Chapter 3

11.6K 298 7
                                    

Sobrang lalim ng tulog ko. Huli ko na nalaman na may yumuyugyog pala sa katawan ko. Inaantok pa ako, eh. Napabalikwas ako ng higa at nagtakip ng kumot sa katawan. Agad na lumalim ang pagtulog ko.

"Boss, she's still sleeping!"

"Let her sleep for a while, Silver."

Napamulat ang mga mata ko. Gusto ko pang matulog pero may iba akong naririnig.

"Ate, you're awake!" agad akong nakarinig ng mataas na boses ni Silver. Napapikit ako. Akala ko may iba akong naririnig.

"Si, go out! I am still tired. Inantok pa ako," sabi ko sa kaniya at dumapa sa kama ko.

"She's like that when sleeping, boss," sabi ni Silver. Like he's whispering.

Tumawa ito, "Really?" tanong nito.

"Silver, are you talking with whom?" tanong ko.

"My boss, ate! Get up! He's here!" he answered.

Kumunot ang noo ko, "Boss?! Boss who?"

"Your boss,"

Nataranta akong umupo sa ibabaw ng kama ko. Hinanap sila ng mga mata ko. Parang hinila ako ng kahihiyan ng makita ang lalaking nakasandal sa gilid ng pinto ng kwarto ko.

"A-anong ginagawa mo dito?!" sigaw ko sa kaniya. Napatakip ako ng kumot. Sobrang gulo ng buhok ko.

"Sinusundo ka, I told you earlier," he seriously answered.

"Bakit hindi ka tumawag?! At p-paano ka nakapasok sa kwarto ko?!" buong lakas kong sigaw ulit. Inayos ko ang buhok ko at masama siyang tiningnan.

Blangko ang mukha niya. Umayos siya ng tayo, "Look at your phone, sobrang dami ko ng mga tawag sa'yo, kaya ako nagpunta dito. And, your mom let me in, gisingin daw kita," he said.

Bumuntong-hininga ako. Hindi ako makapaniwalang umiling, "At pumasok ka naman? Alam ko naman na kwarto ko 'to! You can wait outside," matigas kong sambit sa kaniya. Bumaluktot ang mga kilay ko dahil sa inis. Mabuti na lang at malinis ang kwarto ko.

"Yes, I am just following what she said," tumaas ang kilay niya sa'kin.

"Hindi porket boss kita, isa kang CEO, puwedi ka ng pumasok sa kwarto ko! Ay! Nakakainis ka! Bwes*t ka!" I shouted. Namumula ang mukha ko dahil sa inis. No one can enter my room lalo't hindi ko naman siya masyadong kilala, yes, ilang araw na rin kaming magkasama pero hindi sapat yon.

Tumayo ako sa kama at malakas na pinandyak ang mga paa ko pababa. Nakayukom ang kamao ko. Tumingin ako sa kaniya. Nakita ko ang gulat sa mga mata niya lalo na ang si Silver na nakatayo sa gilid niya.

"I told you, we should not wake her up, boss. Let's go," Silver said. Napatingin siya dito.

"Right, your mom is wrong. Dapat hindi tayo pumasok sa kwarto niya," mahinahon nitong sagot. Binuksan ni Silver ang pinto at naunang lumabas. Lumingon si Phyton sa'kin.

"I'll wait downstairs," he said before shutting the door.

I deeply breathe. Nagising ang kaluluwa kong natutulog dahil sa kanila. Nakakainis. Pumasok na ako sa banyo at nag-shower.

Paglabas ko at agad kong tinuyo ang buhok, nagbihis ng jeans at t-shirt, sa site naman kami pupunta kaya kailangan kong magsuot ng mahabang damit. Nilugay ko ang buhok saka kinuha ang duffel bag ko.

Sinigurado ko na nasa loob na ang lahat ng kakailanganin ko bago bumaba. Ilang ulit akong bumuntong-hinga. Dumeretso ako sa dining at nakit silang kumakain.

"Oh! Mananghalian ka na, Sie!" aya sa'kin ni mom. Kumunot ang noo ko.

"Tanghali na?!" gulat na gulat kong tanong. Napatingin ako sa labas nv pinto at sobrang liwanag na pala sa labas, mataas na ang sikat ng araw.

DS #2: Hating The Arrogant Billionaire Where stories live. Discover now