12

27 9 14
                                    

Kasalukuyan kaming nasa classroom ngayon. Wala pa ang adviser namin na siyang unang magtuturo sa amin ngayong umaga.

"Hoy, El!" mahina ngunit may diin na sambit ni Jillian na ngayon ay nakaupo na sa tabi ko.

"Bakit?" tanong ko at tinaasan pa ako nito ng kilay na wari'y sinusuri ang buong itsura ko.

"May dumi ba ako sa mukha?" tanong ko at bigla naman siyang tumingin sa mga mata ko.

"Wala. Tinitingnan lang kita and by the way. Nakita ko 'yong yakapan scene at kiss sa noo scene niyo ni Led kahapon. Kayo ha? You have something fishy," sabi ni Jillian na ang tingin ay nang-iintriga. I look puzzled. Anong pinagsasasabi niya? Nangunot ang aking noo habang tinitingnan siya.

"Masyado kang pa-issue ano?" asik ko at tumawa naman siya. Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa pagtawa niyang 'yon.

"Duh! Kahit naman sino ang makakita noon ay iisiping may something sa inyo ni Led. Hindi kaya 'yon normal. I know that you were friends pero napakasweet niyo naman," sabi niya sa maarteng tono at natigilan naman ako.

Something? Between me and Sam? No! Sadyang mabait lang siguro si Sam sa akin or maybe, naaawa lang siya sa kalagayan ko. Iyon lang siguro ang dahilan kung bakit niya ginagawa 'yon.

"Teka lang pala. Bakit nakita mo 'yon, e, class hours 'yon?" tanong ko sa kanya ng may pagtataka. Nakita ko ang pagngisi niya.

"I ditch the class. Mas gusto ko pang libutin ang buong school kaysa makinig sa boring nating teacher," sabi niya at ngumiwi pagkatapos. Nalukot naman ang mukha ko dahil sa sinabi niya.

Kakaiba talaga ang pag-iisip ng mga Royale, nacu-curious tuloy ako sa katauhan nila. Parang gusto ko silang makita lahat. Pero napaka-feelingera ko naman. Huminga ako nang malalim at tumingin sa malayo.

"Good morning, class!" bungad ni Ma'am Arizelle kaya naman agad kaming nagsipag-tayuan.

"Good morning, Ma'am," bati namin sa kanya at pagkatapos ay umupo na kami.

"I have an announcement again. Mayroon kaming inilabas na bagong final list ng mga participants na sasali sa gaganaping District Level Talent Show," nakangiting sabi ni Ma'am at kumabog naman bigla ang dibdib ko.

Did he make it? Kasali na ba ako sa listahang 'yan?

"Simulan na natin," sabi ni Ma'am at nag-umpisang basahin ang bawat pangalan na nakasulat sa papel na hawak niya.

Habang hindi ko pa naririnig ang pangalan ko ay nakakaramdam ako ng kaba at pag-asa na sana naman ay kasama ako sa listahan. Iyon na lang ang bagay na mayroon ako, ang talento sa pagluluto. Sana naman ay hindi nila ipagkait sa akin ang pagkakataon na makasali ako sa contest na iyon.

Somebody Out ThereTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang