29

15 7 5
                                    

Maaga akong nagising dahil nag-set ako ng alarm para sa araw na ito. Happy Birthday to me! Finally, I'm on my legal age na. Napakasarap sa pakiramdam ng ganito. Agad akong bumangon at tiningnan ang aking sarili sa salamin. Lahat ng babae ay hinihintay na dumating ang kanilang eighteenth birthday dahil maraming nagdadaos ng debut. Pero ako, huwag na lang. Wala rin namang dadalo at wala rin naman akong makukuha na labing walong lalaki para isayaw ako.

Kinuha ko ang tuwalya ko at akmang aalis na sa kwarto nang biglang nag-ring ang cellphone ko. Hudyat na mayroong tumatawag. Hala! Sino naman kaya 'yon? Napaka-aga pa. Naglakad ako palapit sa side table at kinuha ang cellphone. Parang natunaw ang puso ko nang makita ang caller ID ng tumatawag.

"Hello Pa?" sabi ko habang itinatago ang labis na kaligayahan.

"Happy birthday, anak!" magiliw niyang sabi at napangiti naman ako.

"Thank you, 'Pa. Uuwi po ba kayo?" tanong ko at umaasa na sasagot siya ng 'Oo' pero maiintindihan ko naman kung hindi.

"Pasensiya ka na anak, ah? Busy pa si Papa ngayon. Nagpaalam na nga ako sa boss ko pero hectic ang schedule namin ngayon. Baka bukas na lang ako umuwi, anak. Bibigyan kita ng mamahaling regalo," sabi ni Papa at ngumiti naman ako.

"Naku, 'Pa! Magpahinga ka po, ah? Huwag kang masyadong magpapagod. Naiintindihan ko naman po kayo, 'Pa. No need na ng regalo. Iyong makita ko lang kayo ay masaya na ako," sabi ko  sa magiliw na tono.

Hindi ako magtatampo kay Papa dahil naiintindihan ko naman siya. Alam ko na hindi ganoon kadaling magpaalam sa trabaho. Minsan may mga pagkakataon talaga tayong napapalampas at nauunawaan ko naman iyon.

"Hindi ka ba magtatampo, anak?" tanong ni Papa at kahit hindi niya nakita ay napailing ako.

"Hindi po. Basta alagaan niyo po ang sarili niyo at mag-ingat po kayo," sabi ko at kahit hindi ko nakikita si Papa ay alam kong nakangiti siya ngayon.

"Sige, anak. Salamat. Kailangan ko ng tapusin ang tawag dahil papasok na ako sa trabaho," sabi ni Papa.

"Sige po. Babye, 'Pa," sabi ko at muling ngumiti.

"Bye, anak. Happy birthday ulit. Enjoy your day," sabi niya at tinapos niya na ang tawag.

Somebody Out ThereWhere stories live. Discover now