03

34 9 21
                                    

...

Tahimik akong kumakain dito sa canteen. Nasa sulok ako upang hindi mahalata ng ibang estudyante na naririto ako. Ayoko talaga na mayroong pumapansin sa akin. It will lead to trouble. Palagi namang ganoon ang nangyayari sa akin. Palagi ko ngang hinihiling na sana naman ay magkaroon ako ng tahimik na buhay rito sa school.

"Look, nagagawa pa palang kumain dito ng isang katulad mo? After what we've done, malakas pa rin ang loob mo na kumain dito?" sabi ng isang babae na nasa harapan ko na pala. Hindi ko naman siya pinansin at nagpatuloy sa pagkain.

Hindi na ako lumalaban. Mas mabuti na huwag ko na lamang silang pansinin dahil mas lalo lang lalaki ang gulo. Gusto ko lang naman ng tahimik na buhay pero bakit parang ang hirap naman na ibigay 'yon sa akin?

"Hey! Bingi ka ba? Bakit hindi ka natitinag? We're talking to you!" sigaw niya at halos lahat ng atensyon ng mga estudyante na naririto ay nasa akin na. I'm a center of attraction, again.

"Talk to us!" sigaw niyang muli at itinapon ang pagkain ko sa sahig.

Napatingin ako sa natapong pagkain at nakaramdam ng panghihinayang. Mabuti na lang at busog na ako kaya ayos lang na itinapon nila iyon. Tumayo na ako at nagsimulang humakbang ngunit hindi pa man ako nakakatatlong hakbang ay hinigit niya na ako.

"Bastos ka, ah? Kinakausap ka pa namin. You bitch! How dare you to turn your back on us?" nanggagalaiti niyang sabi at tiningnan ko lang naman siya nang walang emosyon.

"Did I stepped your ego?" walang gana kong sagot at nanlaki naman ang mga mata niya. Isang malutong na sampal ang iginawad niya sa akin. Masakit iyon ngunit hindi ko na ininda. I'm used to it. I won't feel physical pain. But deep inside, its killing me.

"How dare you to answer me like that?!" gigil niyang sigaw.

Kahit marami ang naaawa sa akin ay walang magawa ang iba dahil alam nilang madadamay lamang sila. Naiintindihan ko naman iyon dahil ayaw ko rin naman na mayroong madamay na ibang tao rito.

Pero si somebody out there, nasaan na siya? Dapat ay nandito na siya ngayon. Baka naman nagbago na ang isip niya. Baka ayaw niya ng maging somebody out there ko. Sabagay, sino ba naman ang tutulong sa akin? E'di wala. Ako lang ang tutulong sa sarili ko. Kukuhanin ko na lang iyong sticky notes ko sa kanya. Mukhang pinagti-trip-an lang naman ako ng lalaking iyon.

"And who are you to do that on her?" sabi ng isang pamilyar na tao. Kilala ko ang boses na 'yon at nakakatakot ang tono ng pananalita niya, nagtindigan naman ang balahibo ko.

He's here.

Kahit kahapon ko lang nakausap ang lalaking iyon ay alam ko ang boses niya at alam ko na siya lang ang maglalakas loob na umepal dito.

Bigla namang may humigit sa akin at itinabi ako sa kanya. Nag-angat ako ng tingin at tumambad sa harapan ko si Sam na masama ang ipinupukol na tingin kay Lily.

Si Lily ay anak ng isang mayamang negosyante kaya naman walang naglalakas loob na kalabanin siya. Maimpluwensya ang pamilya niya kaya wala ni isa rito ang makikialam sa ganitong gulo lalo na kung hindi naman sila mayaman.

"Sino ka ba? Umalis ka na nga lang at hayaan mo kaming gawin ang gusto namin sa babaeng 'yan. Don't act like a hero here. We're all the same after all. Why not join us and let's make fun with that poor girl," nakangising sabi ni Lily at nag-angat naman ako ng tingin kay Sam.

Somebody Out ThereOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz