Chapter 18

6.3K 190 8
                                    

"Totoo? Bumalik ang ex ni sir? Paano 'yan, Engineer?" sunod-sunod na tanong ni Erich sa 'kin. Tumango ako sa kaniya. Miski ako hindi ako alam ang gagawin. Kasalukuyan kaming nakaupo sa labas ng tinutuluyan namin at may kaniya-kaniyang beer. Minsan lang naman 'to.

"Naka-move na si sir, kaya dapat hindi niyo na pinapansin ang mga ex na 'yan," sabat ni Simon. Lumagok ako ng beer saka sinandal ang ulo ko sa balikat ni Erich.

Nagtataka ako kung bakit hanggang ngayon wala pa akong tawag na galing sa kaniya. Hindi ko naman siya magawang tawagan dahil baka may ginagawa siya.

"Nasasaktan lang din ako, paano kung siya pa rin pala ang gusto niya?" tanong ko. Ngumuso ako sabay tingin sa mga talang nagkikinang sa langit.

Mahinang tumawa si Simon, "Hindi naman siguro magagawa 'yon ni sir. Niligawan ka nga, eh. Sasagutin mo din naman siya, 'di ba?" tanong niya. Napaangat ako ng tingin sa paparating na lalaki.

He is wearing a long sleeves folded until his elbow, pants and black shoes with his new clean cut hairstyle. My eyes widened in shock, ano ang ginagawa niya dito? May nakasabit na  duffel bag sa balikat niya. Kumabog ng malakas ang dibdib ko.

"The prince charming is coming. 'Wag ka ng malito sa nararamdaman niya, Sie. He's fine," Simon said, patting my shoulder. Napatango din si Erich na sumasang-ayon siya sa sinabi niyo. She whispered good luck. Umalis na silang dalawa patungo sa kwarto nila.

Phyton stopped walking when he saw me sitting on the floor. Napatingin siya sa kamay ko, agad kong tinago ang beer. His brows rose.

"Are you drinking?" he asked. Natulala ako sa kaniya. Ang gwapo niyang tingnan. Ibang-iba ang arwa niya sa ganiyang buhok, "Sierra, I am talking to you!" he hardly said. Napaiwas ako ng tingin at nilabas ang bote ng beer.

"Yes, isang bote lang naman. Hindi ko pa nga nauubos," sagot ko. Napanguso ako at nag-iwas ng tingin. Ilang ulit rumehistro sa utak ko ang mukha niya. Ang gwapo.

Bigla akong nataranta ng hablotin niya ito mula sa kamay ko. Baka mabasag. When he finally got it, umiling siya. Tinapon niya 'to sa garden. Inabot niya sa 'kin ang kamay niya para tumayo.

"Come here."

No'ng una ay nag-aalangan pa ako pero kalaunan ay hinawakan ko rin ang kamay niya saka tumayo.

"You're upset, aren't you?" he asked. He pulled me closer to him. Mahigpit niya akong niyakap. Napasandal ako sa dibdib niya. Ang bango niya. I closed my eyes to feel him. In him I feel secure. Hindi ko na napigilan ang sarili kong yakapin siya ng mahigpit. I miss him.

"No, not really. Nag-uusap lang kami ng kaibigan ko," sabi ko habang nakasiksik ang mukha sa dibdib niya.

"Don't lie, Sierra. Don't hide your feelings," he whispered. He caressed my hair like he is longing for me.

"Then don't come near her. Don't talk to her ever again," I hardly said. Kung gusto niyang maging honest ako, sige. Tingnan natin.

"Alright, I'll try my best, okay? Just don't be mad, Sierra. Hindi ko kaya," sambit niya. Nakahinga naman ako ng maluwag. Akala ko hindi siya papayag. Nagkaroon ako ng kompyansa na totoo nga ang nararamdaman niya.

Ngumuso ako, "Natatakot ako, Phyton. Paano k--," hindi na natuloy ang sasabihin ko dahil sa mga halik niya sa ulo ko.

"Kung ano man 'yang nasa isip mo. I'll never do that. I won't hurt you."

He slowly cup my face. Napatingin ako sa mga mata nita, patungo sa buhok na bangong gupit. Napangiti ako ng matamis.

"Ang gwapo mo," hindi ko napigilan ang sarili kong puriin siya. He chuckled.

DS #2: Hating The Arrogant Billionaire Where stories live. Discover now