18

18 8 17
                                    

"That's true. You are the biggest part of me and I'm so grateful my majesty," seryosong sabi niya at nag-init naman ang mukha ko.

Napatingin ako sa malayo kaya nanaig ang katahimikan sa pagitan namin. Nagwawala ang buong sistema ko. Hindi magkaintindihan ang puso ko sa pagtibok. Parang kumukulo din ang tiyan ko at namamawis ang kamay ko.

"Oy pare! Congrats!" tinig ng isang lalaking hindi ko naman kilala. Kaklase siguro iyon ni Sam.

"Salamat, Dave," simpleng sabi ni Sam at nginitian naman siya ng lalaking tinawag niyang Dave.

"Hindi mo man lang ba ako ipapakilala sa kasama mo, Led?" tanong ni Dave kay Sam at tinapunan naman siya ng tingin ng huli habang nakakunot ang noo nito.

"Bakit ako pa kung pwede namang ikaw?" asik ni Sam at tumawa lang naman si Dave.

"As I expected," natatawang sabi ni Dave at tumingin ito sa akin. "I'm Dave Claros, kaibigan ako ni Led."

"You look good together at iba ka bumanat Led, ha? Paturo naman idol," nang-aasar na sabi ni Dave at suminghal lang naman  si Sam.

"Tigilan mo ako, Dave, hindi kita ilalakad sa pinsan ko. Puro ka kalokohan," bored na sabi ni Sam at nanlaki naman ang mga mata ni Dave na parang hindi makapaniwala sa sinabi ng kaibigan.

"Hoy, Led! Ilakad mo ako. Gwapo naman ako, matalino, mayaman. Magugustuhan niya ako," preskong sabi ni Dave at sa unang pagkakataon ay gusto kong ngumiwi. May pagkamahangin pala ang kaibigan nitong si Led.

"Hindi niya magugustuhan ang pagiging mayabang mo. Tsk!" sabi ni Sam at ngumiwi pa ito.

Napaka-direct to the point ni Sam, hindi siya nag-aalinlangan na sabihin ang gusto niyang sabihin. Hindi ko alam kung iniisip niya ba na baka masaktan ang ibang tao sa sinasabi niya.

"Hey! Couple goals talaga kayo ano?" maarteng sabi ni Jillian na naglalakad palapit sa amin. Para siyang model kung maglakad.

"Congratulations to the both of you. Deserve niyo naman 'yang pagkapanalo niyo," nakangiwing sabi ni Jillian nang makalapit sa amin at nagpapalit-palit din siya ng tingin sa amin ni Sam.

"Thank you, Jillian," sabi ko at umirap lang naman siya. Ang taray! Pero kahit ganoon ay alam ko namang mabait siya. Sadya lang na ganoon siya.

"Hindi ka dapat sa akin magpasalamat. Kundi diyan sa katabi mo dahil ipinagtanggol ka niya," nakangiwing sabi niya at tumama ang paningin niya kay Dave. Nangunot naman ang kanyang noo habang nakatingin kay Dave at ang huli naman ay ngiting ngiti sa kanya.

"Anong ginagawa ng kutong lupang ito rito?" iritableng tanong ni Jillian at napangiwi pa.

Somebody Out ThereWhere stories live. Discover now