Chapter 31

8K 204 2
                                    

Kinaumagahan ay maaga akong nagising para paliguan si baby. Aalis kasi kaming dalawa papuntang market. Bibili ako ng groceries, nakita ko gabi paubos na ang pagkain. Maganda pa naman ang sikat ng araw.

"Ligo na si baby! Yey! Kili-kili!" sambit ko. Kinakain niya ang kamay niya lagi niya 'tong sinisipsip. Napanguso ako. Ganito din ba ako dati?

Pagkatapos ko siyang liguan ay binihisan ko siya ng overall na damit at makapal na jacket. Sinuot ko rin ang medjas at sapatos niya.

"Ang ganda ng baby ko," sabi ko sabay kurot ng pisngi niya. Lumabas ako buhat-buhat siya. Ibibigay ko muna siya para makaligo din ako.

"Tita! Tita!" tawag ko sa kaniya. Nagtaka ako kung bakit hindi siya nagsasalita o tumugon man lang. Bumaba ako para hanapin siyang muli habang tinatawag ang pangalan niya. Hinanap ko siya sa buong lugar pero wala. Napahinto ako ng makita si Phyton na lumabas mula sa kwarto niya habang nagpupunas ng buhok.

Umismid ako. Nakasuot siya ng black na jogger pants hoodie at medjas. Feeling binata ang isang 'to. Ang gwapo pa rin. Teka, ano ba ang pinagsasabi ko?

"Maagang umalis ang auntie mo, sabi niya may pupuntahan daw siya," sabi nito kahit hindi naman ako nagtatanong. I rolled my eyes, "Bakit may kailangan ka?" tanong niya. Akala mo naman talaga.

"Bakit marunong kang magbantay ng bata?" asik ko. Tinaasan ko siya ng kilay. Umirap ako, "Wala ka pala, eh." Akma akong aalis ng bigla siyang magsalita. Anak mo naman 'to, kaya dapat alam mo kung paano mag-alaga.

Humarap ako sa kaniya na hindi inaalis ang mga kilay ko, "Do you want me to baby sit her?" tanong niya. Halata sa mukha niya ang gulat at galak. Parang namamangha siya habang tinititigan ang anak ko.

Tumango ako, "Oo, ayaw mo? Maliligo lang ako. Mabilis lang 'to," sabi ko sa kaniya. Matamis siyang ngumiti.

"I would love to, Sierra," he whispered. Akma niyang kukunin 'to ng bigla kong bawiin. Kumunot ang noo niya.

"Hindi mo naman siguro itatakbo ang anak ko, 'di ba?" tanong ko sa kaniya.

"Of course not," sagot niya. Kaya binigay ko na sa kaniya ang anak niya. Anak naming dalawa. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kaniya o hindi. Ayokong umasa ang anak ko na mabubuo kaming tatlo, dahil may girlfriend ang daddy niya, "Hey, baby! You're so beautiful...mana ka sa mommy mo." Palihim akong napangiti dahil sa sinabi niya.

Binilisan kong maligo baka kung ako na ang mangyari sa anak ko. Hindi ako sigurado kong alam niya kung paano mag-alaga ng bata. Paglabas ko ng kwarto ay sinigurado kong nasa loob na ng bag ang mga kailangan ko. Nakasuot ako ng boots at makapal na sweater.

Pagbaba ko ay nakita ko siyang pinapatawa si Sienna. Napangiti ako. Ang ganda nilang tingnan na dalawa.

"Andito na ako," sabi ko sa kaniya. Lumingon siya sa 'kin.

"Saan kayo pupunta? Sasama ako," sabi niya.

"Market, we're going to buy groceries," I answered. Kinuha ko sa kamay niya si Sienna. Tawang-tawa din naman itong batang 'to.

"Sasama ako. Teka lang," sambit niya. Nagmadali siyang tumakbo papasok ng kwarto niya. Hahayaan ko ba siyang sumama? Kailangan ko din naman ng katulog.

Napanguso ako. Naghintay ako sa kaniya sa couch. Hindi naman siya gano'n katagal pero paglabas niya ay nakasuot na siya ng makapal na coat hanggang tuhod at scarf. Para siyang oppa do'n.

"I'm ready," he said using his manly voice. Napatikom ako ng bibig saka tumango.

Paglabas namin ay agad na bumungad ang malamig na ihip ng hangin. Nasa dibdib ko si Sieanna nakasakay sa baby carrier na suot ko.

DS #2: Hating The Arrogant Billionaire Where stories live. Discover now