Wakas

510 18 7
                                    

Hello! This is the end of Stolen Hearts! Thank you for reading, supporting and loving Ylatch and Sacha's story! This chapter is dedicated to all of you! Also, thank you too for following me here on wattpad! See you on Playful Hearts, the second book of my Hearts Series!

Wakas

Ylatch Haze Persico

Natigil ako sa paglalakad nang may mabunggo akong batang babae. Siguro ay first year pa lamang ito.

"Sorry po!" paghinging paumanhin niya at sinimulang pulutin ang mga nalaglag na gamit sa sahig.

Kumunot ang noo ko at tinulungan siya sa pagkuha ng mga ito, tila taranta siya at nang magtama ang aming mga tingin ay natigilan ako.

"Sorry po talaga, Kuya! Hindi ko kasi kayo nakita!" aniya at ngumiti sa'kin bago nagpasalamat sa aking pagtulong nang tanggapin niya ang inilahad kong libro niya.

Tulala akong tumayo nang mapansing wala na siya sa'king tapat. Anong nangyari? Bakit natulala ako sa kaniyang imahe?

Mahaba ang kaniyang itim na buhok na bumabagay sa maputing kulay ng kaniyang balat. Maganda ang pagkakahugis ng kaniyang kilay, mata, ilong at natural na pulang labi. Bakit kung tingnan siya'y tila dalaga na gayong tingin ko'y bata pa siya?

Bumagsak ang tingin ko sa sahig nang mapansin ang isang small envelope na may pink heart shaped sticker.

Pinulot ko iyon dahil paniguradong doon iyon sa batang babae.

Hindi ko inaasahan na ang love letter na iyon ang dahilan kung bakit ako maaadik sa isang babae. Ang love letter na iyon ang may kagagawan kung bakit nanakaw ang puso ko ng babaeng iyon.

Kaya't tuwing ganoong oras ay inaabangan ko siya sa locker area kung saan ko siya nakabangga at hindi ako nabigo nang paulit ulit ko siyang makita roon. May idinidikit siyang envelope sa isang locker kagaya ng napulot ko noong magkabanggaan kami.

Nang umalis siya'y nakita ko ang isang lalaki. Binasa niya ang letter na iyon sa tapat ng kaniyang locker ngunit wala naman siyang naging reaksyon.

Iyon ang naging gawain ko, hindi ko din alam kung bakit ko palaging inaabangan ang batang babaeng iyon. Minsan nga ay nagawa ko pang kunin ang love letter niya para sa lalaking iyon, upang may mabasa.

Pakiramdam ko ay para sa'kin ang sulat niya kung naroon ang pangalan ko at hindi ang pangalang Kiro.

"Balita ko ay may kinababaliwan ka, Rosca.."

Naagaw ni Rigo ang pansin ko dahil sa kaniyang sinabi.

Namula ang mga pisngi ni Rosca nang tingnan ko siya.

"Ano naman?" Asik niya at napangisi.

Kumunot ang noo ko.

"Sino?" tanong ko na ikinapula lalo ng kaniyang mga pisngi.

Serafino Rivancio. Iyon ang kinababaliwan ng kapatid ko kaya't kinaibigan ko ito. Gusto kong malaman kung anong klaseng tao ito at kung bagay ba sa kapatid ko ngunit hindi ko inaasahan na nakababatang kapatid niya pa talaga ang babaeng kinababaliwan ko.

Kaya't ang plano kong kilalanin si Serio ay hindi na natuloy. Pasok na siya para sa'kin, puwede siya sa kapatid ko lalo na at kapatid niya ang babaeng gusto ko.

Hindi pa rin natigil ang plano kong pag-abang kay Sacha, iyon ang pangalan niya nang minsan kong marinig na tinawag siya ni Serio.

Ayos lang naman sa'kin ang pagbibigay niya ng love letter para sa lalaking si Sandiego, kaibigan pala ito ng kapatid niya. Wala sa'king problema iyon lalo na at iyon ang ikinasasaya niya pero nang mapansin ko ang nagiging reaksyon ni Sandiego sa mga sulat niya ay hindi ko napigilan ang aking sarili.

Stolen Hearts (Hearts Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon