Wakas

15K 288 29
                                    

We waited for Sienna to turn one year old. Our family decided to celebrate it in the Philippines. Phyton has their private jet to take us. I already told mom and dad about it, no'ng una ayaw na nila na bumalik ako kay Phyton but in the end of the day, they accepted him wholeheartedly.

"Da-da!" tawag ni Sienna sa daddy niya. Hindi niya pa rin masabi ng deretso ang daddy. Ilang ulit niyang sinabi 'yon sa anak. Nakakatayo na siya at nakakapaglakad kapag hawak naming dalawa.

"Come here, baby! Come here to dada!" sambit niya. Gusto niyang maglakad ito patungo sa kaniya. He's the one who practice Sienna para mabilis itong matuto at maging malakas.

"Da-da!" tumawa ang anak habang unti-unting hinahakbang ang mga paa niya. Nakaantabay lang ako. Pahinto-hinto siya. Phyton's open arms are waiting for her.

"Come here, baby!"

She almost fell but she made it to walk again until she reach her dad. Tawang-tawa si Phyton habang yakap-yakap ang anak namin.

"Very good, Sienna." He kisses her chubby cheeks.

"Tara na, Phyton. Baka naghihintay na ang jet sa airport," I said. Naglalaro pa kasi sila at parang ayaw tigilan ang anak niya.

"Dalhin mo muna si Sienna, I'll get our luggage," he said. Kinuha ko si Sienna at naunang bumaba para makausap si tita. Sa ngayon ay siya ang inaatasan kong magbantay ng restaurant.

Nakita ko siyang nakaupo sa sala habang nagkakape. Matapos niya akong nakita ay tumayo siya

"Aalis na kayo?" tanong niya. Ngumiti ako saka tumango.

"Opo, tita. Salamat po sa pagpapatira sa 'min dito," sagot ko sa kaniya. Yumuko ako.

"Naku, wala 'yon! Pasensya na din hindi ako makakauwing kasama ka. Basta kapag gusto mong bumalik andito lang ang bahay ko," sabi niya. Lumapit siya sa 'kin at binigyan ako ng isang mainit na yakap.

"Ikaw na po ang bahala sa restaurant," dagdag ko. Binuhat niya si Sienna at nilaro. Todo tawa naman ang bata.

"Ako na ang bahala do'n."

Sa huli ay nagpaalam na kami kay tita. Kasama namin sa byahe si Pierce. Iwan ko sa kaniya kung bakit hindi pa rin siya umuuwi. Sienna is sitting in his thighs. Ayaw niyang ibigay sa 'kin.

Kasalukuyan na kaming nasa himpapawid nang isandal ko ang ulo ko sa balikat niya. Sienna is murmuring a baby talk. We're meant to be, I can say that. And he proved to me how much he loves me, I can assure myself with that. Dahan-dahang dumausdos ang kamay niya hanggang sa palad ko. He clasped our hands together and hold me tight.

"I love you, Sierra," he whispered, kissing my head. My heart melt as I smile without looking at him.

"I love you too, Phyton," I answered.

"I love you, Sienna, my baby, my princess," he said. Biglang tumawa si Sienna. Mabuti na lang at hindi siya natakot sa paglipad ng eroplano. Matapang yata ang anak namin.

Pagdating namin sa Pilipinas ay gabi. Yumakap kaagad ang mainit na simoy ng hangin dahil summer ngayon. Na-miss ko din pala ang kapaligiran. Magkahawak kamay kaming dalawa. Sa Hotel kami lalagi kung saan gaganapin ang birthday party ni Sienna. Sponsored by Phyton's parents and of course, hind naman papatalo si mom at dad.

"Pierce, saan ka dederetso?" tanong ko. Nakabusangot ang mukha niya habang tulak-tulak ang mga maleta namin. Paano ba naman kasi mas kasalanan daw siya kay Phyton. Ang dami pa naman ng gamit namin.

Umirap siya, "May susundo sa 'kin dito, 'wag kang mag-alala pupunta ako bukas mg gabi," sabi niya sabay kindat. Bigla namang tumakbo sa kaniya si Phyton at muntikan na itong masuntok.

DS #2: Hating The Arrogant Billionaire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon