Chapter 1

15.3K 358 20
                                    

Malakas na tunog ang umikot sa loob ng kwarto ko. Gabi na at hindi ko alam kung sino ang hinayupak ang tumatawag. I am wearing my anti-radiation glasses and black sweater paired with my pants. Boring akong naglakad patungo sa kama ko at kinuha ang phone ko.

Kumunot ang noo ko ng makitang unregistered ang number. Akma kong sasagotin ng bigla itong namatay. Tumihaya ako sa kama at hinintay ulit na tumunog. Hindi naman ako nagkamali, tumawag ito ulit.

I answered my phone, "Hello, sino 'to? Gabi na ah?" untag ko. Napatingin ako sa screen ng walang nagbalak magsalita. Napanguso ako, "Pinagti-tripan mo ba ako ah?" tanong ko sa kaniya.

I heard from the other line clearing his throat, "This is me, Phyton Delos Santos. I have important meeting tomorrow," sabi niya. Nanlaki ang mga mata ko at tinikom ang mga bibig. Saan niya nakuha ang number ko? At ano? Important meeting?

"S-sir, ano naman po ang pakialam ko sa meeting niyo? Hindi naman ako kasama do'n," sagot ko sa kaniya. I rolled my eyes. Kainis 'to.

"You forgot? You will drive me, Engineer. You will-----,"

Napatakip ako ng mukha, "What?! Seriously?" gulat na gulat kong tanong sa kaniya. I thought he was joking! Isa akong engineer at magiging driver ako ng aroganteng 'yan?! No way!

"I AM SERIOUS!" matigas niyang sambit, "Bibilhan mo ako ng bagong kotse or you will become my driver? You choose, Sierra," sabi niya.

Para akong hinigop ng kadiliman at hindi ako makaahon. Wala akong pambili ng kotse niya! Napasabunot ako ng sariling buhok. Tumuwad ako sa kama at malakas itong hinampas, "Arrggghhh!" malakas kong sigaw habang nasa sinisiksik ang ulo sa malambot na kaman.

Kumuyom ang bagang ko at bumalikwas ng upo. I gripped my phone tightly, "Bakit kailangan ko pa maging driver mo?" naiiyak kong tanong, "Ang dami mong pera! Makakahanap ka ng driver kahit ilan ang gusto mo!" nangigigil kong kinuyom ang kamao parang gusto ko siyang sabunutan, kurutin.

"Then buy me another car, kung ayaw mo ng pinapagawa ko sa'yo," sabi niya. Bakit ba gising pa siya? Mag-aalas-dose na ng gabi. Mabuti na lang at wala akong pasok bukas.

Malakas kong ginulo ang buhok ko. Napanguso ako at tumingin sa pinto. Nag-iipon pa nga ako para makabili ng kotse eh.

Huminga ako ng malalim, "Oo na, sige na! Nakakainis ka na, eh!" singhal ko.

"Good, Sierra. Sunduin mo ako bukas  sa bahay ko. I'll send you the address, remember, I don't want to be late," sabi niya bago binaba ang tawag.

Nahulog ang phone ko sa ibabaw ng kama. Tumayo kaagad ako at kinuha ang isang unan. Ilang ulit ko itong hinampas habang sumisigaw.

"Ah! Nakakainis ka! Puwedi ka namang mag-hire ng driver! Bakit ako pa?! Nakakainis kang arogante ka!"

Hinihingal akong napatigil dahil sa paghampas. Sobra-sobra ang inis na nararamdaman ko. Gusto pa talaga niya akong alilain ah? Umirap ako at naglakad patungo sa PC. Agad ko itong pinatay at sumampa sa kama.

Nakadapa ako habang nakahiga. Pilit kong pinikit ang mga mata pero biglang tumunog ang phone ko. I opened it and saw Phyton's message.

"Patay talaga ako nito kay dad bukas. Hihiramin ko na naman ulit ang kotse niya." Suminghap ako.

Natulog na kaagad ako, maaga pa ako bukas. Hahanapin ko pa ang bahay niya exclusive subdivision.

Kinaumagahan ay maaga akong nagising kahit late na akong nakatulog. Naghanda na kaagad ako, naligo at nag-ayos. Nagsuot ako ng pants at hoodie dahil parang uulan ngayong araw.

I combed my hair, "I'm his driver for a month? Kaya ko 'yan, Sierra! You got this," sabi ko sa sarili ko at kumindat sa harapan ng salamin.

Sa susunod na araw ay pupunta na ako sa Batangas para tingnan ang site. Magsisimula na kasi ang construction.

DS #2: Hating The Arrogant Billionaire Where stories live. Discover now