Chapter 27

6.8K 195 6
                                    

"Mag-break na tayo," mahina kong sambit. Ayoko nang lokohin pa ang sarili ko. Hindi niya na ako madadala pa.

His eyes widened in shock. Pinulot niya ang nahulog na blueprint sa sahig. Tila wala siyang narinig sa sinabi ko, "The place is good, love. Naki---," lalong uminit ang ulo ko.

"Shut the f*ck up, Phyton! Let's break up!" sigaw ko. Napatayo ako sabay hampas ng mesa. Hindi ko mapigilan ang sarili kong sumabog. Natulala siya sa ginawa ko.

Nangingilid ang mga luha ko. How can he become so insensitive? Ako 'tong nasasaktan tapos parang wala lang 'yon sa kaniya.

His brows knitted, "Love, w-why? What are you talking about?" he raised a question. Tumayos siya at hinawakan ang kamay ko. Ang lamig ng kamay niya. Umiwas ako ng tingin at pilit na pinipigilan ang luha.

Binawi ko ang kamay ko mula sa kaniya, "Anong salita ang hindi mo naintindihan do'n?! Matalino ka, Phyton! Alam kong alam mo ang sinasabi ko!" buong lakas kong sigaw sa kaniya. Lumandas ang isang butil ng luha mula sa mga mata ko, akala ko wala na akong luhang mailalabas pa.

"Hindi, ayokong maghiwalay tayo, Sierra. Mahal na mahal kita," sabi niya. Nangungusap ang mga mata nitong kulay abo. Akma siyang lalapit sa 'kin pero umatras ako.

"Ano ba talaga ang gusto mo, Phyton?! Gusto mo lang na saktan ako? Mukha ba akong pampalipas oras lang matapos mong makasama ang babaeng 'yon?!" nanggagalaiti ako sa galit. Kulang na lang ay lumabas ang usok sa ilong ko.

Dumaan sa mukha niya ang sakit. Napahilamos siya ng mukha. Parang hindi niya alam kung ano ang gagawin.

"W-What are you talking about?" he asked. Nakita ko ang pamumula ng mga mata niya. Nag-iwas ako ng tingin at pinunasan ang pisngi ko. Ayokong maging marupok ngayon, pagod na akong umintindi. I saw mom and dad staring at us with pitiful emotion.

"What am I talking about?" I smirked. Is he asking me that? Napasabunot ako ng sariling buhok, "'Wag ka nang magmaang-maangan! Ano? Hindi mo alam na pinagsasabay mo kaming dalawa ni Yuan?!" sigaw ko. Agad akong napatakip ang bibig dahil sa paghikbi. Gusto kong magwala, saktan siya, sabunutan siya pero hindi, hindi ko kaya.

His eyes widened, kasabay no'n ang paglandas ng mga luha sa mga mata niya. Gustong-gusto ko 'yong punasan pero nangunguna ang galit ko.

"L-love," nauutal niya tawag sa 'kin.

"'Wag na 'wag mo akong tawaging ganiyan, Phyton! Hindi ako tanga, Oo, kung tanga nga talaga ako para sa 'yo, tama na!"

Nakayukom ang dalawa kong kamay na handang-handa na suntukin siya ano mang oras. I heard my brother's cries inside. Napatingin ako sa pinto. Wala na si mom at dad.

He stepped forward, "L-love, lis-,"

Malakas ko siyang tinulak kaya bumalik siya sa lugar niya, "Paano mo nagawa sa 'kin 'yon?!" I pointed myself, "Paano mo naaatim na magsinungaling?!" tanong ko. Napatakip ako ng mukha at malakas na umiyak. Hindi ko na kaya. Sobrang sakit ng dibdib ko. Ang sakit. Sa sobrang lakas ng iyak ko huli na ng malaman na ko na niyakakap na niya pala ako mula sa likuran.

I can hear his sobs, "L-Love, please...let me explain! Don't do this to me," he said between his cries. Napailing ako. Hindi ako makagalaw dahil sa hawak niya.

"Phyton, bitawan mo ako!" pagpupumiglas ko sa mula sa yakap niya. Parang wala akong lakas dahil hindi ko man lamang ito nababaklas o  sadyang malakas lang talaga siya sa 'kin. Lalo lang akong naiiyak.

"No, I won't let you go. Please, Sierra, listen to me," he told me in shaky voice.

"Anong pa ang pakikinggan ko sa 'yo?!" malakas kong hinampas ang kamay niya gamit ang kamay ko pero hindi siya kumalas. Nawalan na ako ng lakas at umiyak na lang. Humigpit ang yakap niya sa 'kin, "Phyton, kitang-kita ng mga mata ko...kung paano mo siya hinalikan," napahik ako ng malakas. Ang sarap hampasin ng dibdib ko.

DS #2: Hating The Arrogant Billionaire Where stories live. Discover now