Chapter 11

7.6K 233 11
                                    


I almost jump when I saw his car outside our house. What's up to him? Kahapon lang, he didn't call me. I sighed. He said it was your rest day, Sierra.

Napailing ako. It's Saturday kaya when my brothers are here. Bago pa man ako nakalabas ng pinto ay kumaripas na ng takbo si Silver habang tinatawag ang boss niya. Boss niya daw, eh. Para siyang nakakita ng kung ano.

Dahan-dahan akong lumabas. Nakita ko siyang nakikipag-usap sa kapatid ko habang hawak ni Silver ang kamay niya. Feeling close 'to, eh!

My forehead creased. I leaned my back against the gate.

"Why are you here? May ipapatrabaho ka ba?" tanong ko sa kaniya.

He's wearing his usual white long sleeves folded until his elbow. Halata namang galing siya sa trabaho.

Tumingin siya sa 'kin. Tumaas ang isang kilay niya kasabay ng pag-angat ng gilid ng labi niya. Animo ay namamangha sa 'kin. Teka! Bakit naman siya mamamangha?

"I'm hungry," he said.

"Oh? Tapos?" tanong ko sa kaniya. Ano naman ang pakialam ko sa kaniya? Hindi ko mapigilang umikot ang mga mata ko, "Kung nagugutom ka, dapat dumaan ka ng resto. Nagsayang ka lang ng oras papunta dito. Edi sana nakakain kana!" sumbat ko. I can't believe him. Napameywang ako sa harapan niya.

Sana naman hindi niya sinayang ang oras niya patungo dito. Ewan ko na lang. Bakit naman papunta-punta pa siya kung hindi ko naman pala siya ipagda-drive.

"I wanna eat with you..."

Huh? Ano daw?

Napamaang ako sa sinabi niya. Bakit naman? Paano? Bakit ako? Para saan? Ang daming tanong na bumabagabag at gusto ko itanong pero imbis na ganiyan ay tanging pagkagulat lang ang nagawa ko.

Kasabay nito ang hindi alam na pakiramdam. Ayokong mag-assume pero naghahurumentado ang puso ko. Bakit ganito? Nababaliw na ba ako?

"H--ah, ano kasi,"

"I wanna go! I wanna go, boss!" sabat ng kapatid ko. Sobrang excited ng mukha niya habang nagtatalon sa saya.

Binigyan ko siya ng isang matalim na titig kaya tumikom ang bibig niya. Bumalik ang tingin ko sa kaniya.

"Wala kasing magbabantay sa mga kapatid ko...wala sina mom at dad," sabi ko sa kaniya. Napakagat-labi ako.

"Then, let's bring them."

"Yey! I'll go!" Silver shouted. Tumakbo na siya papasok kahit wala pa ang hudyat ko.

Nahulog ang panga ko. Bakit biglaan? Hindi pa nga ako nakaligo. Nakasuot pa rin ako ng pajama ko.

"A-ano, kasi, hindi pa ako nakakaligo," sambit ko. Hindi mapakali ang mga daliri kong nagkikiskisan sa isa't-isa.

"Maghanda ka na. Don't worry, I'll wait." I pressed my lips together. Hindi ko alam kung sasama ako o hindi. Kinakabahan ako. Wala lang naman siguro 'to hindi ba?

Sa huli ay wala na akong nagawa. Pinapasok ko muna siya sa bahay at umakyat na para maghanda.

I wear a custard above the knee dress.  Gusto ko rin naman maging presentable. We're going outside. I let my hair fall.

Nagtungo kaagad ako sa kwarto ng mga kapatid ko. Akma kong tutulungan si Silver ng bigla siyang umiling.

"Just help Sean, ate," he said. Napaismid ako. Akala mo naman teenager na. 'Tong batang 'to! Pabibo talaga, eh!

"Is he your boyfriend, ate?" Sean asked.

I glared at him, "No," I answered.

"He's our boss, Sean."

DS #2: Hating The Arrogant Billionaire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon