Chapter 26

6.7K 185 5
                                    

The thing is I am suspecting him. Hindi ko mapigilan. Lahat ng mga bagay na hindi nagkakatugma sa sinasabi niya ay bumabalik sa alaala ko. Hindi ko din alam kung bakit kapag kasama ko siya ay nawawala ang mga naiisip ko.

"Pupunta ba si Phyton ngayon?" tanong ni mom at nilapag ang burger na niluto niya para sa 'min. Andito kasi kaming lahat sa sala nanonood ng basketball.

Nagkibit-balikat ako, "'Yan po ang sabi niya. Pero hindi ako sure kung pupunta nga," sagot ko. I really don't have idea. Baka sabihing busy na naman 'yon.

Tipid na ngumiti si mom at saka tumango, "Para makapaghandan naman tayo. Minsan na lamang siya nalalagi dito, eh," tugon niya. Sumandal siya sa backrest ng couch katabi si dad.

"Hayaan niyo na po, busy eh. Sobrang workaholic kasi niya."

Inakabayan niya ako saka hinaplos ang likuran ko. Sinandal niya ang ulo sa balikat ko, "Hindi pa ba kayo magpapakasal?" natatawa niyang tanong.

Marahan ko siyang pinalo sa kamay, "Mommy, naman!" pigil ang ngiti ko. Gusto ko rin naman na magkatuluyan kaming dalawa pero maaga pa siguro 'to para sa kaniya.

"What?!" patay malisya niyang tanong. Tinaasan niya ako ng kilay, "Nagtatanong lang ako, defensive mo masyado, ah?"

Napailing na lang ako sabay subo ng pagkain. I don't know why I am here with them watching basketball league. Tinawag lang naman ako ni dad para sumama. Actually, this is our bond na rin dahil fan talaga ang mga kapatid ko at lalo na si dad ng laro.

Ako:

Pupunta ka ngayon?

Tanong ko sa kaniya. Nakakahiya naman paasahin sina mommy at daddy.

Ahas:

Love, I'm really sorry. Mag o-overtime ako ngayon.

Sagot niya. Napanguso ako. Lagi na lang overtime. Ampaka workaholic.

Ako:

Okay. Nasaan ka ba?

Ahas:

In my office, love. I love you.

Ako:

Mag-dinner ka mamaya ah? 'Wag kong kalimutan.

It's 5 PM and usually umuuwi siya 6 PM eh. Bigla akong napatayo. Dadalhan ko siya ng dinner. Kung nandoon nga siya.

Dumating ako sa harapan ng building niya. Nananalangin ako na sana hindi siya nagsisinungaling, this time. Ayokong mag-isip ng masama. Umakyat ako hanggang 28th floor lulan ng elevator. Kinakabahan ako lalo. Paano kung totoo? Paano kung nagsisinungaling lang pala siya?

Pero, para sa ano naman?

I knocked the CEO's room. Agad ko itong binuksan dahil hindi naman ito naka-lock. This time, ang Secretary niya ang una kong nakita. Napatayo siya at binati ako.

"Engineer, andito po ba kayo para kay sir? Kakaalis niya lang, eh," sabi niya na may panghihinayang sa boses. Napakunot ang noo ko.

"Ano? Kanina lang sinabi niya sa 'kin na mago-OT siya," tugon ko. Napahigpit ang hawak ko sa paperbag na may lamang pagkain. Hindi ako makapaniwalang sinuklay ang buhok ko gamit ang sarili kong mga daliri.

Napakamot siya ng ulo at napayuko, "Sorry po, ma'am. Hindi niya ba sinabi sa iyo?" tanong niya.

Napakagat-labi ako saka umiling. Ano ba 'yan, nagtutubig ang mga mata ko. Hindi lang 'to ang isang beses na hindi tugma ang sinasabi niya sa mga nalalaman ko.

Pinunasan ko ang mga mata ko at pinigilan itong tumulo, "S-Saan daw ba siya p-pupunta?" nauutal kong tanong. Parang biglang may tumusok na matalim sa karayom sa puso ko. Lalo lang nanunubig ang mga mata ko.

DS #2: Hating The Arrogant Billionaire Where stories live. Discover now