Chapter 15

7.1K 192 2
                                    

Naging busy siya sa mga sumunod na araw kaya heto ako nanonood ng palabas kasama ang mga kapatid ko. Parang naging clingy sila ngayon dahil nagiging busy na rin si mom at dad. Sana kumuha na lang sila na magbabantay sa dalawang 'to.

Ipinatong ko ang baba sa ibabaw ng tuhod ko habang silang dalawa ay nasa magkabila at nakasandal sa 'kin. Biglang tumunog ang phone ko kasabay ng pagtunog ng doorbell sa labas. I saw Phyton's name on my scree, so I answered it.

"Wait, diyan lang ako." Humilig silang dalawa sa couch. Kaya agad akong tumayo, "Hey, wala ka ng trabaho?" tanong ko sa kaniya. I opened the door and saw a rider.

"Hi, I have. I'm sorry if I barely go there, Sierra. I know you're bored so I sent you food," he said. My brows knitted. What did he say? He sent me food?

I unlocked the gate before opening it, "W-what? What are you saying?" I asked. Naguguluhan pa rin ako, I shook my head. Baka mali lang ang pagkakaintindi ako. Napatingin ako sa lalaking nakasuot ng helmet.

"Ma'am, delivery po para kay Miss Sierra Custavo," sabi niya. Nanlaki ang mga mata ko. Inabot niya sa 'kin ang malapad na karton ng pizza.

"Phyton, what is this all about?" I asked out shock. Kinuha ko ang pizza.

"Just want you to eat, please...I can't eat with you so, I sent you food," sambit niya mula sa kabilang linya. Nalaglag ang balikat ko saka huminga ng malalim. It's a family size pizza.

"Ma'am, pakiperma na lang po dito," anito. I signed it and he leave.

"Puwedi ka namang dumalaw dito 'pag may oras ka..."

Biglang may huminto na delivery driver sa tapat ng bahay namin. My jaw dropped when I saw that it's a flower. Damn! Phyton, you're making me crazy.

"Ma'am, delivery po para kay Miss Sierra Custavo," sabi niya.

"Kuya, ako po 'yon," sagot ko. Paano ko hahawakang ngayon 'yan?

"If maaga ak---," I cut him off.

"Phyton, thank you. Thank you sa flowers, thank you sa pag-aalala sa 'kin," matamis kong ani sa kaniya. I pouted my lips. Grabi naman. I saw a small message.

To: Sierra

Take care, I miss you.

Kahit ganiyan lang ang mensahe niya ay nagbunga ito ng isang matamis at malawak na ngiti. Napakagat-labi ako. Medyo kinilig nga.

"I miss you too," I said.

"Did you read the message?" he asked in surprise. Tumango ako kahit hindi naman niya nakikita.

"Yes."

Sunod-sunod naman na dumating ulit ang delivery rider. Merong fast food, drinks and chocolate para daw sa mga kapatid ko.

"Phyton, tama na 'to! Alam mo ba na nandito pa rin ako sa labas?" naiinis ngunit nasisiyahan kong tugon sa kaniya. Sobrang dami na nito. Kahit pa maging matakaw ang mga kapatid ko ay hindi namin 'to makakain.

"Oh, sh*t! But there are still a lot of foods that coming, Sierra!"

Napamura na lang ako sa isip ko. Konti na lang talaga at puwedi na akong mag-aya ng kapit-bahay para sumama sa 'min na kumain. Nagtawag ako ng tulong sa mga kapatid ko. They are excited and amazed with the foods.

Nakaupo na rin ako sa wakas, "Phy, sa susunod bilhin mo na lang ang isang restaurant," sarkastiko kong ani. "Sa dami nito, hindi namin 'to mauubos," sabi ko. Napakagat-labi ako. Parang gusto ko siyang yakapin ng mahigpit.

"I want to spoil you, you can set aside the other food for tita and tito," he uttered. Ano pa ba ang magagawa ko?

"Do I still have a choice? Hindi ko naman na maibabalik pa 'to. Sana andito ka," I played with my fingers. Of course, gusto ko pa rin naman makasama siya. What if pumunta ako sa kompanya niya?

DS #2: Hating The Arrogant Billionaire Where stories live. Discover now