06

26 9 23
                                    

"Ito ang allowance mo sa loob ng isang linggo. Dahil isang linggo akong mawawala. Kung kukulangin 'yan, pumasok ka sa kwarto ko at buksan mo ang drawer. May pera roon," sabi ni Mama at naglakad na palayo. Hindi niya man lang ako hinintay na makapagsalita.

Huminga ako nang malalim at kinuha ang pera na ipinatong ni Mama sa mesa.

Wala akong ideya kung saan pupunta si Mama pero wala naman akong karapatan na kwestyonin ang mga ginagawa niya. Umaasa pa ako sa kanya kaya hindi ko siya mapagbawalan. Baka ako lang ang lumabas na masama dahil doon. Ipinapangako ko naman na titigil si Mama sa ginagawa niya kapag nakapagtapos ako at nakahanap ng trabaho.

Naglakad na ako palabas ng bahay namin. Sinigurado kong nakasara ang pinto ng bahay at naglakad na patungo sa gate. Binuksan ko iyon at nanlaki ang mata ko nang makita ang pamilyar na lalaki na nakasandal sa poste sa gilid ng kalsada.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko at tiningnan niya lang ako na may blangkong ekspresyon.

"Ano sa tingin mo?" tanong niya pabalik at huminga ako nang malalim.

Assuming ba ako kung iisipin kong kaya siya narito ay para sa akin?

Nagkibit balikat ako at nagsimulang maglakad. Nilagpasan ko siya at hindi na pinansin. Nagpatuloy ako sa paglalakad ngunit bigla na lamang mayroong humigit sa braso ko.

"Iniiwasan mo ba ako?" tanong niya habang nakakunot ang noo na nakatingin sa akin.

"Ha?" inosente kong tanong at nangunot naman ang noo niya.

"Kung iniiwasan mo ako?" tanong niya ulit at agad naman akong umiling.

"Eh bakit hindi mo ako hinintay? Bakit nauna kang maglakad?" tanong niya at napamaang naman ako.

"Ako ba ang hinihintay mo?" nagugulat kong tanong sabay turo sa aking sarili. Napahilamos naman siya sa mukha niya.

"May iba pa ba akong hihintayin? You're so slow," iritableng sabi niya at napakamot naman ako sa ulo ko.

"Sorry naman," sabi ko at huminga naman siya nang malalim.

"Hayaan mo na nga," sabi niya at bigla akong hinila.

Mahigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko ngunit hindi ako makaramdam ng sakit. Parang iniingatan niya pa rin ang paghawak sa akin para hindi ako masaktan. Or I'm just imagining things? Nagkibit balikat ako at ipinagpatuloy na lang ang paglalakad.

Hindi naman nagtagal ay nakarating kami sa school at marami na naman ang nakatingin sa amin. Lahat sila ay nagtataka kung bakit ang katulad ko at ang katulad ni Sam o Led ay magkasama. Kahit ako ay napapaisip din naman.

"Sam?" pagtawag ko sa kanya.

"Oh?" walang gana niyang sagot at napakamot naman ako sa ulo ko.

Somebody Out ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon