07

25 9 10
                                    

"Ano'ng nangyari sa 'yo?" tanong niya at nanlamig naman ako sa kinatatayuan ko. Napalunok din ako dahil sa kakaibang pakiramdam na dulot sa akin ng itinanong niya.

"Nadumihan..." sabi ko at naputol iyon dahil nagsalita si Jillian.

"Na-bully na naman ulit siya. Don't lie on him, El. Before he ask, he knows the answer," mataray na sabi ni Jillian at pinagkrus ang mga braso.

Hindi naman ako nakasagot at tiningnan lang si Sam. Sana naman ay hindi siya galit. Natatakot ako sa kanya, sa hindi maipaliwanag na dahilan. Siguro ay takot ako sa posible at kaya niyang gawin. I know he is capable of doing a lot of things.

"Maiwan ko na muna kayo. Teach her to be brave and strong, Led," kaswal na sabi ni Jillian at nilagpasan na si Sam. Ang hilig talaga nilang mang-iwan.

Kilala ba ni Jillian si Sam? Ang kaswal noya kasing makipag-usap kay Sam.  Iniwan niya na ako.

"Why you're letting them to do such thing on you," iritableng tanong ni Sam at matalim ang tingin sa akin. Hindi naman ako nakasagot at nagbuntong-hininga.

"I can't fight for myself, Sam. I'm weak," walang gana kong sabi at iyon na naman ang pakiramdam ko, bumibigat na naman.

"You can be strong, El, if you want. Hindi naman pwedeng habambuhay kang mahina," sabi niya sa nangangaral na boses at napahinga naman ako nang malalim. How I wish to be strong and brave.

"Pupunta na ako sa classroom ko, Sam. Salamat sa pagpunta rito," sabi ko at nginitian siya. Hindi naman nagbago ang ekspresyon sa mukha niya at tiningnan niya lang ako.

"Susunduin kita mamaya. I will teach you to be strong and brave while I'm on your side," sabi niya at tinalikuran na ako. Pagkatapos ay tuluyan na siyang naglakad palayo. Napabuga ako ng hangin at tinanaw siya.

I don't know why you're doing this, Sam but I appreciate it. You make me feel a lot of emotions that I haven't felt before. Maliban sa sakit at lungkot ay nakakaramdam na akong pagkalito, pagkagulat at pangamba. Huminga ako nang malalim at nagsimula ng maglakad pabalik sa classroom.

Habang nagsusulat ako ay tumunog na ang bell. Hudyat na tapos na ang klase at tanghalian na namin. Kaninang break time ay nagdala si Sam ng pagkain sa akin. Nagulat ako sa ginawa niya dahil hindi naman ako sanay na may nagdadala ng pagkain para sa akin. Pero hindi naman ako pwedeng tumanggi dahil nakakatakot ang aura niya. Huminga ako nang malalim at napatingin sa aking ballpen.

Is it really fine to befriend with him? Despite of different life we have?

"Ilang oras mo gustong tumulala riyan?" tanong ng isang pamilyar na boses at napapitlag naman ako. Kumabog ang dibdib ko dahil sa gulat at bumigat ang aking paghinga.

"Huwag ka ngang nanggugulat," sabi ko at nagkibit balikat lang naman siya.

"I didn't," walang gana niyang sabi at seryoso lang siya habang nakatingin sa akin.

"By the way. Where do you want to eat? Ayaw ko sa canteen, bukod sa paulit-ulit ang tinda, ang daming toxic doon," sabi niya at napamaang naman ako. Bakit niya ako tinatanong kung saan ko gusto e wala namang ibang makakainan bukod sa canteen.

Somebody Out ThereWhere stories live. Discover now