Chapter 8

8.8K 236 12
                                    

  Sierra's POV

Sa hindi inaasahang breakfast ay nakasama ko siya na dapat ay si Pierce ang kasama ko. Pero hindi ko din alam kung bakit nasisiyahan ako na kasama siya.

Pagkatapos naming kumain ay agad ko siyang hinatid sa building niya. Nakatikom ng bibig ko at hindi alam kung ano ang sasabihin. Gumagalaw ang mga kamay ko sa ibabaw ng manibela, naghahanap at nangangapa ng mga  salita.

"Okay...I need to go, you can do whatever you want after this," he said in serious tone. Humigpit ang hawak niya sa handle ng laptop bag niya.

Napanguso ako habang nakatitig sa kaniya. Bigla kong naalala na kailangan ko pala siyang pagbuksan ng pinto. Dali-dali akong bumaba ng kotse at tumungo sa gawi niya. Pigil ang hininga ko ng makarating sa tabi niya.

Sa gulat ko nang unti-unting bumaba ang windshield ay napalunok ako habang nakatitig sa mukha niya.

"Mula ngayon hindi mo na kailangang pagbuksan ako ng pinto. I can do that alone," sabi niya sabay bukas ng pinto. Napanguso ako lalo habang nagtataka sa inaasal niya ngayon. Agad din akong ngumiti matapos mapagtanto na okay na 'yon.

"Sige!" masigla kong tugon sa kaniya.

Paglabas niya ng pintuan ay agad siyang tumitig sa 'kin pero mabilis lang 'yon dahil sa pag-iwas ng tingin niya.

"I'll call you when I need something. Drive safe." Iniwan niya ako sa parking lot. Sa tingin ko ay sumasabog ang puso ko ngayon. Mukhang nag-improve naman na siya. Nanatili akong kung saan ako nakatayo habang sinusundan siya ng tingin.

Napatalon ako gulat ng bigla siyang lumingon. Tumalikod ako at nagkamot ng batok, nagkunwaring hindi tumingin sa kaniya.

"Sierra!" tawag niya mula sa ilang dipang pagitan naming dalawa. Dahan-dahan ko siyang hinarap at tinaasan ng kilay, "I don't know why I am telling this right now..." Nahihiya nitong tugon. Napayuko ako habang pinaglalaruan ang daliri ko.

"A-ano ba 'yon?" nauutal kong tanong. Parang umurong ang dila ko sa kakaibang nararamdaman ko ngayon. I feel like something is blooming inside my heart.

Inayos niya ang kaniyang magulong buhok. He smirked, "Why not let's be friends?" he asked. I surprisingly stared at him for a second.

I couldn't utter a word while gulping.

"F-friends?" I asked for confirmation. Paano niya nasasabi ang bagay na 'yan? Magkaibigan? Kaming dalawa? Gumalaw ang panga niya kasabay nang pagtingin nito sa rolex na nasa pulsuhan niya.

Parang isang kidlat na iniwasan kong tumama sa 'kin ang mga titig niya. Nagwawala ang nakatirang puso sa loob ko.

"Yeah, so that I can change your mind thinking that I am arrogant."

Napamaang ako sa sinabi niya. Arrogant? 'Yan ang bansag ko sa kaniya. Isang aroganteng bilyonaryo na walang ginawa kung 'di ay ipamukha sa 'kin na kaya niyang gawin ang lahat.

"Because you are," I said in serious tone. 'Yan na talaga ang tumatak sa isip ko kay inis na inis ako sa kaniya.

He smirked, "No, I am not, Sierra. I will prove that to you, for now, go home," sabi niya, "I am late, so take care." He brushed up his hair using his fingers before turning his back. His appearance, grr...I wanna bump my head.

DS #2: Hating The Arrogant Billionaire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon