Chapter 19

6.1K 170 0
                                    

Pagbalik ko ng Manila ay nagtungo kaagad ako sa mall para bumili ng gift and dress of course. Sinabi ko rin kina mom and dad na maghanda sila and darraaaannn...may regalo na silang nakahanda at ako? I still don't have.

I parked the car on the space. Agad ko 'tong pinatay saka bumaba. I am only wearing my jeans and shirt.

Pagpasok ko ay agad akong dumeretso sa second floor. My phone rings, so I picked it up from my pocket. Phyton knew that I am going home today. At hindi nga ako nagkakamali. He is calling. I answered his call and walks towards the railings. Madami kasing tao ang dumadaan.

"Hey," bati ko sa kaniya. I am looking for something to buy for him. I am thinking about watch.

"Hi, are you home now?" he asked from the other line. Napakagat ako ng labi dahil sa pagtunog ng announcement sa mall, "Nasa?" parang inaalam niya pa kung nasaan ako.

"Nandito ako sa mall," sabi ko sa kaniya. Agad akong napangisi.

"Why are you there? Sana sinabi mo. So I could drive you there. I know you're tired," he said. I bite my lips and roamed my eyes. Pumipitik-pitik ang mga daliri ko.

"May bibilhin lang naman ako," sambit ko. Pumuot ako at hindi mapakali sa kinatatayuan. Sayang ang oras, puwedi ko naman siyang kausapin mamaya.

"Dapat nagpahinga ka na lang. You drive for more than hour for pete's sake, Sierra!" he exclaimed. I pressed my lips together. I know that he is just concern and worried about me but I really need to buy my things and his gift.

"I'm sorry, mabilis lang naman 'to. I'll buy my clothes for tomorrow night, Phyton," I told him calmly. I slowly stomped my feet over the ground.

"I'll asked mom to send you one," pagpresenta niya. Ayaw ki namang iasa sa kaniya pati ang damit ko. Nakakahiya.

Umiling ako kahit hindi niya naman nakikita, "No, no, 'wag na, Phyton. I can buy my own. I promise, I'll be back to you later, okay?" I uttered.

I heard him sighed from the other line. Napangiti ako. Mukhang wala na siyang magagawa pa.

"Okay, Sierra. I miss you. I wanna see you," he mumbled. Naging boses bata na naman po siya. Alam na alam mo talaga kapag gusto na namang suyuin eh.

"I miss you too. Magkita tayo bukas ng gabi, okay? Tatawagan kita mamaya. I love you?"

Hindi ko man masabi ngayon ang tunay kong nararamdaman, may tamang panahon naman para doon. Tomorrow will be the one of the best day of my life. He'll become my boyfriend, finally.

"I miss you too. Mag-ingat ka diyan."

He hanged up the phone. Binalik ko ito sa bulsa at nagtungo sa isang store. Ang dami namang maganda. Usually nakikita ko siyang laging nakasuot ng silver na relo. Alam kong sobrang mahal ng mga gamit niya, lahat naman nabibili siya, kaya niyang bilhin pero maganda pa rin na magbigay ako.

"Magkano 'tong silver na relo?" tanong ko sa saleslady. Nasa loob kasi ng crystal ang relo kaya hindi ko mahahawakan.

"10 thousand po, ma'am," sagot niya. Madami kaagad siyang sinabi. Adjustable daw ito. Hindi kaagad masisira kapag nalaglag. Kahit mabasa daw at hindi ito mag-iiba ng kulay.

"Sige kukunin ko na."

Pagkatapos kong magbayad ay lumabas na ako bitbit ito. Satisfied na ako sa binili ko. Sana magustuhan niya. Sa sumunod naman ay pumasok ako sa store ng mga damit.

Madaming magaganda pero wala pa akong nakikitang kulay puti. Patingin-tingin lang ako sa mga naka-hanger at nasa mannequin nang biglang may magsalita mula sa likuran ko.

DS #2: Hating The Arrogant Billionaire Where stories live. Discover now