Chapter 33

8.2K 214 9
                                    

Dumating si mom at dad. Agad nila akong dinaluhan para yakapin. Nakatulala lang ako sa kwarto. Ilang ulit akong pinatakan ng halik ni dad sa ulo. Nakatingin lang ako sa liwanag na nagmumula sa bintana. Ilang araw na at wala pa ring balita sa anak ko. Pinapainom ba siya ng gatas? Ine-ele ba siya nila para makatulog?

"Anak, magpakatatag ka. Andito lang kami ng daddy mo," sabi ni mom at naiiyak na yumakap sa 'kin. Napayuko ako.

"Mom, alam mo...wala talaga akong kuwentang mommy," sabi ko sa kaniya. Nanubig na naman ang mga mata ko.

"That's not true, mag-isa mong pinalaki ang anak mong 'yan tapos sasabihin mong wala kang kuwenta dahil sa isang hindi inaasahang pangyayari?!" nagsimulang uminit ang ulo ni dad, "Sino ang may kuwenta? Ang lalaking 'yon na nanaloko sa 'yo! Putang*na naman!"

Ito ang unang pagkakataon na narinig ko si dad na nagmura ulit. Hudyat na galit na galit na ito. My mom cupped my face. She tried to smile kahit na kitang-kita sa mga mata niya ang awa sa 'kin.

Pinahiga niya ako habang sinusuklay ang buhok ko. Hindi ko man lang magawang ipikit ang mga mata sa pag- aakalang uuwi si Phyton dala ang anak ko.

"Matulog ka muna. Gigisingin ka namin mamaya. Magha-hire pa ang daddy mo ng investigators," malumanay na sabi ni mom. Napakagat-labi ako. Ano pa ang mukhang ihaharap ko sa kanila matapos manakaw si Sienna sa 'kin?

Sa sobrang pagod ko at pag-iisip ay hindi ko na namamalayang nakatulog na pala ako. Kahit sa pagtulog ay hindi ako tinatantanan ng pangyayaring 'yon. Gusto ko silang habulin pero hindi ko magawa. Hindi ako makagalaw sa hinihigaan ko.

"Sienna!" bulalas ko. Minulat ko ang mga mata at tagatak ang pawis ko sa mukha. Nilibot ko ang tingin at nakitang madilim na pala sa labas. Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulog.

Kumunot ang noo ko matapos marinig ang sigawan sa baba. Agad akong tumayo, nahihilo pa ako pero bumaba ako na nakamedjas lang.

"Mom!" tawag ko sa kaniya.

"Saan mo dadalhin ang apo namin?! Sa amin siya lumaki!" rinig na rinig kong sigaw ni mommy sa baba. Biglang kumabog ang dibdib ko.

"How dare you, Phyton! Sa tingin mo may karapatan ka sa kaniya?! Wala!" sigaw din ni dad. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero nakita ko ang pagkumpol nila sa bulwagan.

Nanlaki ang mga mata ko ng makitang dala ni Phyton ang ko. Napapalibutan siya ng pamilya ko.

"Phyton, si Sienna ba 'yan?" tanong ko. Tumakbo ako patungo sa kaniya. Nakahinga ko ng maluwag. Napangiti ako habang naiiyak. Totoo nga, niligtas niya ang anak ko, "Napainom ko na ba siya ng gatas?" tanong ko ulit. Hindi siya kumibo pero okay lang 'yon.

I saw how peaceful her sleep in her daddy's arm. Lalo akong umiyak habang tinatakpan ang bibig. Napahikbi ako.

"Sierra, kunin mo sa kaniya si Sienna," utos ni mom. Nagkakagulo na sila pati si tita at daddy.

"Hindi ako papayag na kunin niya ang anak mo," dagdag pa ni dad. Nakatingin lang ako sa mag-ama. Ang sarap nilang tingnan. Siguro magiging mabuting ama si Phyton sa kaniya.

"Sierra, bawiin mo na siya."

Humakbang ako patalikod ng ilang beses. Lumayo ako sa kaniya. May pera naman talaga siya, hindi siya namulubi.

"Kung dadalhin mo si Sienna, sige. Ingatan mo s-siya lagi," nabasag ang boses ko kaya napalunok ako ng malakas. Kailangan kong maging matatag. Nakarinig naman ako ng samo't-saring galit na reaksyon galing sa pamilya ko. Nagpunas ako ng luha, "Dapat maaga siyang maliligo, ah? 'Yong gatas niya. Patulugin mo siya kapag pagod na siya." Napahikbi ako pero agad ding inayos ang sarili.

DS #2: Hating The Arrogant Billionaire Where stories live. Discover now