02

39 11 15
                                    

···

"Paano mo nalaman 'yong tungkol sa somebody out there?" nagugulat kong tanong sa kanya.

Nagkibit balikat siya at isinuksok niya ang kanang kamay niya sa bulsa ng pantalon niya at ipinakita niya sa akin ang maraming sticky notes.

Nanlaki ang mga mata ko. Akin ang mga iyon. Alam ko na akin ang mga 'yon.

Paano napunta sa kanya ang mga iyon?

"Bakit nasa iyo 'yan? Ibalik mo 'yan sa akin," sabi ko at hindi niya naman inintindi ang sinabi ko. Bagkus ay ibinalik niya sa bulsa niya ang mga sticky notes na iyon at naupo siya sa tabi ko.

Nang makaupo siya sa tabi ko ay seryoso lang siya na tumingin sa akin. Parang sinusuri niya ang kabuuan ng mukha ko. Nag-init naman ang pisngi ko dahil sa ginagawa niya. Bakit ba ganoon siya kung tumingin? Daig niya pa ang isang scanner kung sumuri.

"Marami kang pinagdadaanan?" tanong niya at natigilan naman ako ngunit marahan akong tumango.

"Magkwento ka at makikinig ako," malamig niyang sabi kaya naman napatitig ako sa kanya.

Dapat ba na magkwento ako sa taong hindi ko naman kilala? Paano kung ipagkalat niya ang mga sasabihin ko sa kanya?

"Ano bang sasabihin ko?" mahinang tanong ko sa aking sarili.

Nag-aalinlangan akong magkwento sa kanya dahil natatakot ako na baka husgahan niya ako at maaaring ipagkalat niya ang ikukwento ko Pero sabi nga mas magandang magkwento sa mga taong hindi mo kakilala dahil hindi ka nila huhusgahan. Mukha rin naman siyang mapagkakatiwalaan.

"Tss. E'di 'yong problema mo. Nasaan ba ang utak mo, Elien?" inis na sabi niya at nanlaki naman ang mga mata ko.

Ano daw? Elien? Ano 'yon, parang alien? Hindi naman iyon ang pangalan ko. Ang pangit pakinggan. Pangalan ko na nga lang ang maganda sa akin tapos papasamain niya pa.

"Hindi Elien ang pangalan ko. El Damien hindi Elien," pagtatama ko sa kanya at tumawa lang naman siya.

"Pwede naman, ah? El tapos 'yong tatlong huling letra sa pangalawa mong pangalan, makakabuo ng Elien," sabi niya at muling tumawa. Tiningnan ko naman siya at sinamaan ng tingin.

"Nakakatawa 'yon?" mataray na tanong ko sa kanya at bigla naman ulit siyang sumeryoso.

"Sabihin mo na ang problema mo habang nandidito pa ako," sabi niya at tinitigan ako.

Huminga naman ako nang malalim at tumingin sa malayo. Mabuti na rin siguro ang makapagkwento ako para naman gumaan kahit papaano ang pakiramdam ko.

"Palagi na lang nag-aaway sina Mama at Papa. Tapos kanina ay nag-away na naman sila. May babae kasi si Papa, tapos nagalit si Mama. Pinalayas pa ni Mama si Papa. Tapos si Mama, may kausap daw na mga kano at nagpapadala ang mga ito ng pera. Si Papa na nga lang ang napagsasabihan ko ng mga problema ko tapos pinaalis pa siya ni Mama," malungkot na salaysay ko at namalayan ko na lang na umaagos na ang mga luha ko.

Somebody Out ThereWhere stories live. Discover now