Chapter 2

12.4K 315 25
                                    

Kinabukasan, naging matiwasay ang araw ko dahil hindi na siya tumawag para sunduin siya o kaya ay ipag-drive siya sa kung saan ito pupunta.

Nagliligpit ako ng gamit sa loob ng duffel bag dahil bukas ay tutungo na kami sa Batangas. 2 hours away from Manila.

I stared at the clock, napanguso ako ng makitang malapit ng mag-alas dose ng gabi. Nanood kasi ako ng Netflix, napasarap ata ang panonood ko. Bigla akong napahikab. Inaantok na ako.

Napangiti ako ng masara ang bag na nilalagyan ng mga damit ko para sa tatlong araw.

"Salamat naman at makakatulog na ako," sabi ko sa sarili. Tumayo na ako at nag-nat-inat ng katawan.

Tumalon kaagad ako sa malambot na kama, nakadapa at ipinikit ng mga mata ko. Tuluyan ng lumalim ang paghinga, nakikita ko na ang kadiliman pero agad akong napamulat ng tumunog ng malakas ang cellphone ko.

Dumiin ang pagtikon ng bibig ko. Kumuyom ang bagang ko at wala ng nagawa kung 'di ay kunin ito sa gilid ng kama ko. Malutong akong nagmura ng makitang si Phyton ang tumatawag.

Naiinis kong sinagot ang tawag niya, "Ano na naman ang kailangan mo sa ganitong oras?! Hindi mo ba alam na hating-gabi na?" bungad ko sa kaniya. Hindi ko napigilang tumaas ang boses ko dahil sa inis.

"I know," matigas at mabilis nitong sambit, "Nandito ako ngayon sa Starbuck malapit sa company," dagdag niya, "And...I am tired, please, drive me home." Agad na namatay ang tawag.

Parang may kung ano sa boses niya na hindi ko maatim. Bigla na lang akong napaupo sa kama ko habang nanlalaki ang mga mata ko.

"May problema kaya siya?" tanong ko sa sarili. Bigla na naman akong humikab. Hindi ko alam kung bakit ako nagmadaling nagsuot ng kulay yellow na hoodie, kinuha ang susi ng kotse at tumakbo pababa ng bahay.

Hindi ko na masasabi kina dad at mom na aalis ako dahil panigurado ay natutulog na sila. Mahina kong binuksan ang pinto sa harap, hindi ko masyadong maaninag dahil sobrang dilim na.

Akma na akong aalis ng bigla akong napamura sa sobrang gulat, "Ay putang*na!" napatakip kaagad ako ng bibig.

May kumapit kasi sa binti ko. Pinailawan ko siya at hindi ako nagkakamali si Silver nga.

"Anong ginawa mo dito, Si? Bakit gising ka pa?" tanong ko sa kaniya. Parang korean ang buhok niya, pero sobrang straight nito at maitim. Nakatakip ng sa mukha niya ang kaniyang buhok, ayaw naman ipagupit.

Matamis siyang ngumiti sa'kin, "Where are you going? Sasama ako, ate," sabi niya at hinawakan ng kamay ko. I rolled my eyes.

"You did not answer my question, Silver!" suway ko sa kaniya.

Hinila niya ang kamay ko, "Sige na, ate, sasama ako," sabi niya habang pinipilit ako. Bumuntong-hininga ako at tiningnan ang suot niya. He's wearing a white sando and pajama pants.

"Okay-okay! Sasama ka na nga, ano pa ba ang magagawa ko?" tanong ko sa kaniya. Hinawakan ko ang kamay niya pabalik. Naaninag ko ang malawak niyang ngiti. Sinara ko ng mabuti ang pinto bago tumungo sa garahe.

Pagdating sa kotse ay hinubad ko ang jacket na suot ko at binigay sa kaniya. Malamig na kasi. Pareho lang din naman kami ng suot, pajama at shirt nga lang 'yong sa'kin.

Bumyahe na kaming dalawa ng bigla siyang magsalita sa likuran, "I love this car, ate. Did your boyfriend bought this for you?" he asked, his serious face, akala mo naman kasing edad ko lang kung magtanong.

"Bumili ka paglaki mo, Silver. And this isn't from my boyfriend! Hiniram ko lang sa boss ko," sagot ko sa kaniya. I looked at the way, mabuti na lang at wala ng masyadong mga kotse. Walang traffic.

DS #2: Hating The Arrogant Billionaire Where stories live. Discover now