Simula

33.1K 478 20
                                    

A/N: Read Snatching the Billionaire's Heart and I fell in love with the hot maid before this✨ Thank you.

Ps. This is unedited. You will notice some typos, and grammatical errors ahead.

Sierra's POV


Parang sinindihan ng posporo ang puwetan ko dahil sa pagmamadali sa pagda-drive. Male-late na ako sa unang araw ko sa trabaho. Napakagat-labi ako ng makitang naka-stop ang traffic light. Gumagalaw-galaw ang mga paa ko sa ilalim dahil sa sobrang madaliin  ang oras.

I pushed the horn button. Lumiwanag ang mukha ko nang makitang naka-go na. I stepped on the gas. Para akong nasa isang car racing, I tried to overtake. Bahala na si Batman.

I turned right for the shortcut and boom. My eyes widened after I step on the brake to stop. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

May nabangga akong kotse and worst, it's a damn Mercedes-Benz. Napayuko ako sa manibelang hawak ko, I saw him opening his car's door. Madiin kong pinikit ang aking mga mata.

"Patay ka na, Sierra," bulong ko sa sarili. Humigpit ang kapit ko sa manibela ng makarinig ng isang kalabog. Papagalitan talaga ako ni dad nito. Sinira ko ang kotse niya.

"Hoy! Lumabas ka diyan! Can't you see? You bumped on my car!" he shouted. Napasabunot ako ng sariling buhok at inangat ang tingin.

Noong una ay hindi ko maaninag ang mukha niya pero unti-unti kong nasilayan ang magulo niyang buhok. Para siyang k-pop idol. Ang gwapo niya habang dala ang isang baseball bat sa balikat niya.

"Lalabas ka o hahampasin ko ng baseball bat ang pangit mong kotse?!" sigaw niya ulit.

Bumalik ako sa sarili ko mula sa panandaliang pagkahumaling sa ungas na 'to. Natataranta kong binuksan ang pinto ng kotse ko.

Tumayo ako sa harapan niya at u yumuko, he's wearing his grey tux and black shades, "Pasensya na po! Hindi ko po sinasadya!" sabi ko sa kaniya at umirap. Nakakainis naman 'to. Malaki siguro ang sisingilin nito sa'kin.

"Hay!" malakas niyang ginulo ang buhok at tumingin sa relo niya, "Ano ba  'yan! Ang ayoko sa lahat ay ang nale-late!" naiinis niyang sambit. Napatingin din ako sa pulsuhan ko at nakitang late na rin. Napapikit ako habang iniisip kung ano sa sasabihin sa'kin ng boss ko sa unang project ko sa kaniya.

"Late na rin ako. Pasensya na talaga, pareho lang siguro tayong nagmamadali," I said. I nibble my fingers. Hindi na naman ako mapakali sa kinatatayuan ko, kailangan ko nang umalis.

Biglang tumunog ng phone niya kaya mabilis niya itong sinagot. Nagkaroon ako ng pagkakataon na tumakas sa kaniya. Tatandaan ko na lang ang plate number niya.

"Yes, Carl? What? Wala pa rin siya? Pakitawagan mo, ayokong naghihintay!" sagot nito. "May bumangga kasi sa'kin."

Dahan-dahan akong naglakad paalis sa likuran niya. I chewed my bottom lips because of nervousness. Para akong batang tumatakas. Bigla akong napatigil at napapikit.

"Where do you think you're going? Are you running away after you bumped my mom's gift for me?" he asked seriously. Nanindig ang mga balahibo ko batok.

He is holding my collar's coat tightly. Napamura ako sa isip ko at unti-unting hinarap siya.

Ngumisi ako, "B-bakit naman ako tatakas? Kukuha lang naman ako ng pera pambayad sa'yo," sagot ko sa kaniya sabay turo ng kotse ko. Nalaglag ang baseball bat niya sa daan kaya gumawa ito ng ingay. Napantig ang tenga ko.

DS #2: Hating The Arrogant Billionaire Where stories live. Discover now