Chapter 7

9.3K 230 7
                                    

I woke up early 'coz I have meeting today. While I am sipping my cup of coffee, I saw my brother walking down from the stairs. Bihis na bihis siya at sobrang saya ng mukha.

Kumunot ang noo ko. Baka magkikita silang dalawa ni Sierra. Umismid ako. That girl. Kinuha ko ang phone ko mula sa bulsa at agad na dinial ang number ni Sierra sa phone ko.

Nanatiling kay Pierce ang tingin ko, "Where are you going? Sobrang aga pa ah?" nagtataka kong tanong. I wonder why Sierra still not answering my call. Nakailang ring na ang naririnig ko.

"Magbe-breakfast sa labas. Bakit?"

"Bakit sa labas? Wala ka bang bahay?" naiinis kong tanong.

"Meron pero I'll be spending my breakfast with her." Lumawak ang ngiti niya sa'kin. Kumuyom ang bagang ko habang tinitingnan ng screen ng phone ko.

"Hindi ba sinabi ko sa'yo na 'wag mo siyang kausapin?"

"Bakit nga? Kuya, wala ka ng pakialam do'n," sagot niya. Isinuksok niya ang kamay sa magkabilang bulsa at tumayo sa harapan ko. Tamang-tama naman ang pagsagot ni Sierra sa tawag ko.

"Just don't, okay?" paalala ko sa kaniya. I pointed my index finger towards him. I heard him sighed in grimace.

"H-hello, what now, Mr. CEO?" she asked from the other line.

I blankly stared at my brother, "Fetch me here in 20 minutes, I have to go to my office," I said without breaking my gaze. Umangat ang balikat ni Pierce sa'kin na parang hindi makapaniwala sa ginawa ko.

"What?! May lakad ako ngayon, eh. Hindi ba puweding magpa-drive ka na lang sa iba?" naiinis niyang tanong. Kumunot ang noo ko.

"I don't have a driver, importante pa ba 'yan sa trabaho mo sa'kin? Ha?" singhal ko.

"Damn, kuya! Why are you doing this?" mahinang tanong ni Pierce saka umupo sa harapan ko. He is the cool one, I think. May suot² siyang headphone sa leeg at may hawak na camera na hindi niya kayang bitawan.

Nakarinig ako ng buntong-hininga mula sa kabilang linya, "May lakad kasi talaga ako, eh. Babalik na lang kaagad ako," sabi niya. Parang humina ang boses niya. Nakaramdam naman ako ng guilt dahil sa ginawa ko, "Papunta na ako, sir."

Agad na namatay ang tawag kaya binaba ko na ang phone. Saan kaya sila kakain? Humigop ako mula sa mainit na kape sa harapan ko saka sumandal sa upuan ko.

Pierce with his dagger eyes. His jaw clenched and I don't care.

"What?!" I asked hardly.

"Madami naman tayong driver, you can even drive yourself," sabi niya. Hindi siya makapaniwalang sinuklay ang buhok niya gamit ang sariling mga daliri.

"I can but I am tired, Pierce," mahina kong sagot. Lalong sumama ang titig niya sa 'kin kaya I glared at him back.

"Pagod ka lang ba talaga o gusto mo lang siya alilain?" tanong niya.

My face become blank, "Why would I do that? She needs to work, Pierce. And alilain? Why would I do that?" I asked hysterically.

"Then, stop commanding her, Kuya. She's your engineer not your driver!"

Agad itong tumayo sa kinauupuan niya akma na siyang aalis ng nilingon niya ako, "Not everyone around you will follow you, Kuya," he coldly told me.

Napalunok ako ng malalim. Hanggang nawala siya sa paningin ko ay paulit-ulit itong pumasok sa isip ko. Did I hurt my bro?

Napayukom ang kamao ko habang minamasahe ang noo ko. Kinuha ko ulit ang phone ko para sana tawagan ulit si Sierra pero nagbago ang isip ko.

Narinig ko ang pagtunog ng kotse sa labas kaya agad ko nang kinuha ang dala sa upuan. Lumabas ako at nakitang naka-park sa harapan ang kotse.

DS #2: Hating The Arrogant Billionaire Where stories live. Discover now