Chapter 17

6.5K 199 12
                                    

I woke up feeling so heavy. I moaned while moving my body. I feel like someone is hugging me. Napamulat ako ng mga mata. Hugging me? Someone?

My mouth went wide realizing that Phyton might hugging me. Napamura ako sa isip ko matapos makitang nakayakap ako sa kaniya. Nasa leeg niya ako.

WE CUDDLED! We're cuddling. Halos hindi ako makahinga ng maayos. Hindi ko lubos maisip na magagawa ko 'to ngayon. Bahala na si Batman pero ang bango-bango ng lalaking kayakap ko ngayon.

He groaned. I closed my eyes so that he can't see me enjoy sniffing him. Ang rupok ko talagaMagiging boyfriend ko naman siya, eh. Next week sasagutin ko na siya.

Bigla humigit ang yakap niya sa 'kin. Palihim na lamang akong napapakagat ng labi. Kinakabahan ako. Ganito pala ang feeling ng may ka-cuddle ka. Napangiti ako sa isip ko.

"Good morning, Sierra," bati niya. He planted a kiss on my forehead. So sweet. I like it, "It tickles!" biglang lumakas ang boses niya. Anong nakikiliti? Kumunot ang noo ko.

"I know you are awake," he said in serious tone. I sighed deeply before opening my eyes. I pouted my lips. Kakalas na sana ako sa yakap ng bigla niya akong pinigilan.

"B-Bakit?" tanong ko sa kaniya. Wala akong kaide-ideya.

"I'm sorry, sinabi ko pa naman sa mommy mo na hindi tayo magtatabing dalawa," sambit niya. My lips twisted. I thought he's going to say something else. Napangiti ako.

"Okay lang 'yon, hindi naman nila malalaman, eh," sagot ko.

"Naughty, Sierra."

Nanatili kaming nasa gano'ng posisyon. He caresses my hair, it's relaxing.

"I wish we can stay here forever. But I can't, dapat kitang iuwi sa bahay niyo," sabi niya. Napakapit ako sa balikat niya. He's wearing a white shirt. Nasa iisang kumot lang din kami.

Ngayon ko nga lang naramdaman na parang ayokong umalisa sa tabi niy. Gusto kong sulitin ang oras habang magkatabi pa kaming dalawa. He kissed my head again.

"Do you have work today?" I asked. Patuloy niyang hinahaplos ang buhok ko. Nag-eenjoy ako sa leeg niya. Bakit ba ang puti niya ah? Ang kinis. Kulang na lang talaga maging labanos siya.

"No, I don't have. Do you want to go on a date?" he asked. Kumalas siya mula sa pagkakayakap sa 'kin saka umupo sa gilid ko. Magulo ang buhok niya. I stared at him. His brows lifted up.

Matamis akong ngumiti, "EK!" masigla kong sagot. My eyes sparkled in excitement.

"Do you want to bring the two kids?" he pressed his lips together. He is waiting for my answer. Okay lang ba sa kaniya 'yon?

Ngumuso ako. Nag-aalangan ako. Kapag lumalabas kami palaging sumasama ang kambal. Siguro bigyan naman namin ng oras ang isa't-iss.

"'Wag na. I want us to enjoy, na magkasama. 'Yong tayo lang na dalawa." Nag-iwas ako ng tingin. Medyo nahihiya akong aminin na gusto kong magkaroon kami ng alone time.

Lumawak ang ngiti niya habang nakatingin sa 'kin, "Really? Okay lang naman sa 'kin na kasama sila. P-pero okay lang din naman na tayo lang na dalawa," tugon niya. Magkasabay na tumaas-baba ang kilay niya habang may kakaibang ngiti sa labi.

Umikot ang mga mata ko, "What's with your face, Phyton?" naiinis kong tanong. Bumangon na ako at nag-inat-inat ng katawan. Napatili ako ng bigla niya akong yakapin mula sa likuran.

"Nothing, I want you to enjoy," sagot niya. He put his chin above my shoulder. Hinawakan ko ang kamay niya na nakapulupot sa beywang.

"Mas gusto kong mag-enjoy ka. Your birthday is coming, Phyton!" I sounded so excited. My lips curved.

DS #2: Hating The Arrogant Billionaire Where stories live. Discover now