15

23 9 7
                                    

Lumipas ang mga araw at nagpatuloy lang ako sa pagpa-practice ng mga lutuin. Masaya ako dahil nakukuntento ako sa lasa ng mga ito at mas nakakadagdag ang papuri ni Sam sa mga niluto ko.

Ngunit iba ngayon, binabalot na ng kaba ang buong sistema ko dahil bukas na gaganapin ang talent show. Kapag naiisip ko na haharap ako sa ilang mag-aaral na mayroong kakayahan na katulad ng sa akin ay hindi ko maiwasang ikumpara ang sarili ko sa kanila. Nanliliit ako sa sarili ko. Pakiramdam ko ay wala akong binatbat sa kanila. Ngunit hindi ito ang tamang panahon para panghinaan ng loob at kwestyonin ang sarili.

Unti-unti na ata akong nagiging matatag at matapang. Nakakatuwa dahil nakakatulong ang pag-alalay ni Sam sa akin upang maging positibo ang pananaw ko. Napangiti ako dahil sa isiping 'yon.

"Bakit nangingiti ka riyan?" seryosong tanong ni Sam at napatingin ako sa kanya. Takte! Muntik ko ng makalimutan na may kasama pala ako.

"May naisip lang," sabi ko at napataas naman ang kilay niya.

"Ano naman 'yon?" tanong niya at seryosong tumingin sa mga mata ko. Iyon na naman ang mga mata niya na kapag tiningnan mo ay para kang mawawala sa sarili dahil nakaka-intimidate.

"Ikaw," wala sa sarili kong sagot at nanlaki naman ang mga mata ko nang marealize kung anong nasabi ko. Nakita ko ang pagngisi ni Sam at nakagat ko naman ang pang-ibabang labi ko dahil sa pagkapahiya.

"So, you're thinking of me huh?" sabi niya at nginitian ako nang nakakaloko.

"Anong masama doon? Dahil sa pagtulong mo sa akin ay nagkakaroon na na ako ng kaunting improvement sa sarili ko. Sa tingin ko ay mas nagiging positive na ang pananaw ko ngayon," pagpapaliwanag ko at nginitian ko naman siya. Tumango lang naman siya at hindi na umimik pa. Tinitigan ko ang kabuuan niya. Nangunot ang noo ko dahil may pagbabago sa kanya. Napamaang ako nang mapagtanto kung ano ang nagbago sa kanya.

"Sam, bakit parang pumayat ka ata tapos hindi natural ang kulay ng balat mo?" tanong ko at sinulyapan niya naman ako. Pati mata niya ay hindi na normal ang kulay ngunit hindi nagbabago ang awtoridad mula rito.

"Wala ito. Huwag mo na akong intindihin," sabi niya at nagpatuloy na sa paglalakad. Ang sungit talaga.

Hindi naman maalis sa isipan ko ang itsura niya. Naninibago ako sa kanya. Mukhang nababawasan ang timbang niya at nag-aalala na ako. Mukhang may sakit siya ngunit ayaw niya lang sabihin.

Tahimik lang kaming naglakad at napapanguso naman ako. Hindi ako sanay na tahimik si Sam. Mukhang lumilipad ang kanyang isip. Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa tapat ng bahay ko. Nakarating kami dito ng hindi man lang nakakapag-usap nang ayos. Tiningnan ko siya at ganoon din siya sa akin.

"May problema ka ba?" tanong ko at nangunot naman ang kanyang noo.

"Wala. Bakit?" tipid niyang sagot at napahinga naman ako nang malalim. Sana ay hindi siya nagsisinungaling.

Somebody Out ThereWhere stories live. Discover now