19

16 8 4
                                    

Mabilis na lumipas ang araw at linggo. Ngayon ang ikalawang araw ng second periodic test namin. Kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung tama ba ang mga isinasagot ko sa bawat item.

Kasalukuyan akong nagsasagot ng test paper. Ito na ang huling subject na ite-test namin at sa wakas ay pwede na rin akong makauwi. Gusto ko ng umuwi at magpahinga. Nakakapagod ang araw na ito. Ang sakit sa utak dahil ilang araw din akong nag-review. Sana naman ay pumasa ako dahil hindi ko alam kung anong mararamdaman ko kapag nalamang bagsak ako.

May pasok pa kami bukas dahil, i-aannounce ng mga teacher kung sino ang bagsak sa bawat subject. Para maayos nila ito. Sa isang araw naman ay walang ng pasok dahil semestral break na. Mabuti naman dahil makakapagpahinga ako ng ilang araw.

"Pass your papers," sabi ni Ma'am Arizelle kaya naman pinasadahan ko ng tingin ang test papers ko. Pagkatapos ay ipinasa ko na ito sa nasa unahan ko.

Hindi ako confident sa mga isinasagot ko pero ang mahalaga ay masagot ko. Huminga ako nang malalim at isinilid sa bag ang ballpen na ginamit ko.

"Maglinis na kayo at pagkatapos ay pwede na kayong umuwi," sabi ni Ma'am at umalis na sa classroom namin. Mabuti naman at makakauwi na rin.

Nang maiwan kami ay biglang nagsipagsukbitan ng bag ang mga kaklase ko at agad na lumabas ng room. Hala! Uuwi na ba agad sila? Maging si Jillian ay nagdiretso palabas hanggang sa tatlo na lang kami na naiwan. Si Samantha ang isa at ang isa ay si Trina.

"Grabe naman talaga 'yang mga kaklase natin. Sabing maglinis muna," inis na sabi ni Trina at padabog na kumuha ng walis.

Hindi naman ako umimik at kumuha na lang din ako ng walis. Hindi ko naman kasi sila ka-close kaya wala akong sasabihin sa kanila.

"Oo nga pala. Congratulations, El!" biglang sabi ni Trina at napatingin naman ako sa kanya. Kumurap kurap ako habang nakatingin sa kanya.

"S-salamat," nauutal kong sabi at nagsimulang magwalis. Hindi ako makapaniwalang iko-congrats niya ako.

"Nakakakilig kayo ni Led, ha?" sabi niya at natigilan naman ako.

Pati ba naman sila ay kinikilig sa amin ni Led? Wala namang dapat ikakilig doon. Magkaibigan lang naman kami ni Led. Bakit naman sila kinikilig sa magkaibigan lang?

"Ah, haha," tanging nasagot ko at tinapos na ang pagwawalis. Kinuha ko ang dustpan at dinakot ang mga duming naipon ko. Pagkatapos ay nagtungo ako sa tapat ng basurahan at nag-segregate muna. Hindi naman pwedeng itapon ko na lang ito kung saang basurahan.

"Matagal ka pa diyan?"

"Ay, butiki!" gulat kong sabi at halos mabitawan ko ang dustpan. Ano ba 'yan? Bakit ba naman nanggugulat? Humarap ako sa likuran ko at nakita ko si Sam na nakakunot ang noo habang nakatingin sa akin.

"Alam kong payat ako pero hindi pa naman ako butiki," sabi niya at nginiwian ako. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil doon. Nagulat ako dahil bigla bigla na lang siyang nagsasalita sa likod ko.

"Eh? Bakit ka ba kasi nanggugulat?" tanong ko at huminga nang malalim.

Somebody Out ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon