31

16 8 4
                                    

Nagising ako dahil nararamdaman kong mayroong humahaplos sa aking buhok. Nag-angat ako ng tingin at iminulat ang aking mga mata. Nakita ko si Sam na seryoso lang na nakatingin sa akin.

"Bakit ka nandito?" tanong niya at parang sinaksak ang puso ko dahil doon. Ayaw niya ba akong nandito?

"Ayaw mo bang makita ako?" seryoso kong tanong at huminga naman siya nang malalim.

"No. Hindi sa gano'n. Hindi na dapat nila sinabi sa 'yo. Alam kong masasaktan ka," sabi niya at nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Nasasaktan ako habang nakikitang nalulungkot siya. Baka nga hindi lang lungkot ang nararamdaman niya. Sana ay may magawa ako upang mapawi ang lungkot na nararamdaman niya. Ngunit alam kong wala. Wala ng mas sasakit pa sa katotohanang lilisan ka sa mundong ito.

"Malalaman at malalaman ko pa rin naman, Sam. There is no reason to hide the truth," sabi ko at tiningnan niya naman ako. Malamlam ang kanyang mga mata at parang tinutusok ang puso ko habang nakikita siyang ganito.

"Paano ba 'yan? Alam mo ng mawawala ako sa mundong ito," sabi niya at pakiramdam ko ay mayroon na namang bumara sa lalamunan ko.

"Napapagod na ako, El. Sobrang nanghihina na ako. Pero noong nakilala kita, nagkaroon ako ng lakas, ng pag-asa. Lumaban ako pero wala, e. Hanggang dito na lang siguro ako," kaswal na sabi niya na ang tingin ay nasa kisame. Nagsimula ng tumulo ang mga luha ko.

"Thank you for the happiness and memories, El," sabi niya at tiningnan ako. Pilit siyang ngumiti at mas lalong umagos ang mga luha ko.

"Huwag kang umiyak, El. Lumalaban pa naman ako. Hindi pa ako mawawala," sabi niya at sumilay ang matamis na ngiti sa labi niya. Ngunit kahit gaano katamis iyon ay hindi ko magawang maging masaya.

I know his only trying to be happy. Pero alam kong nasasaktan siya. Behind that smile there is pain that he hides on his eyes. His eyes screams in pain. I want to save him but I don't know how. I don't know if there's a way to save him.

"Kaya pala palagi mong binabanggit ang salitang miracle ay dahil may sakit ka at wala ng lunas para riyan," sabi ko at ngumiti naman siya.

"Ayokong sabihin sa 'yo agad dahil alam kong marami ka ring kinakaharap na problema. Seeing you happy is what makes me happy too. Kapag nakikita kong ngumingiti ka, lumalakas ako. You're my strength, El. Thank you so much," madamdamin niyang pahayag at muling namuo ang mga luha sa mga mata ko.

Somebody Out ThereWhere stories live. Discover now