Chapter 5

9.8K 268 20
                                    

Naiwan ko sa dalampasigan habang hawak ang isang supot ng pagkain. Nakatulala ako at hindi makapaniwala sa ginawa niya. Pagkatapos niyang ibigay sa'kin 'to ay iniwan niya lang ako. Nakakainis talaga, napairap ako sabay upo sa pinong buhangin.

Napatingin ulit ako sa hawak ko, dalawang plastic container ng pagkain at isang bote ng tubig. Napalabi ako.

Hindi ko alam kung bakit unti-unting umangat ang mga gilid ng labi ko.

"Ang gag*ng 'to!" sabi ko. 'Yan na lamang ang lumabas sa mga labi ko. Pigil ang ngiti kong binuksan ang plastic container. Napanganga ako ng makitang spare ribs ito. I think deep fried siya. Meron pang lettuce na sana siguro ay for plating.

"Ipinagluto ba niya ulit ang cook?" mahina kong tanong sa sarili, "Pero hindi naman siguro siya mag-aabalang pagandahin pa 'to," bulong ko.

I started to eat. Ang sarap naman ng timpla. Para akong kumakain sa isang restaurant. Pangiti-ngiti ako habang ngumunguya. Ang lambot ng karne.

Pagkatapos kong kumain ay busog na busog ang ate niyo. Sandali pa akong umupo sa buhanginan bago tuluyang tumayo para maglakad papasok. Lumalalim na rin ang gabi, delikado dito wala pa naman akong kasama.

Napahawak ako sa tiyan ko habang naglalakad, parang Bora lang ng lugar na 'to, mayro'n ding nakahelirang mga matatayog na puno ng niyog.

"Are you done?"

"Ay mommy!" sambit ko dahil sa pagkabigla. Napahawak ako sa dibdib ko. Si Phyton lang pala.

Nakahinga naman ako ng maluwag. Ngayon ko lang siya napansin na nakasandal pala siya sa malaking truck, nakapamulsa.

"I'm sorry if I startled you," he said.

My eyes widened, "K-kanina ka pa ba diyan?" nauutal kong tanong. Napakamot ako ng ulo kahit hawak pa ng kamay ko ang mga empty containers.

He brushed his hair up using his fingers, "Yeah, actually, I am waiting for you," he simply answered.

Biglang kumabog ang dibdib ko, "A-ano? Hindi mo naman kailangang gawin 'yon, sir," sabi ko. Napakamot ako sa leeg ko dahil sa hiya. Kakaiba ang nararamdaman ko ngayon. Parang nagiging abnormal ang tibok ng puso ko.

"What do you expect me to do? You're alone." Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa'kin. Maayos siyang tumayo na hindi inaalis ang kamay sa kaniyang mga bulsa.

Napamaang ako at hindi makapagsalita, "Kahit na! Hindi mo pa rin dapat gawin 'yon!" malakas kong sabi sa kaniya. Kumuyom ang kamao ko dahil sa pagmamatigas. Hindi ko alam kung nagpapabibo lang siya o ano, "Hmmmp!" umirap ako sa kaniya saka umalis.

Pagdating sa kwarto ay agad akong umupo sa ibabaw ng kama ko. Kailangan ko pang gumawa ng report na ipapasa sa kaniya.

Agad akong napaiwas ng tingin ng marinig ko ang pagbukas ng pinto. Hindi siya dumeretso sa kama niya kung 'di ay sa mesa kung nasaan ang laptop niya.

I cleared my throat, "Thanks for the dinner," I said fastly. Umikot kaagad ang mga mata ko dahil sa inis. Bakit ko ba sinasabi 'to?

While he is doing his laptop stuff, ngayon ko lang naalala na hindi niya pala natapos kanina ang dapat na gagawin niya. Napakagat-labi ako.

"Kunwari mabait," bulong ko. Napadila ako sa kaniya ng patago.

Binuksan ko na rin ang laptop na dala ko. Ngayon pa lang at gagawa na ako ng report para makapagpahinga ako pagka-uwi namin galing dito sa Batangas.

Naging tahimik kaming dalawa maliban sa pagpitik ng mga keyboard namin. Kaniya-kaniyang ginagawa.

Sa kalagitnaan ng aming pagtatrabaho kahit gabi na ay bigla siyang nagsalita, "What are you doing? You should sleep, Sierra," nagtataka niyang tanong. Lumingon siya sa'kin. Nagsisimula na namang umitim ang ilalim ng mga mata niya. Kitang-kita kasi talaga sa balat niya, maputi ito.

DS #2: Hating The Arrogant Billionaire Where stories live. Discover now