27

15 8 8
                                    

Naayos ko na ang mga gamit ko at handa na kaming umuwi. Ngayon ay nandito ako sa veranda ng kwarto namin at pinagmamasdan ang dagat sa huling pagkakataon. Hindi ko alam kung kailan ulit ako makakakita ng dagat, sana ay isama ulit ako ni Sam sa susunod na punta niya sa mga beach resort. Ang gaganda kasi.

"Looking at the view for the last time?" biglang sabi ng pamilyar na boses sa likuran ko. Sinulyapan ko naman siya at sa dagat din siya nakatingin.

"Oo. Hindi ko kasi alam kung kailan ulit ako makakapunta ng dagat e," sabi ko at hindi naman siya umimik.

"Then we must need to wait for a miracle to happen and I'll bring you to different beaches here in the Philippines," saad niya at tiningnan ko naman siya. Nangunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Ayan na naman siya sa mga palaisipan niya.

"Miracle? Bakit kailangan ng miracle?" tanong ko at hindi naman siya umimik. Nagkibit-balikat lang siya at tinalikuran na ako pagkatapos. Hala siya!

"Pumasok ka na. Nandiyan na si Kuya James," sabi niya at naglakad na papasok sa loob ng kwarto. Napanguso naman ako dahil hindi niya man lang sinagot ang tanong ko.

Wala akong nagawa kundi pumasok sa loob at nakita ko nga si Kuya James. Huminga ako nang malalim at muling nilingon ang dagat. Uuwi na talaga kami. Kung alam ko lang na ganito pala kaganda rito sana ay humingi ako ng extend kay Sam, kung pwede lang naman.

"Kamusta naman ang bakasyon niyo rito? Nag-enjoy ba kayo?" tanong ni Kuya James na ang paningin ay nagpalipat-lipat sa amin ni Sam.

"Opo. Nag-enjoy po ako. Ang ganda po rito," sabi ko at sumilay ang matamis na ngiti sa labi ko. Napangiti din si Kuya James dahil sa sinabi ko.

"Mabuti naman. Matutuwa si Ma'am Vianna kapag nalaman niyang nag-enjoy kayo. Ano? Tara na. Baka abutin pa tayo ng traffic dahil sa rush hour," sabi ni Kuya James at kinuha na ang mga gamit ko at gamit ni Sam. Mabuti na lang at hindi mabigat iyong mga gamit namin dahil kung hindi ay mahihirapan si Kuya James sa pagdadala ng mga iyon.

Nagsimula na kaming maglakad palabas ng kwarto at tinahak namin ang daan papunta sa elevator. Mabigat ang pakiramdam ko habang lulan na kami ng elevator. Nakukulangan ako sa araw na namalagi kami rito. Ngunit aaminin kong nag-enjoy ako sa pagbabakasyon namin. Medyo nangitim ako pero hindi ko iyon ininda.

Nakarating kami sa ground floor at lumabas na kaming tatlo. Nagpunta si Kuya James sa front desk at ibinalik na ang susi. Nagcheck out na rin siya. Pagkatapos ay matamis na ngiti ang ibinigay sa amin ng mga staffs. Nginitian ko rin naman sila pabalik. Si Sam naman ay seryoso lang na nakatingin sa labas.

Nagsimula na kaming maglakad palabas at mas lalong bumigat ang pakiramdam ko nang masilayan ang papalubog na araw. Hindi ko alam kung kailan ulit ako makakakita ng sunset dito sa dagat pero sana naman ay magkaroon ng pagkakataon na makabalik ako rito o makapunta sa iba pang beaches.

Nakarating kami sa parking lot at katahimikan lang ang bumabalot sa pagitan naming tatlo. Huminga ako nang malalim noong makitang binuksan na ni Kuya James ang pinto ng van. Pumasok na ako at naupo sa paborito kong spot. Iyong malapit sa bintana ang napili ko. Naramdaman ko naman ang presensiya ni Sam sa tabi ko. Tumabi na naman siya sa akin. Gagawin niya na naman ba akong unan?

Somebody Out ThereDonde viven las historias. Descúbrelo ahora