05

23 9 18
                                    

Natapos ang buong maghapon at oras na para umuwi. Kaya naman naglakad na ako palabas ng classroom. Naglakad ako sa hallway at nakita ko naman na nakatingin sa akin ang ilang mga estudyante.

"Hindi ba't siya 'yong babaeng kasabay ni Led kumain. Ang swerte naman niya," sabi ng isa habang nakatingin sa akin.

"Oo nga, e. Halos lahat ng magagandang babae ay gustong-gusto si Led," sabi naman ng isa at nakagat ko ang pang-ibabang labi ko.

Maraming nagkakagusto kay Sam? Pero sabagay, hindi naman nakakapagtaka iyon. Gwapo naman si Sam, mayaman at mukhang matalino.

Nakalabas ako ng gate ng school ng biglang may tumigil na bike sa tabi ko. Nag-angat ako ng tingin at tumama ang paningin ko sa mukha ni Sam na seryosong nakatingin sa akin.

"May bike ka pala," tanging nasabi ko at pinagmasdan ang bike niya. Mukhang mamahalin ang bike na iyon. Ano pa bang aasahan ko, isa siyang Royale.

"Hindi ba obvious? Tsk. Sakay ka na. Ihahatid kita sa inyo," sabi niya at napamaang naman ako.

"Ha?" tanging nasabi ko dahil sa gulat. Napahilamos naman siya sa mukha niya.

"Sabi ko sumakay ka na at ihahatid kita sa inyo," sabi niya ulit at napamaang na naman ako.

"Bakit mo ako ihahatid?" tanong ko at tiningnan niya ako sa mata.

"Bakit naman hindi? Ang dami mong tanong. Sumakay ka na lang," masungit na sabi niya na wari'y nauubusan na ng pasensiya. Napakamot naman ako sa ulo ko. Ang sungit niya talaga.

"Saan naman ako sasakay riyan?" tanong ko at itinuro niya naman ang maliit na upuan sa may bandang likuran.

"Diyan ako uupo?" tanong ko at narinig ko naman ang pagsinghal niya.

"Oo. Saan mo ba gusto? Dito sa unahan?" sabi niya sa mapang-asar na tono at nag-init naman ang mukha ko.

"Hindi. Dito na ako uupo," sabi ko at naglakad na palapit sa uupuan ko.

Inayos na ni Sam ang bike at umupo na ako ng patagilid. Nang makaupo na ako ay bigla siyang pumadyak. Muntik na akong mapatalon sa gulat. Pakiramdam ko ay nagkakarera ang puso ko dahil sa bilis ng tibok nito. Ang bilis niyang magpatakbo tapos wala naman akong makapitan.

"Yumakap ka sa bewang ko," sabi niya at nanlaki naman ang mata ko.

"Ha?" tanging nasabi ko at narinig ko naman ang pagsinghal niya.

"Yumakap ka sa bewang ko," pag-uulit niya at nag-init naman ang mukha ko dahil sa sinabi niyang iyon.

Somebody Out ThereWhere stories live. Discover now