Chapter 32

7.8K 197 8
                                    

Sa ilang araw na pagtatrabaho niya. Kitang-kita ng mga mata ko mismo kung gaano siya nagsikap pero gano'n din ang pag-aalala ko para sa kaniya. Alam kong hindi siya sanay sa mga ganitong trabaho.

Huminto ako sa harapan niya. Agaw pansin siya sa mga taong pumapasok para kumain. Minsan nga may nagpapa-picture pa sa kaniya. Aminado ako, gwapo naman talaga siya...sobra.

"Kumain ka na ba?" mahina kong tanong. Nag-iwas ako ng tingin ng tumama ang mga mata niya sa 'kin.

He shook his head, "Hindi pa. Taposin ko muna 'to," sabi niya. Hindi naman gano'n ka dumi ang restaurant na 'to pero gustong-gusto ko talaga na malinis ito dahil nakakadagdag ito atraksyon sa mga kumakain.

"Hayaan mo na ang ibang gumawa niyan, halika ka na at kumain," aya ko sa kaniya. Hindi siya kumibo sa 'kin kaya parang napahiya ako. Hindi naman kami naiintindihan ng lahat dito. Nagkagat-labi ako. Siguro ayaw niya na dito kaya kumakayod siya.

"Kung gusto mong umuwi na sa Pinas, bibilhan kita ng plane ticket," sabi ko sa kaniya. I didn't hear any response from him kaya tumalikod na ako. Siguro nami-miss na niya si Yuan, o 'di kaya ay ang mommy niya. Napanguso ako habang kumakain mag-isa.

Napalingon ako kay Sienna na ngayon ay kinakain ang teether. Bumuntong-hininga ako. Bakit ba kasi naubos ang pera niya? Hindi ba puweding humingi na lang siya sa daddy niya.

Buong araw ko siyang inaalala. Naiinis ako dahil hindi na siya kumikibo ng matagal sa 'kin. Parang hindi niya ako gustong makausap pa.

Lumabas ako dala si baby, nagkatingnan kaming dalawa at agad din siyang nag-iwas ng tingin. Bahala siya sa buhay niya.

"I'll go now. Please take care of the restaurant, call me when there is something wrong," I said to the manager. She nodded his head. Wala na akong oras na tumagal pa dito. Gumagabi na.

Dinaanan ko lang si Phyton at hindi na kumibo pa. Sayang lang ang oras ko. Naglakad kaming dalawa ni Sienna sa ilalim ng malamig na gabi. Dinadama ko ito habang nagbe-baby talk si Sienna sa harapan ko.

"Hay...ang hirap naman ng sitwasyon," bulong ko sa sarili. Nasa kalagitnaan na ako ng paglalakad.

Bigla akong natigilan ng may biglang humarang sa harapan ko. Agad akong ginapangan ng kaba at niyakap si baby Sienna sa harapan ko.

Dalawang lalaki, nakatakip ang mga mukha nila. Inikot ko ang tingin sa maaaring takbuhan. Doon ko napansin na nasa madilim pala ako na parti ng street namin. Madalang ang tao.

Nagpalabas ang isa sa kanila ng matalas na kutsilyo, doon na ako napaatras dahil sa takot. Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ako magalaw ng maayos ang mga paa ko para tumakbo.

"Give me your money! Give me your money or you'll die," he said. Hindi pa siya marunong magsalita ng maayos na English. Tinutukan niya ako ng kutsilyo, tatakbo na sana ako ng may maramdaman akong tumututok sa likuran ko.

"Don't move, we will make sure you'll not live long," he said using his deep voice. Nangingilid ang mga luha ko, todo ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko mahabol ang hininga ko. Isa lang ang pumasok sa isip ko, si Phyton.

Napahikbi ako. Ayokong madamay ang anak ko dito. Nanginginig ang mga kamay ko habang hinuhubad ang bag na nasa balikat ko. Hindi naman kadami ang pera na dala ko. Ibinigay ko agad iyon sa kanila. Hindi pa rin naaalis ang pagtutok ng isang lalaki sa likuran ko.

Kinuha lang nila ang pera at tinapon sa mukha ko ang bag. Napapikit ako habang umiiyak. Nanginginig pati ang mga kalamnan ko. Takot na takot ako.

"This is not enough! This not enough!" sigaw  ng isa sa kanila. Agad itong bumaling sa anak ko. Mahigpit kong niyakap si Sienna para itago sa kanila.

DS #2: Hating The Arrogant Billionaire Where stories live. Discover now