong naman ang mga kilay ko. Dati na siyang malambing sa'kin pero simula ng magka-girlfriend siya ay binawasan niya na iyon.

"Oo, exercise rin kasi," sabi ko at ngumiti.

Nagulat ako nang bumaba ang kaniyang pagpunas sa gilid ng aking pisngi hanggang sa aking leeg.

Nagawi ang tingin ko sa nag-iisang hospital bed sa kaniyang clinic na nahaharangan ng puting makapal na kurtina, parang may gumalaw kasi roon.

"Ako na," sabi ko kay Kiro at inaagaw ang panyo habang nakatingin pa rin sa hospital bed na iyon.

"Chicken ba 'to?"

Nabaling muli ang atensyon ko kay Kiro dahil sa kaniyang tanong. Nakatayo siya sa tapat ng kaniyang desk at tinitingnan ang laman ng paper bag na dala ko.

Bumuntong hininga ako at napangiti dahil sa alaala ng chicken sa akin.

"Fried chicken. Bakit ba iyan ang request mo?" tanong ko sa kaniya.

Naikuwento ko na kasi sa kaniya ang alaala ng chicken sa'kin, kaya nga ayaw niyang kumakain kami noon kapag magkasama kami kaya't nakakapagtaka ngayon na iyon ang request niya.

Nagkibit balikat lamang siya at kumunot ang aking noo nang isinuot niya ang kaniyang doctor's robe at stethoscope.

"Saan ka pupunta?"

"May pasyente lang akong titingnan," sagot niya at kumindat sa akin.

"Anong oras balik mo? Akala ko gutom ka na? Sinong kasabay ko kumain?" sunod-sunod na tanong ko, napanguso na.

Humalakhak siya at sumulyap sa hospital bed kaya't napasulyap rin ako roon ngunit wala namang kakaiba doon kaya't ibinalik ko ang tingin ko sa kaniya.

"Don't worry, hindi ka mag-iisang kumain," Iyon ang huling sinabi niya bago lumabas kaya't napalunok ako.

Pagkapasok ko pa lamang rito kanina ay may napansin na akong kakaiba sa hospital bed. Wala naman sigurong multo rito sa office ni Kiro di'ba? Alam niyang matatakutin ako!

Lumunok muli ako at napasulyap sa hospital bed na natatakpan ng kurtina. Umiling ako at hindi nalang naglakas loob na silipin iyon. Wala naman kasing pasyenteng pinapasok rito si Kiro, pahingahan lamang iyon, minsan na rin nga akong nakatulog doon.

Naupo ako sa swivel chair ni Kiro at naisipan na lamang kumain. Akmang kakain na ako nang mapatitig ako sa fried chicken.

Napangiti ako ng malungkot at kinagat ang aking pangibabang labi upang pigilan ang nagbabadyang pag-iyak.

Sa mga lumipas na taon, walang araw na hindi ko siya naiisip, walang araw na hindi ako umiiyak, walang araw na hindi ko naaalala at binabalikan ang mga alaala ko noon kasama siya. Sa manggahan, sa aming lugar, sa kanilang Hacienda, sa Mansyon nila, sa locker kung saan nagsimula ang lahat..

Napasinghot ako at dumukdok sa lamesa, handa ng umiyak ngunit natigilan ako nang makarinig ng pagtikhim.

Kaagad akong napaayos ng upo at napatitig sa hospital bed na natatakpan pa rin ng kurtina. May ibang kasama ako?

"May tao ba riyan?" tanong ko habang nakatitig sa hospital bed, kinikilabutan ako at napapalunok.

"My lips.."

Napaawang ang aking labi at kumalabog ang matagal ng kalmado at tahimik kong puso dahil sa pamilyar na boses na iyon. Hindi ako puwedeng magkamali. Sariwang sariwa pa sa isipan at memorya ko ang may kapilyuhan niyang boses!

Napatayo ako sa pinaghalo halong emosyon ngunit mas nangingibabaw ang gulat at sa pagkalito kung ano ang aking gagawin.

Hindi ako makapagsalita dahil sa kawalan ng sasabihin lalo na nang hawiin niya ang kurtina dahilan upang tumambad sa akin ang kaniyang imaheng eight years ko nang hindi nakikita.

Maayos pa rin ang itim buhok niyang nakaayos katulad ng dati, may kislap ng kapilyuhan pa rin sa kaniyang mga mata ngunit may bago roon na hindi ko matukoy at ayoko ng matukoy pa.

Humahaplos ang kaniyang daliri sa kaniyang labi habang nakatitig deretso sa aking mga mata.

"Y-Ylatch.."

Napalunok ako nang mapagmasdan pa lalo siya. He's more mature now and I never thought that he'll be more good looking now than before!

Pakiramdam ko ay may bumara sa aking lalamunan. Tumatalon sa kasiyahan ang aking puso at gusto na lamang siya yakapin sa sabik at pagka-miss ko sa kaniya!

Humakbang ako palapit ngunit natigilan dahil sa kaniyang sinabi.

"Where's Kiro? Kailangang magamot na ang aking labi. May pupuntahan pa ako," aniya sa boses na para bang hindi niya ako kilala na dahilan upang maramdaman kong muli ang kirot sa aking puso na naidulot niya sa'kin noon.

Bumagsak ang tingin ko sa kaniyang labi. May sugat iyon.

Wala na ang daliri niyang humahaplos roon dahil nakatukod na ang kaniyang mga kamay sa kaniyang likuran sinusuportahan ang kaniyang katawan.

Napansin kong umigting ang kaniyang panga kaya't napatingin ako sa kaniyang mga mata.

Seryoso siyang nakatingin sa'kin ngayon, wala na ang kislap ng kapilyuhan sa kaniyang mga mata kaya't natauhan ako.

Napahinga ako ng malalim at kumurap kurap bago tumango.

"Si Doc. Sandiego? Lumabas kani-kanina lamang.." sabi ko at natigilan.

Kumunot ang noo ko nang mapagtantong kanina pa siya narito.

"Kanina ka pa narito 'di ba? Bakit kaninang nandito si Doc. Sandiego ay hindi ka nagpagamot?" tanong ko.

"Tulog ako kanina eh.. at bakit ang pormal mo naman, Safaria. Parang hindi mo boyfriend si Kiro," aniya at humalakhak ngunit wala iyong humor imbes ay nahimigan ko ang kasarkastikohan at sakit roon.

Stolen Hearts (Hearts Series #1)Where stories live. Discover now