Special Chapter

26 5 5
                                    

•••••

"Congratulations, anak! May chef na akong anak!" magiliw na bati sa akin ni Papa nang matapos ang graduation ceremony.

Yes, I'm finally graduated to my HRM course. After four years na pagti-tiyaga ay nakatapos din ako.

"Thank you rin, Pa," emosyonal kong sabi at niyakap siya nang mahigpit.

"Congratulations, anak. Nagbunga na rin lahat ng paghihirap mo," sabi ni Mama at niyakap din ako mula sa likuran. Sa madaling salita ay nag-group hug kami.

Ilang segundo kaming nasa ganoong posisyon ngunit kumalas na si Papa sa pagkakayakap sa amin.

"Hindi na ako makahinga. Ang higpit ng yakap niyong dalawa," natatawang sabi ni Papa habang hawak ang dibdib niya.

Bahagya ako natawa at tiningnan silang dalawa. Masaya ako na naging maayos ang lahat. Masaya ako na nagkaayos silang dalawa. Hindi ko akalain na ang trahedyang iyon pala ang magiging daan para magkaayos at mabuo ang pamilya namin.

Noong nawala kasi si Sam, na-depress ako. Ilang araw akong hindi kumain, ilang linggo akong nagkulong sa kwarto, ilang buwan akong umiiyak. Halos isang buwan din akong hindi nakapasok. Akala ko nga ay babagsak ako ngunit ginawan ng paraan nina Papa at naintindihan naman ng school officials. Kaya ayon, sa tulong at pang-unawa nila, nakapasa pa rin ako.

Sobrang hirap ng pinagdaanan ko. I am emotionally and mentally tired back then kasi hindi ko matanggap. Hindi ko matanggap na nawala siya. Nag-aalala si Mama noon sa kalagayan ko kaya naman tinawagan niya si Papa at pinauwi ito. They talk about me kung anong magandang gawin. Na-confine ako sa hospital dahil nagkasakit ako. Sobrang bagsak ng timbang ko no'n. Feeling ko nga ay susunod na ako kay Sam pero hindi, nagawan ng paraan ng mga doctor at ng mga magulang ko. Inalagaan nila ako at ginawa nila lahat para bumalik ako sa dati. Mahirap ang pinagdaanan ko, hindi ganoon kadali na makalimutan ang taong palaging nandiyan para sa 'yo. Pero kahit gano'n, hindi ako sinukuan ng mga magulang ko. They did everything. Kaya kahit mahirap, nagawa kong makabangon. Habang unti-unti akong nagmo-move on, bumabalik sila sa dati. Nagkaayos sila, nagpatawaran at muling nagmahalan. Kaya maayos na ang lahat and I'm grateful that they're fine now.

"Mama, Papa... Thank you for not giving up on me," emosyonal kong sabi at nanubig ang aking mga mata.

Hinawakan ni Mama ang kamay ko. "No, anak. Thank you for not giving up on us. Alam kong hindi naging madali lahat ng pinagdaanan mo. I know how you suffer because of our mistakes. Pero kahit ganoon hindi mo kami kinamuhian at patuloy mo pa rin kaming minahal," mahabang paliwanag ni Mama at humikbi ako.

"It's okay, Ma. Nalagpasan ko naman na. Masaya ako na nagkaayos na kayo ni Papa. We're complete and happy. I couldn't ask for more," sabi ko at huminga nang malalim.

Tumigil na si Mama sa trabaho niya at tumigil na rin si Papa sa pambababae. Siguro dahil masyado na silang matanda para sa ganoong bagay at tumatanda na rin ako. Mabuti na lang at nagising sila sa katotohanan.

"How about love life? You're not asking for it?" tanong ni Papa at natigilan ako.

Minsan na akong humiling at natupad naman 'yon. Binigyan talaga ako ni God ng Somebody Out There at nagpapasalamat ako para ro'n. Kung hindi dahil sa kanya ay hindi ko alam kung paano ako makakarating sa kinatatayuan ko ngayon. Maybe, I still can't conquer my fears and I'm still not believing to myself. Thanks to him.

Love life?

May mga nagpaparamdam at tinatanong ako kung pwede akong ligawan pero ngiti at pag-iling lang ang naisasagot ko. Hindi ko alam kung handa na akong pumasok sa ganoon. Hindi ko alam kung handa na ba ulit akong magpapasok ng ibang tao sa buhay ko. Natatakot kasi ako na baka mawala sila ulit. Na baka iwan nila ako. Kung mangyayari ulit ang gano'n, baka kasi hindi ko na kayanin.

Somebody Out ThereWhere stories live. Discover now