Chapter 25

6.6K 155 1
                                    

The next day, I told him that I will pick him up from his office para kumain. But he insisted na hindi na. May dala daw siyang kotse. Hindi ko na binigyan pa 'yon ng meaning dahil may kotse nga siya pero noon iniiwan niya lang 'yon at pinapakuha sa driver nila.

It's rude to think something else about his action. I gave him the the address, and I'll wait for him there.

Five in the afternoon. Nakarating ako ng five minutes in advance. Alam ko naman na exact time siya darating kaya nag-order na kaagad ako.

Ako:

I'm here na. Are you on your way here?

Tanong ko sa kaniya. Ilang minuto na mula ng i-text ko 'yon sa kaniya pero hindi siya nakapag-reply. Siguro nagda-drive siya. It's okay.

I waited for him almost 30 minutes. Naghihintay pa rin ako. Baka may ginawa pa siya. I keep on smiling. Napapatingin na ang ibang kumakain dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakakain ang nasa harapan ko.

Ako:

Tell me if you can't make it, Phy.

Bumuntong-hininga ako saka nagsimulanh lutuin ang pagkain sa harapan ko. Mapait akong ngumiti habang kumakain. I ordered for two kaya ewan ko kung sino ang kakain sa harapan ko.

I was in the middle of eating when he arrived. Gulo-gulo ang buhok niya, nangingitim ang ilalim ng mga mata. Halatang wala siyang tamang pagtulog. I saw one reddish point on his jaw. I remained calm. Ayokong gumawa ng eksena.

"I'm sorry, I'm late, love," he said. He was about to come closer when I stopped him using my hands. Nakita ko ang pagkagulat niya.

"Umupo ka na," kalmado kong sambit. Nilagyan ko ng ulam ang kanin niya, "Kumain ka," utos ko. Hindi ko magawang tumingin sa kaniya ng deretso na walang panghihinala. Kinakabahan ako pero nanatili akong tahimik.

Hindi ko maintindihan pero kapag umuuwi kaming dalawa palagi siyang pagod. I smiled bitterly. Tapos na akong kumain kaya ako na ang naggi-grilled ng baboy. I saw him glancing at me with a worry face. Minsan napapayukom na lang ang kamao ko. Pagkatapos niyang kumain ay binigyan ko siya ng inomin. He thanked me without breaking his gaze.

"Let's go," aya ko sa kaniya. Blangko ang mukha ko. Tapos na akong magbayad kaya puwedi ng umalis. Nauna akong tumayo kaya nataranta siya. Hahawakan niya sana ang kamay ko ng nilayo ko 'to at nagmadaling lumabas.

"Love," tawag niya gamit ang pagod niyang boses. Madilim na pala sa labas, "Love, please talk to me." Pagsusumamo niya. Huminto ako sa tapat ng kotse at binigyan siya ng panyo. Nagulat siya habang nakatingin sa hawak ko.

"Punasan mo ang lipstick sa panga mo. Kitang-kita ko, e, nakakahiya naman sa 'yo," sabi ko at nag-iwas ng tingin. Kumuyom ang kamao ko sa hawak na panyo.

"Love, this is not what you think," he said. I smirked.

I raised my brows in him, "May sinabi ba ako? Wala naman, 'di ba? Ang sinabi ko lang punasan mo," matigas at may diin kong sambit. Hindi gustong maging rude sa kaniya.

Umiling siya at kinuha ang panyo sa kamay ko. Nag-aalangan pa siyang gamitin ito. He looked at the side mirror and froze. Napasandal ako sa kotse habang madiin niyang pinupunasan ang sinasabi ko lipstick.

"So, why are you late, Phyton?" I asked coldly.

"Traffic and from my office, love. I'm sorry about that," he answered. Napatango ako

"Where is the lipstick from?" bumaba ang tingin ko sa gulong ng katabing kotse. Ayokong mag akusa sa kaniya dahil wala naman akong pruweba at alam kong hindi ganiyan si Phyton.

DS #2: Hating The Arrogant Billionaire Where stories live. Discover now