09

22 9 7
                                    

"Papa?" bulalas ko nang makita si Papa na siyang nakaupo sa sofa.

Mabilis akong pumasok sa loob at dinamba siya ng yakap. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napaiyak na ako. I miss him.

"Sshh. Huwag ka ng umiyak anak," pag-alo sa akin ni Papa ngunit sa halip na tumahan ay mas lalo pa akong umiyak.

"Namiss kita, Pa." sabi ko sa gitna ng aking mga hikbi.

"Namiss din kita, anak. Walang gabi ang dumaan na hindi kita iniisip. Kamusta ka naman anak?" sinserong sabi ni Papa at kumalas na ako sa pagkakayakap sa kanya.

"Ayos lang naman po ako, Pa. Kayo po? Mabuti at bumalik na kayo. Makikipag-ayos na po ba kayo kay Mama?" sunud sunod kong tanong at nakita ko kung paano lumamlam ang mga mata ni Papa.

Anong ibig sabihin noon? Kasunod noon ay ang marahan niyang pag-iling. Lumaylay ang mga balikat ko dahil sa sagot niyang iyon. Simpleng galaw lang iyon ngunit pakiramdam ko ay gumuho na naman ang mundo ko.

"Hindi ako nagpunta dito para makipag-ayos sa Mama mo. Nagpunta ako dito para magpaalam sa 'yo," sabi niya at napamaang ako. Kasunod noon ay ang pagtulo ng mga luha sa mata ko.

"Bakit, Pa? Saan kayo pupunta?" tanong ko sa kanya at tiningnan siya kahit blur ang aking paningin dahil sa mga luha.

"Pupunta ako sa ibang lugar anak. May in-apply-an ako na trabaho doon at natanggap ako. Hayaan mo at makikipag-ayos ako sa Mama mo ngunit hindi pa sa ngayon anak," sabi ni Papa at hinalikan ako sa ulo. Humikbi ako at niyakap siya nang mahigpit.

Kung ako lang ang masusunod ay ayaw kong umalis si Papa. Ngunit ayaw kong maging makasarili. Alam kong hindi lang ako ang nahihirapan sa mga nangyayari sa buhay namin. We need to heal. We'll heal in different ways kaya kahit masakit para sa akin ay kailangan kong hayaan si Papa na lumayo muna. Kahit kaakibat noon ay ang sakit sa aking puso. Mami-miss ko siya nang sobra.

"Mami-miss kita, Pa. Mag-iingat po kayo doon a? Tatawag po kayo sa akin nang madalas," sabi ko at may kumawala na naman na hikbi sa aking labi.

Hindi ko mapigilang hindi lumuha. Daig ko pa ang isang bata na inaway ng kalaro at nasugatan. Ngunit iba na ngayon, pakiramdam ko ay inaaway ako ng mundo at nasugatan nang matindi sa aking puso.

Naiintindihan ko naman si Papa, naiintindihan ko kung bakit siya lalayo. Sadyang masakit lang para sa akin ang mga nangyayari.

"Sige na, anak. Kailangan ko ng umalis. Baka mahuli pa ako sa byahe. Nagpunta lang talaga ako rito para magpaalam sa 'yo," sabi ni Papa at tumayo na.

Somebody Out ThereWhere stories live. Discover now