Chapter 28

7K 192 5
                                    

Ilang araw na. Sa sobrang tapang ko andito ako ngayon sa harapan ng St. Luke's, may dalang kumpol ng bulaklak. Pinilit kong maging matatag. Ilang ulit ko siyang nakitang nakatingin sa bahay mula sa labas ng bahay, sinisilip ko siya mula sa kwarto pero hindi ako kailanman lumalapit. Umuuwi din naman siya pagkatapos.

"Hi, ma'am, long time no see!" bati ng guard sa 'kin. Tipid akong ngumiti sa kaniya. I nodded my head. Pumasok na ako sa hospital. Ang bigat ng mga yabag ko na hindi ko maangat ng maayos ang mga paa ko. Hindi ako alam kung bakit ako nandito.

Agad akong sumampa sa elevator kasama ang mga taong dadalaw din ata. Nanatili akong tahimik at ramdam amg hapdi ng puso ko. Napalunok ako. The elevator dings and I went out. Mag-isa lang akong lumabas sa floor na 'to.

Malakas na kumabog ang dibdib ko ng makita siyang papalabas mula sa kwarto ni Yuan. Hinila ko pababa ang sumbrerong suot ko para hindi niya makilala. Dumaan siya sa gilid ko at naiwan ang amoy ng pabango niya. Walang pinagbago. Mapait akong ngumiti.

Huminto ako sa tapat ng kwarto ng girlfriend niya. She's sleeping peacefully. Mabuti pa siya nakakatulog ng maayos. Pumasok ako na walang ano mang ingay na ginawa. Huminto ako sa gilid niya, kinuha ko ang natutuyong bulalaklak sa vase at tinapon sa basurahan.

"Anong ginagawa mo dito?" kalmado na tanong niya. Ibang-iba sa babaeng mataray at desperada. I saw her trying to look at me. Sobrang putla ng mukha niya.

"Hindi ko ba puweding bisitahin ang babaeng ipinagpalit sa 'kin, Yuan?" sarkastiko kong tanong. Ang totoo, ano man ang pilit kong pagiging matatag, nasasaktan pa rin ako. Hindi pa rin nabubuo ang puso ko. Ipinalit ko dala kong bulaklak at nilagay sa vase.

Mahina siyang tumawa pero walang lakas, "Puwedi naman. Salamat naman at huminto ka na," sabi niya. Ngumiti ako at tumango.

"Kamusta ka?" tanong ko na parang hindi siya ang babaeng kinaiinisan ko, kinaiinggitan ko. Ang pinili ng lalaking minamahal ko. Matapos kong ayosin ang vase ay tumabi ako sa kaniya.

"Mukha ba akong okay? Kagagaling ko lang sa chemo," sagot niya. Hinang-hina siya. Kaya pala parang hindi siya makagalaw.

Umiling ako at nag-iwas ng tingin, "Matulog ka na," utos ko.

"Paano ko masisiguradong hindi mo ako papatayin habang natutulog?" natatawa niyang tanong.

"'Wag kang mag-alala, hindi ko kayang mawala ang babaeng nagpapasaya sa kaniya," tugon ko. Tumikom ang bibig ko habang nakatingin sa kaniya. Merong oxygen sa ilong niya. Gano'n pa din siya kapayat, "Kailangan mo ba talagang magsuot ng bonet? Maganda ka naman kahit walang suot ah? Maiinitan ka lang nito."

Heto ako, parang close na close kaming dalawa. I don't have idea how crazy I am talking with her, the person behind our breakup. Sabi nga nila, para maka-move on ka sa mga nangyari, kailangan mo silang harapin, at kailangan mong tanggapin.

"Nahihiya ako, wala na akong buhok. Nagsialisan na sila," sabi niya. Bigla siyang napaubo.

Napaismid ako. How can I be this martyr? Alam ko sa sarili ko na hindi ko talaga kaya. Biglang nangilid ang mga luha ko. She stared at me with her innocent eyes.

"Alam mo, sobrang saya ko. I am fighting with him against this cancer," she said, smiling. Napatakip ako ng bibig at mahinang humikbi. Hindi ko dapat ginagawa 'to. Lalo lang akong nasasaktan, "Akala ko talaga mamamatay na lang ako pero dahil sa kaniya nagkaroon ulit ako ng lakas para lumaban."

With that words, I burst into tears. Nagmadali akong lumabas mula sa kwartong 'yon habang umiiyak. Hindi ko kaya, hindi ko na kaya. Tumakbo ako patungo sa elevator at sumakay.

Ano ba, Sierra? Baliw ka ba talaga? Anong gusto mo? Madurog pati ang sarili mo? Ingatan mo naman!

Hanggang sa paglabas ng hospital ay umiiyak ako. Sumakay ako sa kotse ni dad, dahil ayokong gamitin ang kotse niya. Nagmadali akong patakbuhin 'to at muntikan ng mabunggo. Patuloy lang ako habang nagpupunas ng luha.

DS #2: Hating The Arrogant Billionaire Onde as histórias ganham vida. Descobre agora