17

28 8 12
                                    

Lumipas ang maghapon at oras na para sa awarding. Ipinapatawag na lahat ng estudyante sa harap ng stage.  Dumadagundong na ang dibdib ko at wala na akong marinig bukod dito.  Nanlalamig na ang kamay ko at namamawis na rin.

Kahit kinakabahan ay naglakad na ako papunta sa stage. Mag-isa lang ako, sa muling pagkakataon. Ngayon ko na lang ulit naranasan na maging mag-isa. Nakarating na ako sa tapat ng stage at lalong kumabog ang dibdib ko dahil sa dami ng tao. Rumurupok na ang mga tuhod ko at pakiramdam ko ay mahihimatay ako. 

"Good afternoon everyone! Kamusta naman kayo?" magiliw na sabi ng emcee at nagsipagsagutan naman ang ibang estudyante. Ngunit ako ay hindi ko magawang ibuka ang bibig ko dahil sa kaba.

"Hindi na natin ito patatagalin pa kaya naman magsisimula na tayong mag-award," magiliw na sabi ng emcee at may kinuhang folder.

Sa pagkakataong ito ay halos hindi na ako makahinga. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan e hindi naman ako gaanong umaasa na mananalo ako.

"By the way. Ang matatanggap ng mga mananalo ay medal at certificate of recognition," muling sabi ng emcee.

"Water?" biglang sabi ng pamilyar na boses sa tabi ko at napatingin ako sa kanya. Hindi ko magawang umimik dahil mas lalong kumabog ang dibdib ko. Para mayroong mga kabayo na nagkakarerahan sa loob.

"Hey, you okay?" muling tanong niya at napalunok naman ako. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako habang kaharap siya. Tumango na lang ako bilang sagot. Ang haba ng maghapon ngunit ngayon lang siya nagpakita.

"Mukhang dehydrated ka na. Uminom ka nang tubig," sabi niya at inilagay sa kamay ko ang tubig na kanina niya pang ibinibigay.

"Magsimula na tayo," magiliw na sabi ng emcee kaya naman doon sa stage natuon ang atensyon ko.

Nagsimulang magkaroon ng drum roll at nagsimula ng sabihin ang pangalan ng mga nanalo. Kasabay noon ay ang nakakabinging palakpakan at hiyawan ng mga kanya kanyang ka-schoolmates ng mga nanalo.

"And now, we will announced the champion for Digital Art Category. Gathering a score of 96.5%. Our winner is from Parodez High at balita ko ay napakagwapo raw ng batang ito. Let's give around of applause to Mr. Led Aviano Royale the champion for Digital Art Category!" pag-a-announce ng emcee at napamaang ako habang nakatingin sa katabi ko. Kasali pala siya doon. Bakit hindi ko alam?

Nagsimula siyang maglakad papunta sa stage. Lahat ng estudyante ay nakatingin sa kanya. Sa lakad pa lang ay malalaman mo na agad ang kapangyarihang tinatangi niya. Ang lakas maka-royal pero iyon ang totoo.

"Congratulations, Mr. Led Royale. Sinong gustong makakita ng gawa ni Mr. Led? Alam kong lahat kayo ay gustong makita ito," nakangiting sabi ng emcee at nagsihiyawan naman ang mga estudyante. Gusto nilang makita ang gawa ni Led at ganoon din ako. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi mawala ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

Ilang saglit lamang ay may nag-flash na picture sa white board na nakapwesto sa may likurang bahagi ng stage.

"Maaari mo bang i-explain sa amin Mr. Led Royale kung anong ibig sabihin ng ginawa mong ito?" pagtatanong ng emcee kay Led at natuon naman ang atensyon ko kay Led.

Somebody Out ThereOnde histórias criam vida. Descubra agora