Chapter 4

10.8K 287 6
                                    

Habang nagche-check ng ginawa nila ay humihikab ako. Dahil nga magkasama kaming dalawa ni Phyton sa iisang kwarto hindi ko masyadong nakatulog kagabi. Tiningnan ko ang blueprint sa kamay ko. Ginagawa nila ang bungad ng hotel. Ang iba naman ay nasa base.

"Uy...Engineer, mukhang napagod tayo kagabi ah? Humihikab pa oh?" biglang biro sa'kin ni Simon habang nasuot ng hard hat patungo sa gawi ng ginagawa nila.

Umirap ako sa kaniya, "Hindi ako nakatulog ng maayos, 'wag ka diyan ah!" sigaw ko. Narinig ko ang malakas niyang pagtawa kaya napailing ako ng ulo. Ewan ko talaga kung bakit ganito ang mga kaibigan ko, eh.

"Mag kuwento ka naman, Engineer!" sigaw niya habang nasa malayo na. Rinig ko pa rin ang boses niya.

"Simon, 'wag mo akong pakialamanan, kulang ang tulog ko!" sigaw ko pabalik sa kaniya. Wala na akong narinig na tugon mula sa kaniya.

Pagdating ng gabi ay pagod na pagod akong napahiga sa kama. Inaantok na talaga ako. Mabilis ang usad ng construction kaya magiging maganda ang kalalabasan nito. Napapikit ako, hindi na ako nakapaghubad ng sapatos.

Lumalim ang paghinga ko hanggang sa tuluyan na akong nakatulog. Sobrang sarap ng tulog ko. Makakabawi na ako nito.

Bigla akong nagulat dahil sa malalim kong panaginip. Nagising ako at napamasahe ng ulo. Bigla na lang  pumitik ang katawan ko.

"Arrgghh..." Napabangon ako sa kama. Nag-inat-inat ako saka nag-indian seat. Kumunot ang noo ko ng mapansing wala na akonf suot na sapatos. Kanina lang at suot-suot ko pa 'to.

Hinanap ko ang sapatos ko at nakitang nasa ilalim ito ng kama ko.

"Pumasok ba si Erich dito sa loob na hindi ko alam?" tanong ko sa sarili at napakamot ng ulo, "Hay!" napatayo ako sa mula sa kama.

Pinulot ko ang phone mula sa maliit na mesa at binuksan ito. Napakagat-labi ako ng makitang alas-nwebe na pala ng gabi. Ang haba naman ng tulog ko. Nilingon ko ang kama ni Phyton.

"Wala pa siya?" tanong ko ulit. Imbis na kumain ay pumasok ako sa banyo at naligo. Aircon naman ang kwarto namin, pero nanlalagkit ako.

Paglabas ko mula sa banyo ay nakita ko siyang nakaupo malapit sa mesa. Nakatuon ang pansin nito sa harap ng laptop niya. Napanguso ako ng hindi man lang niya ako napansin.

Nagpunas ako ng buhok at nagsuot ng hoodie ko dahil lalabas ako para kumain. Manghihingi ako ng pagkain mula sa cook namin. Yes, meron kaming cook.

Hindi na ako nagsalita pa. Humakbang ako papunta sa gawi ng pinto ng bigla siyang nagsalita, "Where are you going?" he asked coldly. Ang serious naman nito.

"Sa labas, kakain lang," sagot ko at napamulsa. Aalis na sana ako ng bigla ulit siyang nagsalita.

"Wait, tataposin ko lang 'to. Sabay na tayo," sabu niya.

Tumaas ang isang gilid ng labi ko sabay atras para makita ang mukha niya. Tiningnan ko ito ng maigi at kinunutan ng noo.

"Bakit?" nagtataka kong tanong.

"Anong bakit?" tumaas ang dalawang kilay niya.

"Bakit hindi ka pa nakakakain? Gabi na ah? Lagi ka na lang pumipindot sa laptop mo," sambit ko. Ewan ko ba sa sobrang hardworking niya siguro o workaholic lang talaga siya, "Pero hindi ako concern ha?" umiling ako sa kaniya kasabay ng kamay ko, "Natanong ko lang."

Biglang sumilay ang ngiti sa mga labi niya kaya nanlaki ang mga mata ko, "Sinabi ko na, hindi ako concern!" depensa ko. Ayokong mag-expect siya nuh.

Lalo lang siyang ngumiti. Inayos niya ang mahaba niyang buhok at tiningnan ako, "Why are you so defensive? Wala naman akong sinabi na kahit ano," he asked, smirking.

DS #2: Hating The Arrogant Billionaire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon