24

14 7 2
                                    

Nagising ako dahil nakakaramdam na ako ng pagkangalay. Parang may mabigat na bagay ang nasa balikat ko. Nagmulat ako ng mata at tumingin ako sa tabi ko.  Nakita ko si Sam na nakaunan sa balikat ko at tulog na tulog. Nanlaki ang mga mata ko at awtomatikong nag-init ang mukha ko. Keep calm, El. Relax lang.

"Ma'am, Sir. Nandito na po tayo," sabi ng driver at napatingin naman ako sa labas. Nasa parking lot kami. Kanina pa ba kami rito o kararating lang?

"Kanina pa po ba tayo rito?" tanong ko at sinulyapan naman ako ng driver sa rear view mirror.

"Oo. Kanina pa," sabi ng driver at napahinga naman ako nang malalim. Kanina pa pala kami rito.

"Bakit hindi niyo po kami ginising?" pagtatanong ko at muli akong sinulyapan ng driver sa rear view mirror.

"Bilin kasi ni Ma'am Vianna, huwag kayong gigisingin. Ayos lang naman, Ma'am El, hindi naman ako nainip. Sa totoo niyan ay nakaidlip din ako," nakangiting paliwanag ng driver at muli akong huminga nang malalim. May ganoong patakaran pala ang Mama ni Sam. 

Naramdaman ko naman ang paggalaw ng katabi ko at mula sa pagkaka-unan niya sa balikat ko ay bigla siyang umayos ng upo. Tumingin siya sa akin at nagtama ang paningin naming dalawa.

"Sorry," tipid niyang sabi at binuksan ang pinto ng van. Napanguso naman ako dahil mukhang masama ang gising niya.

"Bumaba ka na riyan, Miss El at pumasok na kayo sa loob ng resort. Ako na ang bahala sa mga gamit niyo. Ide-deretso ko na ito sa loob ng kwartong tutuluyan niyo,"muling sabi ng driver at wala naman akong nagawa kundi sumunod sa sinabi niya.

Pagkalabas ko ay bumungad sa amin ang malaking gate. Napamaang ako dahil sa taas niyon. Nakasulat sa gate ang pangalan ng resort. Hindi ko alam kung anong makikita ko sa loob pero alam kong maganda ang makikita ko.

Naglakad si Sam papunta sa may gate kaya naman wala akong nagawa kundi sumunod sa kanya. Pagkarating namin sa may gate ay hinarang kami ng gwardiya. Babae at lalaking gwardiya ang naroon. Ang lalaki ay lumapit kay Sam at kinapkapan ito. Ang babae naman ay lumapit sa gawi ko at siyang nagkapkap sa akin. Nginitian naman ako ng babaeng guard kaya naman nginitian ko rin siya ngunit pilit iyon.

Pumasok na si Sam sa loob at ganoon din ako. Napamaang ako dahil sa aking nakikita. Dagat... Ngayon na lang ulit ako nakakita ng dagat sa malapitan. Hindi ko maipaliwanag ang saya na aking nararamdaman. Inilibot ko ang paningin ko at kahit saan ata ako tumingin ay namamangha ako. Bungad pa lang itong nakikita ko ngunit namamangha na kaagad ako. Paano pa kapag nalibot ko na ang kabuuan ng resort.

"I know you're amazed by the view, but, let's check in first. We must follow, Kuya James," untag ni Sam sa akin at nabalik naman ako sa katinuan. Seryoso siyang nakatingin sa akin at ilang sandali lang ay tinalikuran niya na ako at nagsimula ng maglakad palayo.  Wow! Mang-iiwan talaga.

Somebody Out ThereOnde histórias criam vida. Descubra agora